Sixteen

20 0 0
                                    

Ryker Nobleza's P.O.V:

5 years later...

Let me go. And let me walk away...

Let me go. And let me walk away...

Let me go. And let me walk away...

Napapikit na lang ako ng mariin, sa mga ala-alang hindi ko pa rin mabura, at linagok ko agad ang beer na kanina pa nasa kamay ko. Hindi ko tinigilan, hanggang sa mangalahati.

Parang kahapon lang nangyari...

"Oh? Insan?" Salubong sa akin ni Ate Tonyang.

"Inom na naman kuya?" Tanong sa akin isa ko pang pinsan si Evey, pinsan sa mother side.

"Minsan lang naman. " Pagrarason ko, umupo rin sila sa buhangin katulad ko at kukunin sana ni Evey yung beer. "No for you young lady. " pagbabawal ko, binaba niya agad ang beer.

"Kuya, 20 years old na ako. " Pag-rarason niya at kinuha ulit ang beer, pero inagaw ko ulit sakanya.

"20 years old na nga, but you still act like a 12 years old. " Sabi ko, napasimangot na lang siya.

"That's what the fans love about me. " Mayabang niyang pagkasabi, at humiga sa buhangin.

"Ay, oh. Ang yabang, porket artista siya. Sus, malalaos ka rin. " pang-aasar ni Ate Tonyang, mas lalong sumimangot si Evey. Natawa naman ako sa sinabi ni Ate. Yep, she's an actress.

"Oh, Ate Tons, bakit di ka pa magpahinga? Bukas na kasal mo ah? Gabing-gabi na kaya. " Tanong ko ng narealize, na gising pa ang bride-to-be ni Shawn Mendez bukas. So, she should be resting right now. Ganun naman ang mga babae, naniniwala sa beauty sleep.

"Kinulit ako ni Evey e, sabi niya maglakad-lakad muna raw kami. Masarap ang hangin ngayon e. " sabi niya.

Binatukan ko nga si Evey.

"Kuya naman e, pag nakita ka ng fans ko. Malalagot ka roon, na nanakit ka parati. " pagrereklamo niya.

Nabigla naman ako sa biglang sigaw ng mga tao sa likod namin, kaya napatingin ako.

"OMG! Si Evey ba yun?" Tanong ng isang babae.

"Oo, nakita ko sa I.G niya na nandito siya sa resort ngayon. Kaya possibleng siya yun. " sabi nung bakla.

"Lalapitan ba nat—" lumingon naman si Evey na nakangiti. "OMG! Siya ngaaaa. "

"Saglit lang guys. " tumayo si Evey at tumabi na sakanila. Imbes na siya ang lapitan, siya pa ang lumalapit. That's what good about Evey, kahit madalas na makulit siya, she's kind. Kaya marami ring binibigay na projects dito dahil sinusunod niya kung anong gusto ng mga producers. In fact, she is too kind for an actress, a famous actress...

While waiting for Evey to finish her picture taking session with her fans, may dumating na naman na bagong batch na mag papicture sakanya. Pero Imbes na mairita siya, natuwa pa siya. She really likes attention so much.

Napailing na lang ako at bumukas ng panibagong beer. Then i turned back again my attention to the sea, and watch how it waves.

Napapikit ako sa dismaya, dahil naalala ko nanaman siya. Linagok ko agad ang malamig na beer na hawak ko.

I remember when she turned her back at me. Then, her hair is the only thing that I remember when I last saw her. How it bounce in grace, like the motion of the waves of the sea.

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon