Chapter 6
Hindi ako makatulog kinagabihan. Hindi ako mapakali, palakad-lakad ako sa kwarto ko at hinihintay na dumating si kuya nakatulugan ko na ang paghihintay. Kinabukasan, tinanong ko kay Papa at Manang kung umuwi ba si kuya ang sabi umuwi raw pero umalis din agad. Tinawagan ko si Tessa yung pinsan ni Nathan.
"Tess, anong nangyari? Kumusta na si Nathan?" Tanong ko.
"Ha? Wala akong alam. Hindi nagsabi, ano nangyari? Wala kaming alam dito." Naguguluhang sabi ni Tessa
"Tumawag kasi kaibigan nila, Hindi ko rin alam ang nangyari. Basta ang sabi napa away daw. Nag aalala nga din ako kaya tinawagan kita."
"Hindi naman basugelero si Nathan, nakakapagtaka at nakipag away siya."
"Yun nga eh. Tess, balitaan mo na lang ako. Salamat." At binaba ko na ang tawag.
Alas tres ng hapon naka tanggap ako ng text kay Tessa kung saang hospital naka admit si Nathan. Dali-dali naman akong nagpunta roon.
Binuksan ko ang pinto ng bahagya para silipin kung sino ang tao roon. Nakita ko ang mga kaibigan niya at dinig ko rin ang usapan nila.
"Shit ka pare! Lakas kasi ng loob mo maghamon ng away ang daming back up ng gago. Sabi kasi na wag ka ng mag inom tapos nakipag suntukan ka pa!" Sabi ni kuya Josh. Tahimik lang si Nathan.
"Gago ka talaga! Lasing ka na nga naghamon ka pa. Problema mo ba talaga?" Tanong ni kuya Alexis.
"Nothing..." balewalang sagot ni Nathan
"Ulul! Nothing ka dyan?" Sabi ni kuya Liam
"Wala nga sabi. Ang kulit niyo daig niyo pa ang babae sa sobrang ingay! Gusto ko ng makalabas dito. Okay naman na ako galos lang ito." Naiiritang sagot ni Nathan. Kunot noo na kasi ito tapos salubong pa ang kilay. Nandito pa rin ako sa labas. Nahihiya kasi akong pumasok.
"Gago ka kasi! Ganito yan mga pare, nakita niya kasi Trish at Gino sa bar. Alam niyo naman bitter pang ang bebe natin. Kaya ayun naghamon!" Tumatawang sabi ni kuya Charles. Napansin ko naman na tinignan ng masama ni Nathan si Charles.
So... kaya pala siya napaaway dahil kay Trish? Kumirot ang puso ko.
"Hanggang ngayon ba pre? It's been 3 years, hindi ka pa rin nakaka move on?" Tanong ni kuya Matt
Naghihintay ako ng sagot. Hindi ito sumagot.
"Pre, hindi ka pa rin nagbabago pagdating talaga kay Trish ganoon ka pa rin." Sabi ni kuya Liam
"Saan ba mapupunta ang usapan na to?" Inis na sabi ni Nathan
Biglang napatingin sa pinto si Nathan. Bago pa man ako makapagsalita ay may umakbay na sa akin! Paglingon ko nakangising mukha ni Spencer ang sumalubong sa akin.
"Hi guys!" Masayang bati ni Spencer kaya napatingin samin sila kuya.
"Magkasama kayo?" Tanong ni kuya Alexis
Naputol ang sasabihin ko ng si Spencer na ang sumagot.
"Yes kuya." Habang nakangisi.
Nagtawanan naman ang mga kaibigan ni kuya maliban kay Nathan na poker face lang.
"Gago ka ba? Wag mo nga akong matawag na kuya! Magkasing edad lang tayo! Ulul!" Sabi ni kuya
"Highblood ka naman agad kuya... I mean Alexis." Tumatawang sabi ni Spencer
"Pakitanggal mo nga ang kamay mo sa balikat ng kapatid ko! Baka gusto mong putulin ko yan?" Sabi ni kuya. OA talaga ni kuya!
"Ay wag! Maraming malulungkot na mga dilag, alam niyo naman kamay ko pa lang nababaliw na sila." At sinabayan pa ng tawa na nakakaloko. Baliw ba tong si Spencer?

BINABASA MO ANG
When You Love Someone
Fiksi UmumIf you truly love someone, then the only thing you want for them is to be happy... even if it's not with you. Some scenes may not suitable for young readers, please be guided. Thank you.