Ilang taon na ba ang nakakalipas ng lisanin ko ang lugar na nagbigay sakin ng sakit? Napapikit ako sabay ang pagpatak ng luha ko. Apat na taon? Na sa tuwing naalala ko ay parang bumabalik ang sugat ng kahapon. Binigay ko ang lahat pero sakit lang ang naging kapalit. Sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao ay hindi ka na maghahangad ng anuman na kapalit makita mo lang siyang masaya ay masaya ka na. Kahit pa na masaya na siya sa piling ng iba.Apat na taon na ang nakakalipas ng iwanan ko ang lugar na yun kasama ang pamilya ko na walang ginawa kundi ang mahalin ako. Wala na kasi akong maramdaman kundi ang sakit. Sakit na ayaw maghilom dahil nakikita ko siya. Sinaktan niya ako. Dinurog niya ako ng pinong-pino. Binalewala niya lang ako. Binasura niya ako na walang ginawa kundi ang mahalin at unawain siya. Ano bang kasalanan ko at ginawa niya sa akin ito? Minahal ko lang naman siya... Winasak niya man ang pagkatao ko at ngayon ay unti-unti ng bumabalik ang saya na ninakaw sakin ng panahon. Salamat sa biyayang ipinagkaloob sakin. Kapalit ng sakit ay isang munting biyaya at pagasa. Ang dahilan ng muling pagbangon ko. Ang dahilan para maging malakas ako. Ang dahilan para hindi ako sumuko sa buhay. Ang dahilan para mabuhay ulit ako. Ang nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo...
Balang araw babalik din ako para makasama ko na ang pamilya ko... Sa oras na nahanap ko na ang sarili ko at kapag naghilom na ang sugat na ito, pangako babalik ako...
When you love someone, even though they hurt you and break your heart, you still love them with all the little pieces.

BINABASA MO ANG
When You Love Someone
Tiểu Thuyết ChungIf you truly love someone, then the only thing you want for them is to be happy... even if it's not with you. Some scenes may not suitable for young readers, please be guided. Thank you.