Remember Me

21.4K 358 16
                                    

CROWDED bar, just perfect. Dere-deretso si Laxus palapit sa bar counter para um-order. Bago tuluyang makalapit ay napansin niya agad ang kaibigang si Billy. Hindi niya inaasahang makikita ito roon dahil busy palagi sa trabaho ang kaibigan.

"Hey, man," bati niya at tumabi sa kaibigan. Naging magkaklase sila noon ni Billy sa isa sa mga university sa States at naging magkaibigan na rin.

Nilingon naman siya ng lalaki na nakatingin sa kung saan. "Laxus."

"Alone?"

"Yeah, and stalking the mistress of my dad."

Nagulat si Laxus sa narinig at napatingin sa direksyon ng tinitingnan nito kanina kahit hindi naman niya kilala ang "mistress" na sinasabi ng kaibigan. Maraming babae doon kaya hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Billy.

"How's Tita Mara?" tanong na lang niya at um-order na ng whiskey.

"She's okay. Coping. I just can't accept that my mother was sad and that bitch was just partying here. And I don't even know if my bastard of dad was still seeing her."

Hindi magawang makapag-react ni Laxus. Alam niyang na-comatose si Tita Mara, ang mommy ni Billy, dahil nahuli ang asawa nitong si Tito Peter na may ibang babae. Matagal ng galit si Billy sa daddy nito dahil sa pagiging babaero.

"If ever I saw them together? I don't know what I can do to them," galit na sabi ni Billy at pabagsak na ibinagsak ang bote ng beer saka umalis. Sinundan na lang niya ng tingin ang kaibigan. Mayamaya ay napailing na lang siya at um-order uli ng alak. 

He was actually there to think. Hanggang nang mga oras na iyon kasi ay isang babae lang ang nasa isip niya.

Elena.

Hindi inaasahan ni Laxus na makikita niya si Elena sa coffee shop noong nakaraan. Kung wala lang siyang meeting nang araw na iyon ay baka nilapitan na niya ang dalaga. At dahil doon, ilang gabi siyang hindi pinatulog nito. 

He was longing for her touch, her kiss. He missed everything about her. He still wanted her. It always been her all along. The moment he saw the way she looked at her that day, he already knew he still wanted her after all these years.

Napailing si Laxus at natawa sa sarili. Seriously, how ironic it was that he was celibate for many years now. Laxus Danes? Celibate? Nakakatawa. Pero si Elena lang ang gusto niya.

Actually, hindi coincidence na nakita niya sa mall ang dalaga. Sinadya niya talagang naroon ang babae dahil nalaman niya sa hired private investigator kung saan ito nagtatrabaho. 

And of course, nalaman din niyang single pa ito. Hindi niya alam kung paano lalapitan si Elena dahil mukhang galit pa rin ito sa kanya kaya idinahilan na lang niyang interesado siyang bumili ng condo unit.

Ilang araw pa lang mula nang makabalik siya from the States. Marami siyang inaasikaso at busy din sila ni Tito Timothy sa traning program niya, pero isa rin si Elena sa kailangan niyang asikasuhin. 

Kailangan lang niya ng plano kung ano ang gagawin sa babae. But one thing is for sure. He would do whatever it takes just to have her, again.

O-order pa sana siya ng whiskey nang isang pamilyar na pigura ang nakita niya sa dance floor.

Agad na napatuwid ng upo si Laxus.

Holy shit. It was Elena.

Maharot na nagsasayaw ang dalaga sa maharot ding tugtog. And his dirty mind started to imagine her in front of him doing sexy dance while taking her sexy clothes off.

Oh, shit. Just by imagining her, he could feel his erection.

The thing you do to me, Elena.

LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon