Heartache

11.2K 221 3
                                    

HINDI na mabilang ni Elena kung ilang beses na siyang napabuntong-hininga habang nakaupo sa sofa at hinahalo ang kanyang kape. Pagkatapos ay napatingin siya sa kanyang tabi at may naramdamang pamilyar na hapdi sa kanyang dibdib nang makitang wala talagang tao sa tabi niya... Na wala talaga si Laxus.

Ipinatong niya ang hawak na mug sa coffee table at napasandal sa sofa. Muli siyang napabuga ng hangin at napatingala nang maramdamang nangingilid na ang kanyang mga luha. Frustrated na naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.

"Ang tanga mo kasi, Elena. Ang tigas ng ulo mo," sabi niya sa sarili at napahagod sa kanyang buhok. Hindi niya namalayang tuluyan na palang tumulo ang kanyang mga luha. Agad na pinunasan niya ang mga iyon.

It had been, what? A week? Almost? Mula nang huli silang magkita ni Laxus. Mula nang sinabi niya sa lalaki ang gusto niyang mangyari. From then on, she never saw him again. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ang lalaki pero it's either hindi nito sinasagot, o pinapatayan siya.

Inakyat ni Elena ang dalawang paa, niyakap iyon at ipinatong ang baba sa kanyang tuhod. Hanggang nang mga oras na iyon ay gusto niyang pagsisihan ang ginawa. Kung nakontento lang sana siya... She won't lose him.

"Patawa ka, Elena. You will still lose him even if you don't want to," mahinang sabi niya sa sarili. "Laxus... what can't you just..." Itinakip niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha at hinayaan ang sariling umiyak. Kanina pa niya iyon pinipigilan pero hindi na niya kaya. She can't pretend to be strong, not when she knew that he was no longer belonged to her. Not when she finally realized what she feels for him.

Mapait na napangiti si Elena. And the reason why I wanted to know more about him, why I wanted to belong to him...

Natigilan siya nang marinig ang pagtunog ng kanyang cell phone. Agad na kinuha niya iyon na nakapatong sa coffee table, umaasa na si Laxus ang tumatawag. Pero ganoon na lang ang pagkadurog ng kanyang pag-asa nang makitang ang Tita Jenna niya ang tumatawag.

Pinunasan niya ang mga luha at agad na sinagot ang tawag. "Hello, Elena?" sabi agad nito sa kabilang linya at ganoon na lang ang pagpipigil niya na mapahagulhol nang marinig ang boses nito. She badly needed someone to talk to that moment. And her comforting voice is all she need.

Tumikhim muna siya bago sumagot. "Tita Jenna?"

"Elena? Okay ka lang? Bakit ganyan ang boses mo?"

Lumunok muna siya bago sumagot. "Okay lang po ako, Tita." No. I need you, Tita.

"Sigurado ka ba, ha, Elena?"

"O-opo." Pero hindi na napigilan ni Elena ang kanyang emosyon dahil sa pag-aalalang narinig niya sa tiyahin. She was just too broken that moment. All the walls she build around her to prevent herself from hurting was as broken as she was. Si Laxus lang ang hinayaan niyang makapasok sa buhay niya kaya sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.

"Elena! Ano'ng nangyari? May sakit ka ba? May problema ka ba? Sabihin mo sa tita," nagpa-panic na sabi nito.

"Tita.... Tita Jenna... Bakit gano'n?" Hindi na napigilan ni Elena ang kanyang paghikbi. "Bakit ang damot-damot nila? Ang gusto ko lang naman... mahalin din nila ko, Tita..."

"Ha? Ano ba'ng sinasabi mo, Elena? May nanakit ba sa 'yo?"

Huminga siya nang malalim at sinimulang ikuwento sa tita niya ang tungkol kay Laxus. Minus the sex part at ilang detalye na makakasama sa imahe nito sa tingin ng tita niya. Ganoon niya kamahal ang lalaki. Hindi niya kasi magawang ikuwento rito noon ang tungkol kay Laxus dahil alam niyang mag-aalala ito sa kanya.

"Elena..." mahinang sabi ni Tita Jenna pagkatapos niyang magkuwento. Napapikit siya nang marinig ang awa sa boses nito. That was the last thing she needed that moment. Pero wala naman siyang magawa, dahil nang mga oras na iyon din kasi ay awang-awa siya sa sarili. All these years, alam ni Elena na malakas siya. Itinanim niya sa isip na hindi niya kailangan ng kahit na sino, na hindi siya dapat umasa sa kahit kanino kundi sa sarili niya. Pero nang mga oras na iyon, she felt so weak.

LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon