Nineteen

24 2 0
                                    

Naghilamos ako at ibinalik ang tingin ko sa sarili kong repleksyon sa salamin.

Rian, umayos ka nga. Nabubuang ka nanaman ata, at ano? Siya na naman ang dahilan. Kung mababaliw ka ulit, siguraduhin mong iba ang dahilan. Wag siya ULIT!

Hay nako. BWISIT!

"Ano bang nangyari?" Bulong ni Adri kay Chandy.

Sige, bulungan pa kayo dyan sa labas ng C.R. Akala naman nila 'di ko sila naririnig?

"Hindi ko rin alam, okay naman siya kanina nung nakipagkwentuhan kami kay Evey. " Pagexplain ni Chandy sakanya.

"Sinong Evey? Evey Gonzales?" Tanong ni Adri na may tonong pajoke.

"Yep, and fortunately. Kapatid niya si Ate Tonyang. " sabi ni Chandy.

"OMG! Seryoso ka?! Yung artista. "

"Yep, ganyan din ang reaksyon ko kanina nung nakita ko siya. She's a close friend of Rian. " ani Chandy.

"Big time talaga tong babaeng to. " tonong di makapaniwala si Adri.

Tumigil sila sa paguusap at sabay nila akong tinignan nung lumabas ako sa C.R.

"Magpapahinga lang ako, medyo masakit pakiramdam ko. " Pagsisinungaling ko. Para di na rin sila magduda.

Sana naman maniwala na sila at manahimik na lang muna!

"Ahh, baka gusto mong uminom ng gamot? Papabili ako ng gamot kay Sebastian. " Nagaalala na sabi ni Adri.

"Nope, i'm fine. I'll just take a rest for a moment. Magiging okay din ang pakiramdam ko niyan mamaya. " sabi ko.

"Sige, sabi mo e. Pero papabili na rin ako ng gamot para sure. Baka naninibago ka lang sa climate. " Pangungulit pa rin ni Adri.

"Okay, whatever. Basta wake me up, when we already need to get dress. Okay?" Sabi ko, at pabagsak na humiga sa kama.

Di na muli sila umimik at pinikit ko na lang ang mata ko. Hoping na makatulog ako at makapagpahinga. But my thoughts are ruining my should-be-peaceful moment.

Tumigil ka na Rian! Eh ano naman kung magkita kayo? You cant escape the reality! Iisa ang mundong ginagalawan niyo! Hindi mo maiiwasan na hindi kayo magkita. Magkikita't magkikita kayo. Sa ayaw't sa gusto mo, magkikita pa rin kayo. Umayos ka nga! Diba sinabi mo wala na lang siya sayo?! Na nakamove on ka na sakanya?! Patunayan mo nga!
Dapat mamaya wala na lang sa'yo pag nagkita kayo. Hindi na titibok yang pesteng puso mo. At hindi ka man lang dapat affected kung ano man ang makita mo, kung may girlfriend siya o wala. Tapos na yun! Kaya tumigil ka na. Maybe he already moved on?
Ofcourse! He really moved on. Kaya tumigil ka na at ipakita mong nakapagmoved on ka na nga. LETCHE! Naka move on ka na nga sabi!

Para naman akong tangang kinakausap ang sarili ko...


"Rian, gising na. " pag-gising sa akin ni Sebastian.

Napadilat naman ako sa pag-uga niya sa braso ko. Dahan-dahan na rin akong umupo at nag-inat.

"Oh? Kumain ka na muna, hindi ka pa pala naglunch. Tapos na kami. " Ani Chandy. Inabot ko muna ang cellphone ko sa side table at chineck ang oras.

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon