Eleven

736 17 31
                                    

Chapter 11

Ang sarap ng tulog ko. Parang iyon na ang pinaka masarap na tulog ko sa buong buhay ko maliban na lang noong kasama ko pa si Mama.

Pag gising ko wala na si Nathan sa tabi ko. Inexpect ko naman ito dahil baka mahuli pa siya ni kuya na dito na natulog sa kwarto ko. Kinuha ko ang unan na hinigaan ni Nathan ay niyakap. Inamoy ko ito at nandito pa rin ang amoy ni Nathan. Ang bango! Kinikilig akong niyakap na ito at sabay naman ang pag bukas ng pinto nakakunot noo na nakatingin sakin si kuya Alexis mukhanh na-weirduhan sa akin.

"Bakit ganyan ka makayakap sa unan? Are you crazy, princess?" Sabi ni kuya.

Umiling naman ako at ngumiti lang sakanya. Umiling lang din ito na parang naguguluhan sa akin. Kung alam mo lang kuya. Natatawang iniisip ko.

"Wala naman kuya, maganda lang gising ko." Nakangiting sabi ko. Lumapit naman sakin si kuya at tumabi sakin. Ginulo lang nito ang buhok ko.

"I hope you are always happy Alexa. Sana lagi lang naka smile. Kaya pag may nanakit sa iyo. Nandito lang si Kuya para ipagtanggol ka. Got it?" Sabi ni kuya

Tumango naman ako

"Thank you, Kuya. By the way, how's ate Chloe? Don't tell me tinuloy mo pa rin ang plan mo?" Nakataas kilay kong sagot. Di naman ito kumibo. Alam ko na ang sagot. Hinampas ko ito ng unan. Naiinis ako kay kuya! Hindi nya alam ang ginagawa niya. Mananakit siya ng isang inosenteng tao para makaganti.

"Kuyaaaa! Di ba sinabi ko na sayo na itigil mo na yan? Hindi naman maitatama ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali! Hindi ka ba naawa kay ate Chloe? She's also a victim for pete sake! Walang kasalanan siya. Labas siya sa usapan. Kaya please kuya hanggang maaga pa, hanggang pwede pa itigil mo na. Baka sa huli parehas lang kayo masaktan." Naiirita na sabi ko. Naawa kasi ako kay ate Chloe dahil pinaglalaruan siya ni kuya Alexis

Ngumisi lang si kuya at umiling.

"Hell no! Kung kailan napalapit na ko sakanya doon pa ba ako titigil? Don't worry Alexa, hindi mangyayari iyon. Kung may masasaktan man sa aming dalawa sisiguraduhin kong siya iyon. Para kahit papaano ay maramdaman nya ang sakit na ginawa ng Papa niya noong sinulot nito si Mama. Para kahit sa ginawang kasalanan ng magulang niya ang makaganti man lang ako sakanya." Seryosong sabi ni kuya. Hinampas ko ito. Pero tumayo na ito at lumabas na ng kwarto ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay kuya. Masyado na siyang kinain ng galit nya.

Naputol ang pag iisip ko ng tumunong ang phone ko. Nag text si Nathan.

"I'll fetch you later, 6pm sharp."

Huh? Saan naman kaya kami pupunta. Nagreply naman ako.

"Saan tayo pupunta?" Di naman na nagreply ito. Ano ba yan! Di man lang magawa magreply?

Pagdating ng hapon ay naligo na ko. Nag suot ako ng faded jeans at t-shirt lang with matching converse. Di ko naman alam saan kami pupunta.

Saktong 6pm ay nagtext na si Nathan na nasa labas na daw siya kaya nagmadali akong bumaba nagpaalam naman ako kay manang at sakto wala rin si kuya dahil kanina pa raw ito umalis. Pagdating ko sa sasakyan ni Nathan ay napatingin agad ako sakanya. Bakit napaka gwapo niya talaga?

Kahit ang tipid sumagot ni Nathan ay kwento ako ng kwento sa byahe para di siya mainip pakiramdam ko nga naririndi na siya sa boses ko kasi kanina pa ko salita ng salita. Pero nakikita ko naman na napapangiti siya.

Nag park siya sa isang restaurant. Bumaba naman ito at bumaba na rin ako kasi di naman niya ako pagbubuksan wala naman ka-sweetan sa katawan si Nathan. Napasimangot ako. Nakasunod ako sakanya. Pagdating namin sa loob ay may nag assist naman sa amin at dinala kami sa VIP room. Ang ganda! Napaka ganda ng view kita mo ang city. Ang lights. Ang romantic kaso di naman siya sweet sa akin. Nag order na siya. Kanina pa ko selfie ng selfie at kanina pa rin ako binabawalan ni Nathan dahil para daw akong bata.

When You Love SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon