Second Chance

11.4K 227 15
                                    

HINDI na mabilang ni Elena kung ilang beses na siyang tumingin sa harap ng salamin para tingnan ang kanyang hitsura. Black fit and flared tube dress, three inches red stilettos, and light makeup. 

Si Laxus ang nagbigay sa kanya ng dress at sapatos. And it surprised her that it fit her perfectly. Nagulat na lang siyang dumating iyon kaninang tanghali. Hindi nga sana niya tatanggapin pero nang maalalang wala siyang maayos-ayos na damit na susuotin para sa party ay nagpasalamat na lang siya sa lalaki.

Niyaya kasi siyang maging date ni Laxus sa party ng kaibigan nitong "Billy" ang pangalan. Noong una ay ayaw niya sanang sumama, pero maisip pa lang na baka may ibang isama si Laxus, o kaya may ibang babaeng lumapit sa lalaki sa party ay naiirita na siya. Kaya sa huli, sumama na lang siya. 

Tutal ay rest day niya nang araw na iyon. Isa pa, nakapagdesisyon na siyang sumubok ulit kay Laxus. She was ready to face everything just to be with him. Hindi na muna siya mag-iisip nang kahit ano. She just loved him so much she couldn't help it anymore. They love each other, that's what really matters for now. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang mahal siya ni Laxus. Ha. The Great Laxus Daynes? Yeah.

Siguro, may dahilan kaya bumalik si Laxus, siguro para maging masaya na siya ulit. At hindi niya iyon ipagdadamot sa sarili.

Hindi mapigilan ni Elena na mapangiti na agad ding nawala dahil narinig niyang may kumakatok sa pinto. Kasunod niyon ay ang boses ni Laxus.

"Elena?"

Bumilis agad ang tibok ng puso niya pagkarinig sa lalaki. "Wait lang." Pinasadahan niya ng kamay ang nakalugay na buhok at muling tiningnan ang sarili sa salamin bago lumapit sa pinto at binuksan iyon. Sandaling natulala si Elena kay Laxus. 

He flawlessly brush his hair up, he wore his suit so perfectly that it outlined his sexiness. Looking that insanely beautiful and hot should be illegal. Unti-unti niyang nararamdaman ang epekto ng kaguwapuhan at kaseksihan ng lalaki.

God, this guy in front of me is mine. How lucky could I get?

And I wanted him so much.

"God, you're so beautiful," mahinang anas ni Laxus habang paulit-ulit siyang pinapasadahan ng tingin.

"You look good yourself, Mister," nakangiting sagot niya, hindi mapigilan ang kilig. Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Would you like to come in? Kukunin ko lang 'yong purse ko." Iniwan niya muna si Laxus para pumasok sa kuwarto. Kinuha niya ang purse at lalabas na sana nang pagharap ay agad na bumungad sa kanya ang lalaki.

Nahampas niya tuloy ito sa sobrang pagkabigla.

"Ano ka ba, Laxus? Bakit ka ba nanggugulat?" Natawa naman ito at kinuha ang kanyang kamay na ginamit niyang panghampas sa lalaki. Ilang segundo yatang hindi nakahinga si Elena habang nakatingin lang sa bawat galaw ni Laxus. 

Magaang na hinalikan nito ang likod ng kanyang palad habang nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay sunod nitong dinampian nang magaang na halik ang kanyang pupulsuhan, paakyat sa kanyang braso. Mabigat na ang bawat paghinga ni Elena. Matinding init na ang lumulukob sa kanyang katawan, hindi niya magawang pigilan si Laxus. His kisses were already driving her insane.

"Laxus..." Nakapikit na daing niya nang umakyat ang mga labi ng lalaki sa kanyang balikat, trailing hot and wet kisses, gently biting her skin.

"God, I couldn't help it anymore..." he whispered in her ears. "I want you so much that it hurts already down there." Natawa si Elena at napadilat dahil sa sinabi ni Laxus. Akmang magsasalita siya nang sakupin agad nito ang kanyang mga labi.

Gusto niyang mapaungol sa pagprotesta nang lumayo sa kanya ang lalaki at namulsa. Napatikhim pa ito, hindi pa rin nawawala ang matinding pagnanasa sa mga mata. "Let's go. I'll..." Muli itong napatikhim. "I'll wait for you outside," sabi nito at lumabas na ng kuwarto.

LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon