"ELENA?" tawag ni Laxus sa kanya kasabay ng pagkatok sa pinto. Napatingin siya roon.
"Come in," matipid na sabi niya. Ayaw niya sanang papasukin si Laxus dahil sa kanyang hitsura. Isang malaking black t-shirt at bagong boxer shorts nito ang inihanda ng lalaki para sa kanya. Ngayong nasa tamang katinuan na siya ay nahihiya si Elena dahil wala siyang suot na kahit anong undies pero wala naman siyang choice. Nasa kuwarto siya ng lalaki.
Bumukas ang pinto at pumasok si Laxus na may dalang isang basong tubig. Mukhang nagulat ito nang makitang nakasalampak siya sa carpet at nakasandal sa gilid ng kama.
"You okay?" tanong nito pagkalapit sa kanya at inabot ang hawak na tubig.
"Yes. Thank you," sagot niya at kinuha ang baso ng tubig. Umupo si Laxus sa kanyang tabi at sumandal din sa gilid ng kama. Naamoy niya agad ang pamilyar na amoy ng lalaki.
"How are you feeling?" tanong nito mayamaya.
"Better," sagot ni Elena nang maubos niya ang tubig. "Thank you, Laxus," dugtong niya at napalingon sa lalaki. Which was actually a wrong move dahil ang lapit lang nila sa isa't isa. Napalunok siya nang mapatingin sa mapupulang mga labi ni Laxus. She would never forget how sweet and intoxicating those lips were. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.
"Thank you for what?" tanong nito mayamaya.
"For saving me? Kung... kung wala ka doon, hindi ko na alam kung ano'ng nangyari sa akin," mahinang sagot niya. The feeling was overwhelming. Muntik na siyang mapahamak when all she wanted was to forget. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ni Laxus. Parehas lang silang nakaupo sa carpet at nakasandal sa gilid ng kama. Parehas ding naka-stretch ang kanilang mga paa.
"I just did what I need to do. But you're welcome. Just be careful next time." Tumango lang siya. Kahit ano ang sabihin nito, para sa kanya, si Laxus pa rin ang nagligtas sa kanya. "And I'm sorry If I have to bring you here. Mas malayo kasi ang apartment mo, and I don't think I can handle it, no, I mean you. I don't think I can handle you anymore. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko."
Napalingon siya kay Laxus dahil sa sinabi nito. Alam niya kung ano ang ibig sabihin nito at hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin.
"I'm... I'm sorry," nakangiwing sabi na lang niya. Ramdam ni Elena ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Nag-iwas ulit tuloy siya ng tingin kay Laxus. Huminga siya nang malalim at pilit kinalma ang sarili.
"It's late and I'll drive you when the sun rises. For now, I'll let you rest here in my room. Do you have class later?" tanong ni Laxus at tumayo na.
"Meron," matipid na sagot ni Elena.
"Okay. I'll let you rest then. I'm just outside if you need anything." Inabot na nito ang mason jar na ininuman niya at naglakad na papunta sa pinto.
Pero bago ito tuluyang makalabas ay may mga salitang biglang lumabas sa bibig ni Elena, mga salitang hindi niya inaasahang sasabihin niya sa lalaki.
"Today's my birthday," mahinang sabi niya at agad na napakagat sa ibabang labi para pigilan ang emosyon.
Naramdaman niyang natigilan si Laxus, pagkatapos ay napalingon sa kanya. "Happy birthday, Elena," mahinang bati nito. Hindi niya alam kung nagulat ang lalaki o ano.
"T-thank you." She tried so hard to hold her tears back but failed. Sunod-sunod na tumulo iyon na parang ulan. Hanggang sa napahikbi na siya para mailabas ang hapdi sa kanyang dibdib sa pagpipigil ng emosyon.
"What's wrong?" tanong ni Laxus at agad na lumapit sa kanya. Ipinatong nito ang mason jar sa bedside table at tumingyakad sa harap niya. "What's the problem?" tanong nito sa pinakamasuyong paraan na unang beses narinig ni Elena mula sa lalaki. As if he really cared for her. As if she really, for the very first time, mattered.
"I don't know," sagot niya habang masuyong pinupunasan ni Laxus ang mga luha sa pisngi niya na walang tigil sa pagpatak. At nang mapatingin siya sa mga mata nito at makitang may kung anong emosyon na mababakas doon ay lalong nanikip ang kanyang dibdib.
Was it pity? Yeah, she think so. But seriously, what the hell is wrong with her? Umiiyak siya sa harap ng isang estranghero! Stranger! Could you imagine that? But who could blame her? There was something in Laxus that's telling her that it would be okay to tell him all the pain she was feeling all these years. Like he could take it all away. Like her soul was comfortable with him. At may kung ano sa tono nito kanina nang batiin siya.
"Siguro kasi, ikaw iyong pangawalang tao na bumati sa akin? At pangatlong tao na may alam ng birthday ko? Yeah, I don't have friends," natatawang sabi niya para ipakitang okay lang siya. But his eyes told her that he didn't believe her. Mariing napapikit si Elena at humugot nang malalim na hininga para mabawasan kahit paano ang pait sa kanyang dibdib.
"I seriously don't know. Parang naipon na silang lahat at kailangan ko nang ilabas. And I'm sorry if you have to see me like this. I'm strong, really..." defensive na sabi ni Elena para hindi siya kaawaan ni Laxus.
"I know you're strong."
"I can get through this. It's just that... It was my birthday. I... I should have been at my apartment, reviewing for our midterms later. But I went out. Feel like celebrating my birthday. Alone, again. I know. Pero may dalawang tarantadong naglagay ng drugs sa inumin ko! How can they do that? At bakit kailangang mangyari n'on sa 'kin? I mean, ayokong mangyari din iyon sa iba.
"Pero bakit? I was just celebrating my birthday because I wanted to forget all the pain. I'm celebrating alone because my mother didn't care! And I wanted to forget that. Hindi ko 'yon magawa habang nagre-review sa apartment kaya nag-inom na lang ako. Minsan gusto ko nang maniwala sa mama ko na malas ako. See? Muntik na—"
"Hush, Elena. Hindi ka malas. Nobody is," putol ni Laxus sa kanyang pagsasalita. Pakiramdam niya, namamaga na ang kanyang mga mata pero ayaw pa rin tumigil sa pagtulo ng kanyang mga luha.
"And there's you..." sabi niya kay Laxus at humugot nang hininga. "Hindi ko alam kung kaya ba ako nag-iinarte ng ganito kasi may isang taong bumati sa akin bukod sa tita ko. Na nagkalakas ako ng loob na sabihin sa 'yo na birthday ko..." Napahikbi siya at sunod-sunod na huminga nang malalim. "At nang batiin mo ako, pakiramdam ko kahit paano, importante pa rin ang birthday ko. Na importante pa rin na pinanganak ako." Napatakip na ng bibig si Elena para pigilan ang paghagulhol.
"Because your birthday is important."
"No." Pinunasan niya ang mga luha. "Walang nagparamdam sa akin na importante ako, Laxus. Kasi 'yong nag-iisang taong dapat na magpaparamdaman n'on sa akin, siya pa ang nagparamdam na hindi. Oo, binabati din ako ng tita ko, pero nararamdaman ko naman 'yong awa niya sa 'kin. At masakit 'yon. Masakit ang kaawaan ka. Pero hindi ko 'yon naramdaman sa 'yo. What I'm trying to say is thank you for that. For making it special..."
Napahikbi si Elena. "Kasi ako, nawalan na ko ng pag-asa na isang araw mangyayari din 'yon." Nagulat siya nang yakapin siya ni Laxus. Mukhang nagulat din ito sa nagawa at parang sandaling naging uncomfortable. Hindi na lang niya iyon pinansin. Hinayaan na lang niya ang sarili na umiyak sa dibdib nito. She felt safe inside his arms. It was like finally she found... home.
Nang niyakap niya pabalik si Laxus ay naramdaman ni Elena na bigla itong natigilan at naging stiff. Naramdaman niyang naging uneasy ito pero hindi na niya iyon pinansin ulit. Mayamaya ay naramdaman niyang humugot ito nang malalim na hininga.
"I don't know what to say to make you feel better. Actually, I'm not good at this. But you can cry it out and I'll be here to listen," parang nahihirapang sabi ni Laxus.
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. "Thank you."
***
:))
BINABASA MO ANG
LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)
RomanceWARNING: EXPLICIT CONTENT Laxus was the most gorgeous and sexiest man I've ever met. And he had this undeniably effect on me... And he wanted me, physically and sexually. But Laxus was the kind of trouble I didn't need in my life. His dark past, hi...