Present
NAPAHINGA nang malalim si Elena nang maalala ang nangyari sa kanila noon ni Laxus. Hindi iyon perpekto pero ito lang ang nag-iisang lalaki na hinayaan niyang makapasok sa mundo niya. And he's the only one who made her discover her secret cravings. Those hot-hot nights with him was still fresh in her mind like it just happened yesterday. Kahit ilang beses niyang i-deny sa sarili, hinahanap-hanap niya ang maiinit na gabing kasama niya ang lalaki.
She embraced and accepted everything about Laxus; his deepest secret and even the worst side of him. She did love him too hard, too strong that she thought it would be enough to heal him. Pero hindi pala ganoon iyon kasimple.
"Finally! You're here, Elena! Why are you late?"
Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig ang galit na boses na sumalubong sa kanya.
"Para ka pang naglalakad sa buwan!" sabi ulit ni Miss Laarni.
Shit! Nagmamadaling pumasok siya sa booth nila. Iniwan sa ilalim ng table nila ang kanyang bag.
"Sorry, Ma'am, na-traffic po kasi ako," sabi ni Elena sa sales manager nila. Napailing ito at tinitigan siya.
"Wala ka pang sales, Elena. Almost end of the month na. Ilang buwan ka nang walang benta. Meron ka namang nadadala sa showroom."
"Nagpa-follow up naman po ako. Pero wala po talagang nag-a-avail, Miss," sagot niya pero agad ding natigilan nang maalala ang nag-iisang lalaki na hindi niya fina-follow up kung kukuha ba ng unit sa kanila.
Humalukipkip si Miss Laarni. "Or maybe you're not selling well our units, Miss Barredo?"
"That's not true, Miss. I'm doing my best in selling our units." Totoo naman iyon. Hindi lang talaga siya sinusuwerte these past few months. It was either na masyadong namamahalan ang mga nagiging client niya, o nakakahanap ng iba.
Napabuntong-hininga ang sales manager nila. "Then you should do something about it, Elena. Baka hindi na ma-renew ang contract mo if you're not effective in this field," sabi nito at tumalikod na para pumwesto sa harap ng booth nila.
Napahinga nang malalim si Elena. She can't afford to lose her job. Makakahanap pa siguro siya pero gaano katagal? Ilang buwan nga ang tumagal bago siya nagkaroon ulit ng trabaho nang mag-resign siya sa call center noon. Wala pa naman siyang ipon.
Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at isa-isang pinagte-text ulit ang mga client na nadala niya sa showroom. Nang matapos ay sandali siyang napatingin sa cell phone at napahinga nang malalim.
Just be professional about it, sabi niya sa isip at nagsimulang mag-type sa cell phone.
Hi, Mr. Daynes! This is Elena from Lighthouse. I just want to ask if you already have a decision regarding the availment of our units? We can give you any other payment options if that's one of your concerns. Or if there's anything else, feel free to ask me. Thank you! J
Ilang minuto munang tiningnan ni Elena ang message bago iyon ipinadala sa number ni Laxus, saka itinago ang cell phone. Naglakad na siya palabas ng booth at kumuha ng ilang leaflets para makahanap na ng ibang potential clients. Pero ilang minuto lang ay tumunog na ang kanyang cell phone kaya agad-agad na kinuha niya ang gadget sa bulsa, only to see na si Laxus ang tumatawag. Sandali siyang nanlamig at hindi alam ang gagawin. Parang sandaling tumigil sa pagpa-process ang isip niya. Ilang beses pang nag-ring ang cell phone niya bago sinagot na ang tawag.
"Good morning, Sir Daynes," bati ni Elena sa pilit na pinasiglang boses.
"It's Laxus for you, Elena."
BINABASA MO ANG
LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)
RomanceWARNING: EXPLICIT CONTENT Laxus was the most gorgeous and sexiest man I've ever met. And he had this undeniably effect on me... And he wanted me, physically and sexually. But Laxus was the kind of trouble I didn't need in my life. His dark past, hi...