Seven

737 21 13
                                    

Chapter 7

Magdamag kong binantayan si Nathan para kasing bata ito na nakahawak sa kamay ko. Baka akala niya siguro ako si Trisha.

Hinintay kong bumaba ang lagnat ni Nathan. Nang masiguro kung mababa na ay dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Tumayo ako at nagpunta sa kusina para magluto ng kakainin nito. Tinignan ko ang orasan, 5am na pala. Nagluto ako ng sopas para kahit mamaya ay pwede na lang niya ito initin. Inayos ko na ang mga kailangan nya kung sakaling magugutom siya o sasama ulit ang pakiramdam niya. Nilagay ko ang gamot at sopas sa may tray at nilagay sa may side table nito malapit lang sa kama.

Hinaplos ko ulit ang noo at leeg ni Nathan kung may lagnat pa ba ito buti naman ay wala na. Nang okay na ang lahat ay nag pasya na akong umuwi dahil hindi naman niya ako kailangan. Iba ang kailangan niya. Masakit? Oo sobra, tanggap ko na. Tanga kasi ako, narinig ko na nga at heto mahal ko pa rin siya. Lumingon muna ako sakanya bago ako tuluyang umalis.

Nag taxi na lang ako pauwi. Pagdating ko sa bahay ay agad akong natulog dahil napuyat ako sa pag aalaga kay Nathan.

Pagkagising ko ang sakit ng ulo ko parang ako naman yata ang magkakasakit. Bigla kong namiss si Mama dahil kapag nagkakasakit ako siya ang nag aalaga sa akin. Tinatabihan niya ako at hahaplusin ang buhok ko. Ipagluluto at kakantahan para makatulog. Tumulo ang luha ko habang iniisip ko ang nakaraan. Miss na miss ko na kasi si Mama sobra... Mama ko, miss na kita sana pwede kitang yakapin. Mama, masama po ang pakiramdam ko gusto ko po ng yakap niyo. Mama...

Iyak lang ako ng iyak. Kahit masakit ang ulo ko wala pa ring makakatalo sa sakit ng puso ko. Sa sakit na nararamdaman ko. Nakatulog ako sa kakaiyak. Pagkagising ko ay may bimpo ako sa noo at may pagkain sa side table. Bumangon ako dahil nagugutom ako bigla naman pumasok si kuya Alexis. Agad akong inalalayan ni kuya para makaupo ng maayos.

"Ayos na ba pakiramdam mo? Tinawagan ako ni manang, nilalagnat ka raw kaya napauwi ako agad. Eat first and then drink your medicine. Syrup yan dahil alam kong ayaw mo uminom ng tablet. Silly girl." Sabi pa ni kuya. Napangiti naman ako. Ayaw ko kasi ng tablet dahil ang pait. Mas okay ko na yung syrup kahit na pang bata hindi gaano mapait. Sana bata na lang ako ulit.

"Thank you kuya pogi!" Sabi ko. Ginulo naman nito ang buhok ko.

"Nagpaulan ka daw kahapon sabi ni manang kaya ka siguro nilagnat. Tsk. Ang kulit mo talaga princess. Hindi ba at sabi ko wag kang magpapaulan?" Sermon na sabi ni kuya

"Sorry kuya. Akala ko sa susunod na araw pa ang uwi mo? Sana hindi ka na nag abala. Nandyan naman si manang eh."

"Walang mag-aalaga sayo princess. Si manang alam mo naman mahina na rin ang tuhod nun mahirapan na iyon na puntahan ka sa kwarto mo at pabalik-balik. Okay naman na nandito ako para mag alaga sayo. Sabi ko diba aalagaan kita? Wag ka ng makulit. Kumain ka na at uminom ng gamot para makapag pahinga ka na."

"Natouch naman ako kuya!" Natatawang sabi ko. Pero gusto kong umiyak. Ang bait sobra sakin ni kuya. Hindi niya ako pinabayaan siya ang laging nasa tabi ko. Kaya mahal na mahal ko si kuya. Mahal na mahal ko sila ni Papa. Sinubuan ako ni kuya dahil medyo nanghihina pa ako. Pagkatapos kong kumain ay pina inom niya pa ako ng gamot. Sinabi niya rin na magpahinga na ako para gumaling na ako.
Natulog ako ulit. Buong araw ay nagpahinga lang ako.

Kinabukasan, ay ayos na ang pakiramdam ko. Nag stay lang ako sa bahay at nanonood ng Barbie. Barbie as the Princess and the Pauper,  The Barbie Diaries, Barbie as Rapunzel and etc. Naalala ko noong bata ako kahit naiinis si kuya Alexis sa pinapanood ko ay sinasamahan niya pa rin ako tapos ipaghahanda kami ni Mama ng meryenda at sasamahan din kami ni Mama tapos magkukulitan kami darating naman si Papa para makisali. Sobrang saya namin noon kaya hindi ko akalain na masisira ang pamilya namin.

When You Love SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon