Chapter 17
[Secret Feelings]CASSIE'S POV
Tahimik akong komokopya ng mga nakasulat sa board habang ang mga katabi ko naman ay daldalan lang ng daldalan. Haynako! Mga pasaway talaga. Umalis na kasi si ma'am kaya ayan at nag-iingay na naman sila.
Tuloy tuloy pa rin sa pag-iingay ang mga classmates ko hanggang sa dumating na ang susunod na teacher namin.
Mapeh ang subject namin ngayon kaya tuwang tuwa na naman ang mga ito.
"Ehem. Class please keep quiet may announcement ako." Sabi ni ma'am kaya nanahimik na ang mga classmates ko.
Hay mabuti naman. Grabe ang iingay nila eh.
"Hindi na ako magbibigay ng unit test this week."
Pagkasabing pagkasabi nun ni ma'am agad na nag-ingay ang lahat.
"Yey!"
"Thanks Ma'am!"
"Yuhooo!"
"Yes! Buti nalang!"
Pero biglang itinaas ni ma'am ang isang kamay niya para patahimikin ang mga classmates kong tuwang-tuwa sa announcement. Pati sila Yla tuwang tuwa din eh. Halatang halata na di nag-aral.
"Wait. Makinig muna kayo. Since wala kayong exam may ipapagawa ako sa inyo."
"Ano po yun ma'am?" Tanong ng isa naming classmate.
"You have to perform a dance number nextweek. Kahit anong sayaw pwede." Paliwanang naman ni ma'am.
Sayaw? As in sasayaw kami? Omg. Wala akong talent sa pagsasayaw. T_____T
"Individual po ba ma'am?" Tanong ni Krystal kaya napatingin si ma'am sa kanya.
"It's up to you. Pwede namang magperform na mag-isa pero pwede ring by group. Pero siguro hanggang 4 members lang dapat ang maximum number ng members ng bawat group. So pwedeng dalawahan and tatluhan. Bahala kayo. Basta not more than 4 para naman hindi ako mahirapan sa pagbibigay ng grade." Dagdag na paliwanag pa ni ma'am.
Gosh. Buti pwede ang by group. Pero nakakakaba pa rin! Paano na kami nito? T___T
Humarap ako kila Via na ngayon ay naguusap usap na. "OMG. Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanila. No, hindi ako pwedeng bumagsak dito. This is equivalent to one unit test.
"Don't worry Cass nakalimutan mo na bang members ng Cheering Squad sila Yla at Krystal?" Sabi sakin ni Via.
Ay oo nga pala. Nawala sa isip ko! ^___^
"Ano naman kung nasa cheering squad kami?" Tanong bigla ni Krystal kaya tinignan namin siya.
"Ano pa ba? Malamang tuturuan niyo kami ni Cass." Lahad ni Via.
Tumango tango lang naman ako. Ang slow naman kasi kausap nito ni Krystal eh.
"What? Hindi naman ako choreographer no!" Reklamo ni Krystal.
"Oo nga. Ako din. Hindi ako marunong." Nakangusong sabat na din ni Yla.
"Anong di marunong? Member ng cheering squad hindi marunong sumayaw? Tigilan niyo nga ko." Naiinis na sabi na ni Via.
Uh-oh. Naiinis na siya. Naku this is bad.
"Yeah tama si Via. Pwede niyo naman kaming turuan tutal marunong naman kayong sumayaw." Dagdag ko na din sa sinabi ni Via.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]
Teen FictionWhat if you loved someone who keeps on breaking your heart? Would you give up and let go? Or would you fight for him and teach him how to love you back? Cassie Blair Angeles. 16 years old and a 4th year High School student in West Minister High. Ma...