Two

1K 24 19
                                        

Two

Nakatingin ako sa malayo habang nakatambay sa field habang hinihintay ko ang mga kaibigan ko. Magda-dalawang linggo ko na kasing hindi nakikita si Nathan. Nasa Spain kasi ito dahil may race ito. Nalulungkot ako hindi ko man lang siya masilayan. Miss na miss ko na siya. Ano kaya ginagawa niya? Sino ang kasama niya? Namimiss niya kaya ako? Napailing naman ako. Bakit niya ako mamimiss? Malabo yan. Sigurado may kasama itong maganda at sexy na model na naman. Iniisip ko pa lang sumasakit na ang puso ko. Naputol ang pag iisip ko ng kinurot ako ni Alisandro.

"Ay teh ang lalim ng iniisip no ah. Ano kinasal na ba kayo ni Nathan sa narating ng imagination mo?" Natatawang sabi ni Alisandro. Napanguso naman ako.

"Oy, hindi ha! Grabe ka naman. Naisip ko lang kung anong ginagawa niya ngayon."

"Ano pa ba girl, ano sa tingin mo ang gagawin niya? Malamang nambabae rin yun sa Spain. Kasama niya yung mga kaibigan niyang balahura. Yuck." Sabi ni Monique

"Grabe ka girl! May auto racing siyang pinuntahan. Pero alam ko naman na kasama na ang pambabae niya roon. Tanggap ko naman." Nakasimangot na sabi ko.

"Move on, move on din kasi kapag may time!" Malanding sabi ni Ali

"Eh wala nga akong time. Nasakanya lahat ng time ko!" Sabi ko.

"Ano pa nga ba? Alam na namin yan. Haay nako. Tara na nga punta tayo sa bahay. Ini-invite kayo nila Mama and Papa. Quiet lang kayo girls, baka mabaril ako ng pudra ko. Sayang ang beauty ko." Sabi ni Ali. Nagtawanan naman kami.

Pagdating namin sa bahay nila Ali ay sinalubong kami ni tita Amanda ang mommy ni Ali.

"I miss the both of you! Buti na lang dinala kayo ni Alisandro ngayon sa bahay." Nakangiting sabi ng ina nito.

"Opo, medyo busy lang po kasi sa school." Nakangiting sabi ko

"O siya, halika na pasok na kayo sa loob naghihintay na sila. Matagal na kasi kayong pinapapunta ng tito niyo kaya lang busy daw kayo sabi ni Alisandro."

Pagdating namin sa dining room ay nandoon din ang mga pinsan ni Alisandro. Naupo na kami. Habang kumakain kami ay nagtanong ang Papa ni Alisandro dahilan upang mapaubo kami nila Monique.

"Alisandro, kailan mo ba ipapakilala sa amin ang nobya mo? Sino ba sa dalawang kaibigan mo na to ang nobya mo?" Tanong ng papa ni Alisandro. Halos masuka si Ali ang tunay nyang pangalan na matagal niya ng binaon sa limot.

Di namin kung paano itatago ang tawa namin. Kulang na lang kasi ay umirap ito ng bongga.

"Papa naman eh mga kaibigan ko lang yan dalawa na yan." Sabi ni Ali

"Alam mo ba, matagal na kong naghihinala na bakla ka kasi wala ka pang pinapakilala sa amin. Aba hindi uso sa atin ang mahina sa babae. Matitikas tayo, ang mga ninuno natin ay sundalo rin. Ang mga tito at ibang pinsan mo ay sundalo rin. Kaya aminin mo, bakla ka ba ha Alisandro IV?" Ma-awtoridad na tanong nito. Kinabahan naman kami. Napansin din namin pinagpapawisan na si Alisandro

"Hindi po, Papa! Lalaking-lalaki ako. Pag aaral ko muna kasi ang inuuna ko. Mahirap pagsabayin ang girlfriend at pag aaral. Diba po?" Lalaking-lalaking sagot ni Ali.

"Sabagay, pero kapag nakatapos ka na. Dapat may maipakilala ka na sa amin ng mama mo." Seryosong sabi ng papa nito. Mukhang natatae naman si Ali. Dahil pinagpapawisan na ito.

"Ano ka ba honey, kapag naka graduate na si Alisandro ipapakilala ko siya sa anak ni Divina na amiga ko, ang ganda ng anak ng kumare ko na iyon. Pag uwi nila sa Pinas ipapa date ko siya kay Alisandro. Bagay na bagay talaga sila ng unico ijo natin." Masayang sabi ni tita Amanda. Napasimangot naman si Alisandro. Halatang nandidiri ito.

When You Love SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon