TRUTH BENEATH

11.2K 253 9
                                    

Present time

"ANO, ELENA? Hindi ka talaga sasama?" yaya ulit ni Irish nang makarating na sila sa sakayan. Gigimik kasi ang mga katrabaho niya nang gabing iyon.

Umiling siya. "Hindi na. Kailangan ko na kasi talagang umuwi."

"Naku, bhe, ang KJ mo talaga ever," komento naman ni Roby.

Tinawanan na lang niya iyon at nagpaalam na nang makitang may pampasaherong jeep na puwede niyang sakyan. Sumakay na siya nang huminto ang jeep. Pagkaupong-pagkaupo pa lang ay napabuntong-hininga na lang siya. Pakiramdam niya, pagod na pagod siya nang araw na iyon.

"Bayad po," mayamaya ay pag-aabot ni Elena ng bayad at tiningnan na ang kanyang cell phone.

May ilang missed calls at message iyon. Una niyang tiningnan ang mga missed calls at ganoon na lang ang paghinto ng tibok ng puso niya nang makitang lahat iyon ay galing kay Laxus. Napahinga ulit siya nang malalim. Hindi niya alam kung bakit tawag pa rin nang tawag ang lalaki. Dahil ba sa nangyari sa kanila? 

She don't think so. Sanay na sanay naman ito sa one night stand. Or siguro, tungkol sa unit na kukunin nito kaya panay ang tawag. Hindi pa niya naaasikaso ang papers para sa unit ng lalaki. Hindi niya iyon nagawang asikasuhin kanina dahil hindi niya magawang tawagan ang lalaki para i-confirm kung anong unit ang kukunin nito. 

Wala pa siyang lakas ng loob para harapin ulit si Laxus. Lalo na ngayong may isang bagay na pilit na bumabalik sa kanya... bagay na hindi naman kahit kailan nawala... sa ayaw at gusto man niya.

Pilit na binale-wala na lang iyon ni Elena at sunod na tiningnan ang dalawang message. Kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam nang makitang galing iyon sa kapatid. Nagbakasyon ito sa bahay ng tita nila dahil bakasyon na sa school.

I miss you te! Loveyou!

Swimming kami sa ilog te. Wish you were here. Tawagan mo ko pag nakauwi ka na ha?

Agad na ni-replay-an ni Elena si Adelaine... pero ilang segundo lang, may kung anong bigat siyang naramdaman sa dibdib nang maalala na naman ang nangyari. Agad niyang sinearch ang pangalan nito sa contacts ng cell phone niya.

Ilang minutong tinitigan niya ang pangalan, nagdadalawang-isip kung magte-text o kakalimutan na lang ang bagay na iyon. But her conscience keeps on kicking in. Sa huli, napahinga siya nang malalim at nag-type ng message.

How is she? I really do hope she's okay now. I'm really, really sorry.

Nagdalawang-isip muna siya bago i-send ang message, saka itinago na ang cell phone sa bag. Napapikit si Elena nang maaalala ang kanyang ina. Ramdam pa rin niya ang sakit nang pagkawala nito. Kasunod niyon ay ang aalala nang nagawang desisyon para dito.

Napadilat siya nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cell phone. Agad na tiningnan niya iyon at kinabahan nang makitang reply iyon mula sa kanyang tinext. Sunod-sunod na napahinga muna nang malalim si Elena, hindi niya mapigilan ang sariling kabahan. Mayamaya lang ay in-open na niya ang text.

She's awake now don't text me anymore pls

Agad na nakahinga siya nang maluwag nang mabasa ang text. Pakiramdam ni Elena, may mabigat na nakadaan sa puso niya ang nawala dahil sa balitang iyon. Alam niyang kahit pagbali-baliktarin ang mundo, kasalanan niya ang nangyari sa babae. At kung may nangyaring mas malala dito ay hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili.

Napapikit siya uli pero agad ding napadilat at napatingin sa labas ng jeep. Malapit na pala siyang bumaba. Ilang minuto lang ay pumara na siya at nagsimula nang maglakad papunta sa inuupahang compound. May nadaanan siyang karinderya kaya bumili muna siya ng ulam.

LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon