Chapter 9 MKOL

2.5K 42 0
                                    

Chapter 9

"Alright, we're done for today. Okay everyone, you're dismissed!" At umalis na ang dalawang professor at sabay na lumabas ng function hall. Nagsialisan na rin ang iba ko pang kaklase dahil late na sila sa next subject nila. Ang iba naman ay kinausap ang partner nila. Tungkol sa gagawin nilang presentation.

Nag-impake na rin ako kasi lilipad na rin ako ng Paris bukas para hindi ko na makita pa ang mukha ni Valmedo at wala ng love story na magaganap. At wala ng iisipin pa si Author. Di joke lang!

Nag-iimpake na ako, inayos ko lang mga books ko. At aalis na sana ako nang dumating si Jinx at ang sayang saya ng mukha niya habang kumakain ng lollipop. Kailan kaya darating ang araw na mare-realized na niya na it's time to grow up! Isip bata pa kasi ang baliw!

Nakalapit na siya sa akin. "Oh my Geez... Na late na pala ako!"

"Hindi ka late baliw, dahil ang aga mo na for the next period! Oh eto..." at may inabot ako sa kanya isang note.

Kinuha niya ito at binasa. "Thank you so much Lux! Alam ko naman di mo ako pababayaan eh!"

Sinulat ko kasi ang pangalan ng partner niya at ang topic na e pre-present nila.

"Saan ka ba kasi nagsusuot at bakit pink na naman yang kulay ng buhok mo? Teka nga, wig ba yan?" Tanong ko sa kanya at hinila ko ang buhok niya.

"Ouch! Thats not wig, you know!" Sagot niya at kinuha niya notebook niya at sinulat niya dun ang nakalagay sa notes.

"What's wrong!" Tanong ko sa kanya nang biglang lumaki yung ngisi niya kasabay ng mata niya.

"Hoy..." hindi na ito gumagalaw. Naninigas yata. Kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Oh...My gulay!tinapay! siomay at bombay! Partner ko ang crush ko Lux!!!" Tili niya at sa laki ng boses niya, napalingon lahat sa kanya ang mga ka blockmate namin. At ilang segundo din silang hindi gumagalaw, ang isa nakayuko at parang statue nakatingin sa amin, may nagsusulat habang nakatingin din sa gawi namin. Ang dalawang naghahalikan tumigil din at tumingin sa amin, may naka nganga pa at muntik ng mapasukan ng langaw ang bibig at ang iba pang nagbubuzyhan ay naninigas din na tumingin sa direksyon namin.

At bigla na lang may nagflash na ilaw kasabay ng pagtunog ng Camera.

Click!

"Woahh... ang ganda mo dito lux oh..ikaw yung bida! Hihihihi" tawa ni Jinx habang tinitingnan yung kuha niya.

Baliw talaga!

"Tsk tsk... isip bata pa talaga!" Narinig kong sabi ng lalaki at naglakad na ito palabas ng function hall!

Ang iba naman ay walang paki dahil nasanay na sa kabaliwan ni Jinx at nagpatuloy na lang sa ginagawa nila.

Napataas ang kilay ko sa tinuran nung lalaki.

"Aherm..ermm.." may biglang Ksp na tumabi sa akin at inakbayan ako.
Kaya mas lalong tumaas yung kilay ko.

"So, kailan natin simulan ang pagre-research?" Tanong ni Valmedo.

"Bukas na siguro." Tipid kong sagot na hindi lumilingon sa gawi niya habang nagbubuzyhan sa pag-ayos sa libro ko.

"Anong oras?" He asked again and he leaned his face on my shoulder.

"Mga 10am" sagot ko at pilit na binabalewala ang kakaibang sensasyon na dumalaytay galing sa balikat ko patungo sa tiyan ko.

"Your place or mine?" This time he whispered in my ear at parang sinadya niya pang idantay ang mga labi niya sa earlobe ko.

My Kind Of Lux (Spg) Slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon