Five

10 1 0
                                    

Nasa labas ako ng bahay nila Rian para maisabay sana siya sa school.

Alam kong hindi ko ito kailangan gawin, pero gusto ko...

Pababa na sana ako ng kotse ko, pero nakita kong parang natatarantang naghahanap ng sasakyan si Rian. Muntikan na ako humalakhak...

Nakalimutan niya ba ang sinabi ni Ma'am Cruz na hindi siya papasok sa Monday?

"Rian! Sakay na. " Sigaw ko. Buti nga na sabi ko ng maayos. Gusto ko na kasi talagang tumawa.

"What the heck, Ry? Are you trying to kill me?" Sigaw niya rin. Leche! Laptrip talaga.

"Wag ka ng mag-inarte. We are running late!" Sabi ko. Pinipilit ko pa ring hindi tumawa. Grabe! Ang hirap mag pigil. Pati ngiti.

Nako! Kung alam niya lang kung anong oras pa ang pasok namin. Hahahahaha!

Tuluyan na siyang sumakay at nag-drive na rin ako ng medyo mabilis. To complete the act. Kahit gusto ko munang mag-stop over at pagtawanan siya ng todo...

Nang nakarating na kami ng school. Gusto ko na siyang paunahin habang nagpapark ako. Dahil hindi ko na talaga mapigilan ang hindi tumawa. Mukha talagang seryosong-seryoso siya. Ang cute niya tuloy.

"Are you fucked up?! Bilisan mo na lang and let's go!" Galit niyang sabi.

So, gusto niya talaga akong isabay? Ibig bang sabihin nito?

Nako! Linoloko ko nanaman ang sarili ko...

Kaya binilisan ko na ang magpark. At nung pagkababa ko sa kotse. Nagulat na lang ako sa paghila niya sa akin at tumakbo.

"Why the heck are we running?" Tanong ko.

"Don't be stupid right now! Malilate na tayo sa First Subject. "

Hindi ko na masyadong naintindihan ang sagot niya. Dahil napansin kong nakahawak pala ang mga kamay namin. For damn's sake, holding hands!!!!

Tapos siya pa ang nag-initiate. Naman!

At nung nakapasok naman kami ng class room. Narinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko. And that's when I snapped back to my senses.

Pero dahil sa pang-aasar nila. Binitawan niya na ang kamay ko. Bwisit!

Hindi ko alam na may magandang idudulot pala minsan ang pangtitrip ko. Hinawakan niya ang kamay!

At nakita kong nalaman niya talagang walang pasok sa kaseatmate niya na si Dame.

At dumiretso siya sa labas. Hulaan ko sa cafeteria siya didiretso.

At nagsimula na akong tumawa. At siniko naman ako ni Sebastian.

"Bakit ka tumatawa? Baliw ka na ?" Tanong niya sa akin.

" Natatawa lang ako sa reaksyon ni Rian. Kanina ko pa kasi gustong tumawa. Hindi ko lang magawa. " pagtuloy ko sa pagtawa. Habang inaalala niya ang mukha niya kanina. Ang cute niya talaga.

"Sus, pang breezy yang galawan mo. Ang sabihin mo. Bakla ka!" Ani niya. Hindi ko siya pinansin at lumabas na ng room para masundan si Rian...



Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon