Seventeen

14 2 0
                                    

Arianna Bette's P.O.V:

Nakarinig ako ng malakas na sigaw pagkalabas ko pa lang ng airport. Napakunot ako ng noo. Ano yun?

Napatingin naman ako kung saang parte ang narinig kong sigawan kanina. Ano kaya yun?

"Rian!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko. Nagulat ako at napakunot ng noo. At tuluyan ko na ngang nakita sila Chandy ang kanina pang nagsisigawan.

Tumakbo na ako palapit sakanila, at yinakap sila agad. Hinayaan ko ng maiwan ang mga baggage ko, si Sebastian na ang bahala roon.

"OMG! I miss you Riannnn. " Sabi ni Adri nung niyakap ko siya.

"Ang ganda mo na ahhh!" OA na pagkasabi ni Chandy. Tapos sunod ko siyang yinakap.

"So, you're saying that I am not gorgeous way back in high school?" Tinaasan ko siya ng kilay, pero binawi ko na lang ulit sa tawa.

"Ay, grabe! Ang ganda nung accent. Parang foreigner na. OMG!" Maarteng sabi ni Adri. E

Grabe they looked good too. Si Chandy mas lalong pumuti at umikli ang buhok, but still she looks pretty. At si Adri naman ay mas lalong sumexy, but her skin is tanned, pero mas maganda siya ngayon. Parang mas nagbloom sila at hindi ko mapoint out kung bakit ...

Hay! It has been so many years ng nakatapak ako sa lupa ng Pilipinas. Mas lalo atang uminit kahit mag-mamadaling araw na?

"You really bloomed out there, huh?" Ani ni Chandy. Pagpansin nila sa akin. Habang hinihintay pa ang kotse.

"Nothings new, just my hair. " ani ko at inayos ang buhok kong kulay dirty blond na at linipad naman ng maiinit na hangin. Grabe ang init, bakit ko ba kasi naisip na mag leather jacket eh.

Kaya tinanggal ko ang leather jacket ko, okay lang naman naka spaghetti strap naman ako sa loob.

"Nakakainis. Ganda ng skin mo, ako nga umitim!" Pag rereklamo ni Adri, tapos hinawakan ang braso ko.

Tumawa na lang ako kasi ang ingay pa rin nila, nako kung hindi ko lang sila namiss baka iniwan ko na sila sa sobrang hiya. Sobrang ingay kasi e...

Dumating na rin ang kotse at nagmano ako sa katiwa-tiwalang driver namin.

"Ay, awaan ka ng Diyos... Lalo ka atang gumanda. "Tumawa na lang ako at umalis na siya para simulang buhatin ang mga bagahe ko. Mga apat ang dala kong bag, madami kasi akong dinalang pasalubong e.

Nauna na akong pumasok sa van, at mas pinili sa dulong parte, sumunod na rin si Chandy at sinundan na rin ni Adri. Sa pagkakaalam ko ito yung van na pinagipunan ni Sebastian ng isang taon. Pina customize niya pa talaga na pwedeng gawing kama ang upuan sa likod. This is good for roadtrips.

"So, how's life there?" Bungad sa akin ni Adri.

"Well, it's good. Masaya, met alot of new friends. Marami ring gwapo. " ani ko, at kunyare kinilig pa ako.

"Talagang masaya! Ikaw kayang maging Cum Laude sa isang sikat na school sa ibang bansa. Di ka ba magiging masaya nun?" Ani ni Chandy, at nakisangayon naman si Adri. Napailing na lang ako, they are spoiling me too much. Di ako sanay, mas okay na yung nagaasaran kaming tatlo...

Pumasok na si Manong sa driver seat. Bumukas naman ang pinto sa amin at nakita kong bago pumasok si Sebastian ay tinignan niya muna si Adri...

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon