Chapter 12
Napatigil ako sa sinabi ni Nathan. Hinihintay ko yung word na joke pero wala. Seryoso itong nakatingin sa akin. Bigla naman itong umiwas ng tingin.
Pagbalik namin sa Manila, isang nakakabinging katahamikan. Walang nagsasalita sa amin. Seryoso lang itong nagmamaneho at ako naman ay nakatingin sa labas.
Hinatid lang ako nito sa bahay at agad na rin itong umalis. Nagtext ako sakanya na mag ingat siya pero wala man itong reply.
Binuksan ko ang email ko may email doon sa isang hospital sa Seattle, USA. Nagpasa kasi ako ng requirement noon para makapag trabaho doon. Napaisip ako. Gusto ko kapag tinanggap ko ang offer na ito ay natulungan ko na si Nathan na maka move on at sana ako na ang mahal niya sa panahon na yun. Ang sarap isipin.
Ginising ako ni Manang dahil nandito daw sila Ali at Monique.
"Why naman ganyan ng awra mo dyan beks?" Tanong ko kay Ali kasi mukhang stressed na stressed ito. Tumawa naman si Monique kaya sinabunutan ito ni Ali.
"E kasi namin sis, si Mama sinet up ako sa isang date. Remember yung anak ni tita Divina? Gosh! She's coming home na here sa Philippines! Oh my God! Anong gagawin ko?" Parang baliw na sabi ni Ali.
Bigla naman ako tumawa ng malakas na sinabayan ni Monique kaya tinignan kami ng masama ni Ali.
"Mga sis! I'm so serious! This is a matter of life and death! Oh my gosh!" Nag hysterical na sagot nito.
"Grabe ka naman bakla! Matter of life and death talaga? O.a much?" Natatawang sagot ni Monique
"Hmp! Alam niyo naman na babae ako. Pusong babae! Kung boylet sana yun aba gora ako agad kasi hindi may petchay siya! Kadiri!" Sagot ni Ali
"Ano gagawin mo nyan? Lagot ka naman kay tita at sa papa mo pag hindi ka pumayag baka doon kana mabaril ni tito nyan." Sabi ko
"Yan din ang iniisip ko. Halika na nga gala muna tayo namiss ko na rin kayo." Sabi ni Ali.
Pagtapos kong maligo ay umalis na kami. Nagpunta muna kami sa mall at nag shopping. Syempre si Ali siya ang pumili samin ng mga damit at make up dahil mukha daw kaming yaya at old fashion sa mga suot namin. Naka jeans at v-neck shirt naman ako. Hindi daw kasi kami kikay. Inirapan na lang namin sya.
Nagpunta kami sa Starbucks para mag miryenda muna at pahinga. Nagorder na ko. Si Ali at Monique ay umalis muna dahil may naiwan daw si Ali kanina sa may 2nd floor. Naiwan ako sa table namin.
Nagulat ako ng may lumapit sa akin. Pag angat ko ng tingin nakangiti sa akin si ate Trish. Kaya nag smile din ako.
"Hey! How are you?" Naka smilena sabi ni ate Trish
"Fine. Ikaw ate? Lalo kang gumaganda." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman ito.
"Ikaw talaga bolera ka nahawa ka na kina kuya mo. Uhm, by the way. Nililigawan kaba ni Nathan? I hope you don't mind na naitanong ko."
"Uhm. Hindi ate! Alam mo naman na hindi pa rin nakaka move on sayo si Nathan hanggang ngayon mahal ka pa rin niya. Bakit mo siya pinagpalit?"
"Wait Alexa! Hindi ko siya pinagpalit nakipag break na ako sakanya that time pero ayaw niya. Ayoko na. But you know Nathan he is persistent and Please Alexa, you like a sister to me pls don't date Nathan sasaktan ka lanya I'm warning you, gusto mo ba masira ang friendship nila ng kuya mo?" Seryosong sabi ni. Ate Trish

BINABASA MO ANG
When You Love Someone
Genel KurguIf you truly love someone, then the only thing you want for them is to be happy... even if it's not with you. Some scenes may not suitable for young readers, please be guided. Thank you.