Eighteen

24 1 0
                                    

Nagising ako sa pagkauntog, sa bintana ng kotse, napakamot agad ako sa bigla ng pagkaumpog ko. Sakit!

Napadilat ako at, biglang bumungad sa akin ang damuhan at ang araw na pasikat na. Napangiti naman ako sa kalawakan na nakikita ko.

"Manong stop over muna tayo sa susunod na gas station. " sabi ko kay manong, dahil medyo nagugutom ako at masakit na rin ang likod at pwet ko.

Napatingin naman ako kila Chandy, tulog na tulog pa sila...

"Take a rest first manong, or have a breakfast instead." Inabutan ko siya ng pera at dahan-dahn binuksan ang pinto ng kotse at bumaba na ako. Dumiretso ako sa convenience store.

Habang hinihintay ko ang kape ko, napahikab na lang ako sa antok.

"Ma'am here's your coffee. " Kinuha ko agad at lumabas na ako
para mapagmasdan ang mga bulubundukin at ang pasikat na araw. Napapikit ako at linanghap ang simoy ng hangin. Nakakamiss din pala ang pilipinas talaga.

"Rian..." Narinig kong tawag sa akin, at napadilat ako agad.

"Oh Sebastian, you're already awake. " sabi ko at sumimsim ng konting kape, at linibot ko ang tingin ko. Para na rin maiwas sa tingin niya. Kahit papaano kasi, nagtatampo ako sakanya. Ilang months din kami hindi nagkita, tapos sasabihin niya ako ng ganun. Pero tama naman ang sinabi niya e. Ewan ko baka, pagod nga lang talaga ako.

"Sorry. " simpleng sabi niya. Napatingin ako sakanya ng saglit pero napaiwas na lang ako ulit.

"It's okay, tama naman ang sinabi mo e. " Sabi ko.

"Rian naman! Kinokonsensya mo pa ako e. " naiinis niyang sabi.

"It's fine, Bumalik ka na lang roon sa girlfried mo. " ininom ko na yung kape dahil kaya ko na yung init.

"Sorry na nga insan. " tumango na lang ako at tinapon yung baso ng kape ko sa basurahan nung maubos na, at pumasok na ulit sa loob ng convenience store para bumili ng pagkain nila Chandy.

Pagkapasok ko, nakita ko nandoon na pala sila.

"Oh? Gising na pala kayo?" Tanong ko sakanila.

"Nagising kami nung natigil yung kotse. " sabi ni Adri.

Napatango na lang ako at umorder ulit ng kape at tinapay na rin.

Habang hinihintay ko sila mamili ng kakainin nila. Sinundan ko muna sila mamili ng pagkain.

"Do i really need to go to the wedding?" Tanong ko sakanila.

"Duhh! Natural mas close kayo ni Ate Tonyang. Tsaka mukhang ikaw lang nga ang ineexpect doon. Sabit lang ata kami. " sabi ni Chandy, habang namimili siya kung anong flavor ang gusto niya sa pringles.

"I think I don't wanna go. " sabi ko at sumandal sa pader, humigop ulit sa bagong kape na binili ko. I don't know, I love hot drinks it feels like they give me warm hugs.

Nakita ko naman na nagtinginan ang dalawa at sinimangutan ako.

"Rian, ayaw kong ito ang pagusapan natin pero kasi parang buhay pa rin ang issue e. Do you still have feelings for Ryker?" Tanong niya sa akin. Napatayo ako ng maayos sa sinabi niya, at naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko.

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon