Right Time

24.6K 526 89
                                    

Years later...

"WOOH! Hello, Palawan!" sabay-sabay na tili nina Elena at ng apat na kaklase niya pagkadating nila sa restaurant na kakainan nila. Tanaw sa puwesto nila ang dagat. "Finally! Isang trial na lang, engineer na talaga kami!" At nagtatawanang naupo sina Aila, Marga at Sam. Nanatili naman silang nakatayo ni Jaddy, kaklase nilang bakla.

"Paradise, right?" kinikilig na sabi ni Jaddy at niyakap siya sa baywang.

"Yeah!" sagot ni Elena at sabay pa silang tumalon-talon.

"Mga bakla, umupo na kayo. Let's order," natatawang utos ni Sam kaya umupo na sila ni Jaddy.

Nasa Moonstone Beach Resort sila para sa isang outing. Matagal nang nakaplano iyon para sa graduation nila. Three days ago mula nang graduation nila and they all claim that they needed that vacation.

Napatingin si Elena sa apat na kasama sa mesa. She felt happy being with them. Mula first year college ay sila na ang magkakasama. She was happy that she finally had friends, real friends. Mas ahead siya ng ilang taon sa mga ito but they really get along well.

Ang Tita Jenna niya ang nagpaaral ulit sa kanya, pero hindi rin nagtagal ay nakakuha siya ng scholarship kaya hindi na masyadong naging mabigat sa tita niya lalo na't nag-aaral din si Adelaine na malapit na rin maka-graduate sa course nitong Education. From then on, her life became better. Nagkakaroon pa rin ng problema pero may pamilya na siyang kasama para harapin ang mga iyon.

Nasa probinsiya pa rin si Tita Jenna kasama ang pamilya nito. Hindi na kasi maiwan ng tita niya ang mga negosyo roon, lalo na ang karinderya na soon ay mukhang magiging restaurant na dahil isa ito sa cook. Pero dumadalaw ang tiyahin sa kanila ni Adelaine kapag puwede. Minsan naman ay sila ang dumadalaw sa probinsiya. Sinisiguro na ng tita niya na alam nito ang nangyayari sa buhay nilang magkapatid. Ayaw na kasi ni Tita Jenna na halos walang mabalitaan pagkatapos malaman ang lahat ng nangyari sa kanya.

Sinisisi pa ni Tita Jenna noong una ang sarili na pinabayaan siya. But it was actually her choice.

"Eh, you know what, that guy on the left table keeps on checking on you," sabi ni Jaddy mayamaya.

Natawa si Elena at umimom ng buko juice. "At mukhang kanina mo pa rin siya tinitingnan."

"Obviously," natatawang dagdag ni Aila.

Inirapan sila ni Jaddy. "Ano ba kasi? Hindi ka pa ba nakakapag-move on sa ex mo? Ang dami kayang nagpapa-cute sa 'yo kahit sa school pero dead-ma ka."

Sandaling natigilan si Elena at natawa.

"Inggit ka lang, bakla," sabi naman ni Marga at nagtawanan sila.

"Eh, kasi naman puro paramdam, puro padala ng kung ano-ano, wala naman. Where is he, ha?" Nag-make face pa si Jaddy.

Natatawang napailing na lang si Elena. Nakuwento rin niya sa mga kaibigan ang tungkol kay Laxus minus the sensitive part of course. She actually shared her life with them and it felt good to open up. Lalo na't hindi siya hinusgahan ng mga ito at tinanggap siya kung sino siya. She actually conquered all her fears. The fear to be judge, to be alone and yeah, it felt good to be free. Isa iyon sa mga nakatulong sa kanya para maka-move on.

"You know what? Why not?" tanong ni Elena kay Jaddy at nanlaki ang mga mata sa excitement. Tutal, hindi nga naman nagpapakita sa kanya si Laxus. Panay lang padala ng kung ano-anong regalo every month na may kasamang note of encouragement. Pero kahit kailan ay hindi ito nagpakita sa kanya. For almost five years, ganoon lang ang ginagawa ng lalaki.

Bakit hindi niya pagbigyan ang sarili na makipagkilala sa ibang lalaki?

"Go, S, to your left."

LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon