Feel Me

23.4K 340 5
                                    

EVERY client counts. Every client counts. Iyon na ang kanina pa mina-mantra ni Elena habang pilit na pinapakalma ang sarili. Nasa loob siya ng sasakyan ni Laxus nang mga oras na iyon at papunta sila sa showroom ng Lighthouse Residences.

Kaya pala ito nagpunta sa booth nila ay dahil interesado daw ang lalaki sa unit nila at naghahanap talaga for future investment. Nang ilatag niya lahat sa lalaki ang selling point ng Lighthouse Residences ay naging interesado agad ang magaling na lalaki.

Muli siyang napasulyap kay Laxus. Wala pa yatang isang oras na kasama niya ang lalaki ay hindi na siya mapakali. Ilang beses niyang pilit na pinapakalma ang sarili pero hindi niya magawa. He still had the same effect on her and she didn't like it. Hindi niya alam kung dahil lang ba hindi niya inaasahan na magkikita ulit sila.

Coincidence for the second time, huh?

At kahit ayaw aminin ni Elena sa sarili, Laxus was still the most sexiest guy she had ever seen in her life. At sobrang unfair na kahit anong suot ng lalaki, ang hot pa rin nito. He was oozing with sex appeal.

Dati, simpleng plain t-shirt, ripped jeans at sneakers lang ang suot ni Laxus, matinding sex appeal na ang mayroon ito. Pero ngayon... Lihim na humugot muna siya nang malalim na hininga. Halos hindi na siya humihinga habang nasa tabi lang ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung gaano ka-unfair ang mundo.

Hindi niya kayang i-deny. Laxus looked regal in his long sleeve polo. It perfectly fit him, outlining his muscle perfectly. Nakatupi pa iyon hanggang siko kaya kitang-kita pa rin ang magandang tribal tattoo nito sa braso hanggang sa kanang kamay na nagpadagdag lalo sa ka-sexy-han ng lalaki.

He was just wearing a simple polo, for Pete's sake!

Ah, everything about this man was just sexy. She had never imagined him wearing suit and tie and looked sexy as hell. Kahit ayaw man niyang aminin, gusto niyang malaman kung ano kaya ang nangyari sa lalaki sa mga dumaang taon.

Kung single pa ba ito or taken na. Or kung tototohanin ni Laxus ang sinabi nito noon. It just felt surreal. Until now, hindi pa rin niya inaasahan na magkikita ulit sila. At habang tinititigan niya si Laxus ay parang may kakaiba sa aura nito.

He looked... okay, really okay. Hindi na ito katulad ng unang beses na nakita niya ang lalaki, na parang sobrang daming itinatagong sekreto. He looked at peace now.

Lihim na napabuntong-hininga na lang uli si Elena saka iniwas ang tingin sa lalaki.

"Nervous?" tanong ni Laxus.

Muntik na siyang mapapikit dahil sa kanyang katangahan. She realized that she obviously checked him out. Dahil doon tuloy ay inihanda niya ang matamis na ngiti para makabawi sa pagkapahiya at humarap sa lalaki.

"Of course not, Sir. Why would I?" Pinilit ni Elena na maging professional sa harap ng lalaki kahit gustong-gusto niyang isumbat dito ang mga nangyari sa kanila noon. Lalo na ang mga pinagdaanan niya. Pero pinapaalala na lang niya sa sarili na ilang taon na rin ang nakalipas. Naka-move on na siya.

Napakunot-noo si Elena nang marinig na tumawa si Laxus. Sinulyapan lang siya ng lalaki at muling ibinaling ang tingin sa daan.

"You can't lie to me, Elena, I knew you like the back of my palm." At parang may ibang ibig sabihin ang mapang-akit na boses nito, something sensual and... dirty.

"People change, Sir," mariing sagot niya na ikinangiti ng lalaki.

"C'mon, babe, what we had before was more than just a relationship."

At ipinagdiinan pa nito ang salitang "relationship."

Napatiim-bagang si Elena. Of, course alam na alam niya iyon. Those sleepless nights with him and so much more. Gusto niyang supalpalin si Laxus. Bakit ba kailangan pa nitong ipaalala ang bagay na iyon? Pero kailangang isipin ni Elena na kliyente niya si Laxus at kailangan niya ang lalaki.

LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon