One
Nandito ako ngayon sa Batangas Racing Circuit at nag aabang ng karera ng ultimate crush ko. Nag cutting class ako para mapanood ko si Nathan. Nathaniel Vergara, isa siyang sikat na racer lumalaban din ito sa iba't-ibang competetion sa ibang bansa. Pero kung ako lang ang masusunod sana itigil niya na ang pangangarera kasi sobrang kinakabahan ako at napapadasal ako lagi. Pero sino ba naman ako para pumigil sakanya? Kapatid lang naman ako ng kaibigan niya. At nakababatang kapatid lang din ang tingin niya sakin. Ouch. Naalala ko na naman ang una naming pagkikita.
"Alexa, si Nathan kaibigan ko at tawagin mo siyang kuya." Sabi ni Kuya.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Ang tangkad at may pagka mestizo ito, may mapupulang labi at higit sa lahat napaka gwapo nito. Shit! Deep brown eyes. Bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ito ba ang sinasabi nilang love at first sight? Napansin ko naman na kumunot ang noo ng lalaki na kasama ni Kuya at bahagyang nagsalubong ang makapal nitong kilay.
"Bakit ko siya tatawagin na kuya?" Bigla ko na lang nasabi. Bahagya kong tinakpan ang bibig ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi ni Nathan.
"Alexa! That's rude! Mas matanda siya sayo. Kaya matuto kang gumalang." Naiinis na sabi ni kuya. Sumimangot naman ako
"Pero ayoko siyang maging kuya." Bulong ko. Pero narinig din ito nila kuya
"Wag ng makulit princess!" Sabi ni Kuya
"Dude, your sister is a brat." Sabi ni Nathan
"And she's pretty." Sabi ni kuya Joshua at kinindatan ako
"Damn! No hitting on my sister or else I will kill you. Find some bitch out there." Sabi ni Kuya tumawa naman ang mga kaibigan nito.
"I know pare. She's just really pretty." Nakangising sabi ni Joshua
"Bro code 183." Malamig na sabi ni kuya
"Yeah. We know naman! Don't worry pare." Natatawang sabi ni Joshua. Napansin ko naman ang pagtingin sakin ni Nathan hindi ko mabasa ang emosyon niya.
"Good! Because I know all of you are a fuck boy." Tumatawang sabi ni Kuya
"And so are you." Dagdag ni Liam
"All of us." Tumatawang sabi ni Joshua
"I know. So stop being pa-cute to my sister or I'll punch you." Nakangising sabi ni kuya
"Oo na pare! Don't worry wala akong balak. Maybe si Nathan he's really quiet."
"I'm not interested." Malamig na sabi ni Nathan. Ouch naman.
"Stop it! Let's go." Sabi ni kuya at umalis na sila. Hindi nakaiwas sakin ang malamig na tingin ni Nathan.
Pagkatapos ipakilala ni kuya ang mga kaibigan niya na sila kuya Matt, kuya Liam, kuya Josh, kuya Charles at Nathan lagi sila sa bahay kaya habang tumatagal mas lalo kong nagugustuhan si Nathan. Nathaniel Vergara. My first love.
Napatigil ako sa pag-iisip ng tinawag na ang pangalan nila Nathan dahil sila na pala ang magkakarera. Papunta na ito sa sasakyan niya at nagsuot na ng helmet. Naghanda na ang mga ito hangggang sa nagsimula na ang karera napapikit ako sa sobrang bilis na pagpapatakbo nito. Natural karera ito kaya mabilis.
Si Nathan ang nanalo narinig ko naman ang mga sigawan inayos ko ang uniform ko. Nakapang-nursing pa akong uniform kaya puting-puti ang suot ko at medyo nadumihan na rin. Pinagpag ko ang suot ko at ngumiti ng papunta na sana ako sakanya para batiin siya ng paglabas nito sa sasakyan ay may biglang lumapit na isang brazilian model kay Nathan at hinalikan ito sa labi. Biglang nabitin ang ngiti ko. Kumirot ang puso ko. Paglingon ko ay naghahalikan na ang dalawa habang nakahawak si Nathan sa bewang nung sexy na babae. Bigla naman akong natapunan ng juice agad naman nag sorry ang lalaking nakatapon ngumiti na lang ako dahil hindi naman sinasadya. Napatingin ako sa suot ko ang dusing ko na. Para akong batang naiiyak at hindi ko alam kung bakit.

BINABASA MO ANG
When You Love Someone
General FictionIf you truly love someone, then the only thing you want for them is to be happy... even if it's not with you. Some scenes may not suitable for young readers, please be guided. Thank you.