DISCLAIMER:
All rights reserved including the right of reproduction in whole or in part in any form. This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.
Please be advised that that this story contains mature themes and strong languages. Read at your own risk.This story is unedited, please bear with me.
**
This is my first attempt into writing an erotic-romance genre, and my first published book.This is also the revised version. May mga pina-edit kasi sa akin ang RedRoom editorial so I decided na ilagay din dito ang mga nirevise ko. Thank you!
***
"WHAT a shame. Akala mo kung sinong magaling," narinig ni Elena na sabi ng isa sa mga kaklase niya nang lumabas na ang kanilang professor.
Hindi na lang niya iyon pinansin at inumpisahan nang ayusin ang kanyang mga gamit. Ano ang magagawa niya? Eh, mali naman talaga ang itinuturo ng professor nila kanina. And how did she know? Mahilig kasi siyang magbasa, mag-research, and self-studying mula pa noong bata siya.
Third year na siya sa kursong Engineering. At kahit isa, wala siyang kaibigan sa classroom nila, kahit sa buong university. It's either dini-discriminate siya ng mga estudyante sa pagiging repeater niya or intimidated sa kanya. At kahit kailan, hindi rin siya nag-effort na makipaglapit sa mga kaklase. She was not that kind of person.
Oh, c'mon, Elena, kontra ng isang bahagi ng kanyang isip.
Deep inside, alam ni Elena na hindi iyon ang dahilan. Truth is, she was scared that they would just ignore her. Na hindi siya magagawang tanggapin ng mga ito. Kung ang sarili nga niyang ina, hindi siya matanggap bilang anak, ang ibang tao pa kaya?
Nauna na siyang lumabas pagkaligpit ng gamit katulad ng lagi niyang ginagawa. Nagkukuwentuhan pa kasi ang mga kaklase niya at seriously, nao-OP siya. Palabas na sana siya ng gate ng campus nang biglang—
"Boooo!"
"Ay, letse ka!" gulat na bulalas ni Elena nang gulatin siya ng kung sino. Agad siyang napatingin sa babaeng tawa nang tawa sa gilid niya. Rocker na rocker ang dating nito sa suot na itim na t-shirt at itim din na pantalon. Nakasuot din ito ng black and white Vans shoes. Tadtad ang tainga ng babae ng iba't ibang klase ng hikaw pati na ng rocker's bracelet.
"Yeah, right. That's so funny, Shane," sabi ni Elena at gumilid sa gate dahil may mga dumaraang estudyante.
"You should have seen your face, Elena. Priceless," natatawang sabi pa rin ng babae na nakahawak pa sa tiyan nito. Sinimangutan lang niya ang babae.
Hindi masasabi ni Elena na kaibigan niya talaga si Shane. Actually, pangalan at edad lang ang alam nila tungkol sa isa't isa. But personally? Nah. Nakilala niya ang babae a year ago nang laman pa siya ng iba't ibang bar. May mga kasama itong rocker din. It started with just a simple conversation. Ang naalala na nga lang niyang sinabi niya kay Shane ay, "My life sucks, that's why."
Mula noon, magkasama na silang gumigimik. Nagkakayayaan kahit saan-saan. At kahit hindi na siya masyadong sumasama kay Shane ay parang bigla na lang itong kabute na sumusulpot sa harap niya, o kaya naman ay tumatawag sa kanya kapag wala itong ibang makasamang gumimik. Pero hanggang doon lang ang pagkakakilala nila sa isa't isa. They were just gimmick buddy. Hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ni Shane, ganoon din ito sa kanya.
"What are you doing here?" tanong niya nang humupa na ang pagtawa ng babae.
Tumikhim muna ito bago sumagot, parang nagpipigil pa rin ng tawa. "Sumama ka na sa 'king manood ng fight nina Chad. Baka naman this time, hindi mo na ako tanggihan."
BINABASA MO ANG
LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)
RomanceWARNING: EXPLICIT CONTENT Laxus was the most gorgeous and sexiest man I've ever met. And he had this undeniably effect on me... And he wanted me, physically and sexually. But Laxus was the kind of trouble I didn't need in my life. His dark past, hi...