Three

50 0 0
                                    

Dumating na ang araw na ikinahihintay ko. Buti naman at sinama talaga ako ni Rian.

Nung nakarating na kami sa resort. Puro panlalait lang ang naiisip ko.

Sus! Mas maganda naman yung resort namin. Mas kilala, ano bang ikinaganda nito? At gustong-gusto pumunta ni Rian? Kung resort lang pala ang hanap niya pumili lang siya sa Resort namin sa La union, Palawan, Zambales, Boracay. Pumili lang siya diyan sa apat na yan, at dadalhin ko agad siya sa resort namin.

Tahimik lang ako. Pabulong-bulong sa tabi. Buti nga nakatabi ko sa kubo si Rian. Kung hindi, hihilahin ko na talaga paalis si Rian.

Tapos nakita ko na parehas pala sila ng kulay ng damit. At sabi nung Alcones na yan. Soulmate raw sila?

Soulmate? Baka gusto niyang dalhin ko siya sa Mental para makita niya ang tunay niyang soulmate.

Anobayan! Nawawala tuloy ang sense of humor ko dahil sakanila. Napapabulong tuloy ako sa bwisit...

-------------

"...Gusto kitang ligawan."

"...Gusto kitang ligawan."

"...Gusto kitang ligawan."

"...Gusto kitang ligawan."

Paulit-ulit sa isip ko yang lintik na sinabi ni Joshua Alcones na yan kay Rian! And it has been days nung narinig ko yan. Bakit di pa rin ako makamove on?!

Bakit ba ako ganito magreact? Hindi naman ako yung nililigawan, kung makapagisip ako, wagas pa sa tinanungan.

At sobra akong naiinis sa idea na baka nga pinayagan siya ni Rian.

Buti pa siya natanong niya kay Rian. Ako? Letche. Ako na talaga torpe...

Yes! Nandoon ako nung mismong tinanong ni Joshua Alcones na yan si Rian. Mismong narinig ko. Nandoon ako. Pero hindi ako tumagal dahil nairita ako sakanilang lahat at napagpasyang umuwi agad dito sa bahay mismo. Baka kung ano pa magawa ko sa Joshua Alcones na yan.

Di ko na pinasabi sa kanila at agad agad umuwi...

Linakasan ko ng todo ang aircon, pero kahit pinakamalakas na. Hindi pa rin ako kinucool down. Ang init pa rin! And I am losing my patience.

"BWISET!" Sigaw ko at binato ang remote ng aircon sa pader. And I saw how it turned into many pieces. Ganun ba kalakas ang bato ko?

At bumukas na lang agad ang pinto kahit wala sa pahintulot ko.

"What's that iho?" Tanong ni Lola.

Nakarating na pala siya.

"Nothing Grand Ma!" Naiinis kong sabi. At tumalukbong na lang sa comforter kahit naiinitan ako.

Trying to get away for all her upcoming questions. Parehas sila ni Mom. Always doubt on many things. And ask why.

"Anong ginawa mo sa kawawang remote ng aircon?" Tanong niya.

"Not in the mood Grand Ma. Not now. " sabi ko.

Narinig kong sinara niya na yung pinto. And i thought that she left. Pero narinig ko ang pagupo niya sa kama ko.

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon