Twenty-three

8 0 0
                                    

Si Ryker...

Anong trip nito? Trip niya bang humiga na parang walang buhay sa buhangin?

Mas pinagmasdan ko pa ang itsura niya ngayon at malapitan ko na siyang tinitignan. Nako! Lasing pala.

I thought he already changed! Mas tinignan ko pa ang itsura niya. Iba na ang suot niya, naka shirt na siya ng white at naka shorts na black na siya.

I remember in High School, that is his usual get up. Simple, pero di ko naman mapagkakaila na gwapo pa rin siya. I'll give him that even though we are not in good terms.

What should I do?

Should I shout for help? Should I leave him here and look for someone who could help us? Or buhatin ko na lang?

Hay nako, Ry! You are just too much!!!

I tried to wake him up, medyo nahimasmasan naman siya. Umangat ang ulo niya at parang minumukaan niya ako.

"Hey, Ry. " sabi ko.

"Wow, hi there pretty. Are you alone?" Sabi niya at mukhang nagpacute pa siya at nginitian pa ako, napairap naman ako. Kung di lang siya nakahandusay sa buhangin baka kinuha ko na yung boteng tequila na hawak niya at hinampas ko na sakanya.

Tinry ko siyang itayo, pero syempre. I can't do it with just my own strength.

"Can you please stand up, I will bring you to your room. " medyo tumayo siya, medyo nasa huwisyo pa pala ito kahit papaano.  pero na-out of balance siya. That is why i extended my arms to him. Nako talaga,

"Woah room? Don't you think this is too fast? I don't even know your name..." Sabi niya tapos papacute niya pa rin. What the...

Nako talaga kung di pa tumigil ito baka iligaw ko pa siya.

Nagsimula na kaming maglakad, buti naman at medyo di niya ako pinapahirapan. But still I carry his weight, medyo mabigat pa rin kahit papaano. Medyo malapit naman na kami sa front desk.

I am not quite sure kung dito rin siya nakacheck in sa resort na tinutuluyan namin. Ang malas ko talaga pag hindi. Marami pa namang resorts dito.

"Hala ma'am? Anong nangyari?" Tanong agad ng receptionist. Mukhang baguhan pa, medyo nastunned pa siya sa itsura namin eh. By now she should be calling someone to help us.

"He is wasted. Can you please call some help? Ang bigat niya kasi..." Sabi ko, trying to help Ryker stand properly. But he can't.

"Ay sorry po Ma'am, di ko po alam. Bago lang po kasi ako..." Tumango na lang ako, at buti naman tumawag na siya ng natulong.

"Can I ask? Meron bang nakacheck in na Ryker Nobleza rito? " ani ko.

"Wait lang po check ko..." Aniya, at mabilis nagtipa sa computer niya. Buti na rin habang hinahanap niya, dumating na rin ang dalawang lalaki nilang staff, at kinuha na sa akin si Ryker.

"Thank you so much," i said.

Napatingin ulit ako sa Receptionist...

"Ahm, ma'am wala po eh. "

What?!

This cannot be happening.

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon