James' POV
Sobra talaga yung pagkagulat naming nung kumanta si Kath kahapon hindi namin alam kung paano nila napapayag yung babaeng yun.Nandito na kami sa grounds at hinihintay na lang ulit yung iba naming kaklase dahil ia-announce na kung sino yung nanalo sa mga games.
Wala pa sila Nadine kaya pinag-save na lang naming sila ng upuan pero nagulat kami ng umupo sila Julia dun.
Hindi na naming muna sila pinansin dun at nag-usap na lang kami.Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakabati ni Nadine hindi tulad datgi na nag-aasaran kami pero walang pikon eh ngayon parang talagang away na talaga.
Napalingon ako ng may kumalabit sa amin pagtingin ko si Yen pala.
Yes?.Tanong ko just to be polite kahit wala talaga akong panahon at iniisip ko pa kung paano ko kakausapin si Nadine.
Kahit naman papaano namimiss ko din yung panget na yun.
May tinanong lang si Yen pero di ko namalayan at kung saan-saan na umabot yung topic naming nagulat na lang ako nang may bumatok sa akin.
Pagtingin ko si Kathryn pala at ang sama pa ng tingin sa akin.Hinanap ko sila Marlo at aba't iniwan pala ako ng mga mokong at nandun na kasama yung girls.
Napaharap tuloy ako ulit kay Kath nakakatakot pa naman to pag nainis.
Marlo's POV
Mukhang nakalimutan na ata ni James na may kasama siya kaya ang ginawa naming iniwan naming siya dun.Bahala siya kung maabutan siya ng mga babae dun.
Naghanap na lang kami ulit ng ibang mauupuan at saktong-sakto dumating na sila Janella.And mukhang na-spot na ni Nadine kung nasaan si James dahil ang sama na ng tingin niya dun sa dalawa.
Lumapit na ako kay Janella and we did our secret handshake.
Asan si James?.Tanong niya nginuso ko naman ito.
Ay,patay kang bata ka.Narinig kong bulong niya nagtaka naman ako dahil dun.Itatanong ko na sana kaso nakita kong tumayo si Nadine pero pinigilan siya ni Kath at ito ang naglakad papunta kay...James.
Napatingin ako kay Daniel at ngumisi lang siya sa akin.Nagkatinginan na lang kami nila Enrique dahil mukhang kaming tatlo eh walang kaalam-alam sa nangyayari.
Pinanood lang namin si Kath hanggang sa makalapit ito kay James hindi pa siya agad napansin nito kaya kinalabit niya na lang.
Nung nakita niya na si Kath yun pigil na pigil yung tawa namin sa mukha niya.
Napatingin siya sa amin at sinamaan kami ng tingin.At hindi na nga namin napigilan mapahalakhak dahil sa piningot siya ni Kathryn at kinaladkad palapit sa amin.
Lalo pa kaming napahalakhak dahil sa reaksyon ni Nadine na halos mamatay na kakatawa at muntik pa mahulog sa kinauupuan niya.

BINABASA MO ANG
Campus Nerds To Campus Bad Princesses
FanfictionRevenge Series Spin-off/ 4: Campus Nerds to Campus Bad Princesses A cliché story about five young girls seeking revenge to the people who mistakenly hurt them.. Started: JUNE 2015 END: JANUARY 2016