MAY KUNG anong pait na naramdaman si Elena habang nakatingin sa mga kaklase niyang nagtatawanan habang palabas ng gate. Deep inside, alam niya sa sariling gusto niyang maranasan na makipagtawanan sa mga kaklase. Pilit lang niyang sinasabi sa sarili na walang kaso sa kanya kung mag-isa lang siya at walang kaibigan. Dahil hindi niya alam kung paano lalapit sa mga ito, kung paano ang tamang pakikitungo, lalo na't weird at nagmamagaling ang tingin ng mga kaklase sa kanya.
Mapait siyang napangiti at nagsimula nang maglakad palayo. The emptiness she was feeling right now was overwhelming. Humugot siya nang malalim na hininga at pilit na nag-isip ng ibang bagay. Ganoon naman siya kapag nalulungkot at nasasaktan. Ida-divert niya sa ibang bagay ang isip. Sa ibang bagay na alam niyang hindi siya masasaktan. That way, maiiwasan niya ang sakit. Lalo na't walang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili.
Hello! I'm the biggest loner in town!
Minsan gusto na lang bumalik ni Elena sa pagrerebelde, sa pagpapa-party-party. Iyong tipong walang pakialam sa mundo, o sa susunod na araw. At least, nakakakilala siya ng iba't ibang tao sa iba-ibang bar. They will drank theirself to death and have fun without judging each other.
Napahinga uli siya nang malalim at dinukot ang cell phone sa bulsa. Gusto niya sanang tawagan ang kanyang Tita Jenna. Pero naalala ni Elena na pinatay nga pala niya ang gadget dahil tumatawag kanina si Laxus nang hindi niya sagutin ang text nito.
Anong oras ang uwi mo? I'll pick you up. Iyon kasi ang text ni Laxus na hindi niya sinagot. Bago tuluyang lumabas ng gate ng campus ay napalingon muna siya para masiguro na wala ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang gusto nito at wala na siyang pakialam doon. Ni hindi na nga niya gustong alamin kung paano nalaman ng lalaki ang number niya.
Itinago na ni Elena ang cell phone at ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi. Walking distance lang ang apartment na tinutuluyan niya. Pero kahit ayaw niyang aminin at pilit inaalis sa isip si Laxus ay hindi niya mapigilan na maalala ang lalaki. Very effective na pang-divert si Laxus sa atensiyon niya tungkol sa pagiging loner niya.
This is not good...
Napahinga na lang siya nang malalim at naalala kung gaano kasarap ang breakfast na iniluto nito kaninang umaga, at kung paano nakuha agad ng lalaki ang timpla na gusto niya sa kape. But Laxus was the kind of trouble she didn't need in her life. Sa tipo nito, alam ni Elena na papalit-palit ito ng babae. At ayaw niyang maging ganoon lang siya.
She wanted to be part of someone else's life. Kahit alam niyang malabong mangyari, deep inside ay umaasa pa rin siya. She wanted to have someone she can call hers. Because honestly, she was tired of being alone. Buong buhay niya, nag-iisa lang siya. Nandiyan nga ang Tita Jenna niya para sa kanya, pero malayo naman ang tiyahin, at parang may kulang pa rin. Hindi naman siguro masama kung hilingin niyang may isang taong tatanggap sa kanya.
Nang makarating si Elena sa apartment ay dumeretso agad siya sa kama, pagkatapos ay patagilid na nahiga at niyakap ang dalawang tuhod. Ang balak niya sana ay mag-review dahil midterms na nila bukas pero nawala siya bigla sa mood. Pilit na idinivert ulit niya sa iba ang kanyang atensiyon... kay Laxus.
Hindi naman nito kinuha ang number niya. Sinabi lang siguro iyon ng lalaki para pampalubag-loob sa kanya. So just imagined her surprise nang mag-text sa kanya si Laxus kanina habang nasa klase siya. At nang hindi siya mag-reply ay ilang beses itong tumawag. Saka niya naalala na kaninang umaga sa bedside table na niya nakuha ang cell phone dahil tumawag daw ang tita niya.
Pero siguro kapag naramdaman ni Laxus na hindi siya interesado na sagutin ang mga tawag nito ay titigil na rin ang lalaki. She couldn't deny the sexual attraction she had for him, yes, pero hanggang doon na lang iyon. She doesn't want to involve with someone like him. She knew her life will be a lot messier if she tried to. At alam niyang hindi ang tipo ni Laxus ang kailangan niya. She needed someone to love. Iyong seryoso sa buhay at hindi papalit-palit ng babae.
BINABASA MO ANG
LAXUS (R18) (Published Under RedRoom)
RomanceWARNING: EXPLICIT CONTENT Laxus was the most gorgeous and sexiest man I've ever met. And he had this undeniably effect on me... And he wanted me, physically and sexually. But Laxus was the kind of trouble I didn't need in my life. His dark past, hi...