Chapter 4
[Unknown Feelings]
DYLAN'S POV
6PM. Andito na kami ng barkada sa tambayan. Isa itong studio type na apartment na naglalaman ng iba-ibang pwedeng pagkaabalahan ng grupo. Lahat nandito. Computers, Billiards, Dart Games, Mini Bar, Entertainments, Beds for resting, basta kumpleto. Lahat pwede naming gawin dito. Isa lang ang rule sa loob ng apartment na to.
"NO GIRLS ALLOWED"
Bakit? Basta. Ayoko lang. Kaya wag na kayong magtanong.
"Brent, juice nga." Sabi ko kay brent habang naglalaro ng PSP.
"Uy, Drew. Juice daw sabi ni boss." Utos naman niya kay Drew. Tss.
"Drake, pre, juice daw kay boss." Pasa naman ni Drew kay Drake.
"Ayos kayo ah! Bakit ako!? Malapit na kong manalo eh! Pasa kayo ng pasa! Si Karl nalang!" Reklamo naman ni Drake.
"PESTE! WALA BANG TATAYO SA INYO!?!?" Sigaw ko. Nakakabadtrip eh! Parang mga bata. Simpleng utos di magawa.
Nanahimik naman sila. Wala yata talagang gustong gumawa. Tatayo na sana ako ng biglang tumayo si Kurt.
"Ako na." Sabi lang niya kaya umupo na ulit ako. Tsk. Nakakapang-init ng ulo dito.
"Bro. Easy. Masyado kang hot eh. May problema ba?" Tanong sakin ni Brent na ikinakunot ng noo ko. Di ako sumagot.
Problema? Wala naman. Badtrip lang ako. Di ko alam kung bakit pero simula ng makita ko sila kaninang uwian, nawala na ko sa mood. Si Cassie at ang ugok na yun ang tinutukoy ko. Maybe that bastard is his boyfriend. Tss. Naaasar ako sa pagmumukha niya.
FLASHBACK
Dismissal. Andito ako sa tapat ng gate ng school kasama ang barkada. Hinihintay namin sila Cassie. Sasabayan sana namin silang pauwi.
Nang makita na namin silang palabas ng gate, lalapit na sana kami ng may mapansin ako.
May kasama silang mga lalaki at ang isa dun ay katabi ni Cassie. Unang tingin mo palang mahahalata mo ng may di pagkaka-intindihan ang dalawa. Parang galit yung lalaki at mukhang inis na inis naman si Cassie. Bitbit kasi nito ang gamit ni Cassie kaya pilit niya itong kinukuha.
Naiinis ako sa nakikita ko. Siya pala yung lalaking yun. I know him. Mayabang yan pero takot naman. Tsk. Lalapit na sana ako ng pigilan ako ni Kurt. Tiningnan ko siya ng masama. Nakatingin na din sa akin ang buong barkada.
"Hayaan na muna natin sila Kyle. Bukas nalang siguro natin sila kausapin." Mahinahong sabi niya sa akin. Naintindihan ko naman ang ibig sabihin ni Kurt. Ayaw niya ng gulo. Baka nga naman matakot sa amin sila Cassie at iwasan na nila kami kapag nagkagulo ngayon.
Tiningnan ko nalang ulit sila Cassie. Nakatingin siya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi ko alam kung ano yon. Hanggang sa makalagpas na sila sa amin. Tss. Bahala na. Tatawagan ko nalang siguro siya mamaya.
Nagpunta na kami ng barkada sa tambayan para magrerelax. Ganun naman kami araw-araw.
END OF FLASHBACK
"Kyle, si Cassie ba?" Tanong ni Kurt kaya napatingin ako sa kanya. Nakabalik na pala siya dala ang juice ko.
"Huh?" Tanong ko habang inaabot ang juice ko.
"Bro, kanina ka pa namin tinatanong kung anong problema mo pero nakatulala ka lang diyan." Sabi naman ni Brent.
"Lul. Di ako nakatulala. Tsss." Sabi ko nalang. I'm spacing out. Sh*t.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]
Teen FictionWhat if you loved someone who keeps on breaking your heart? Would you give up and let go? Or would you fight for him and teach him how to love you back? Cassie Blair Angeles. 16 years old and a 4th year High School student in West Minister High. Ma...