Four

846 20 20
                                    

Chapter 4

Kinabukasan maaga akong nagising para mamasyal sana sa hacienda. Paglabas ko ng mansyon ay nakita ko si Spencer na hatak-hatak ang kabayo papuntang kwadra. Babalik na sana ako sa loob ng tinawag ako nito.

"Alexa! Good morning!" Masiglang bati nito. Ngumiti na lang ako at kinawayan ito. Nilapitan ako nito at niyaya magpunta sa kwadra para mamasyal at makita ko daw ang bagong panganak daw na kabayo kaya maaga siyang nagising.

"Ayan nga pala si Sugar." Turo nito sa nanganak na kabayo. Grabe ang cute nung baby horse.

"Hi, Sugar! Ako nga pala si Alexa! Nice meeting you." Ngiti ko at hinawakan ito.

"Mukhang gusto ka na ni Sugar hindi siya maailap sayo hindi tulad sa iba ayaw niyang hinawakan siya."

"Talaga? Nice naman! Anong name nung baby horse?"

"Hmm. Wala pa, gusto mo ikaw na magbigay ng pangalan sakanya?"

Napalakpak naman ako. Gusto ko yan!

"Talaga? Sige! Hmm..." Sabi ko at nag isip. May naisip na ko!

"Alam ko na!" Nakangiting sabi ko. "Sweet! Tama, Sweet na lang ang name niya! O diba?" Nakangiting sabi ko. Natawa naman si Spencer.

"Pinagtatawanan mo ba ang suggestion ko?" Nakanguso kong sabi. Umiling naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Ang cute mo lang kasi. Alright siya na si Sweet! Ang tamis ng pangalan... Parang ikaw lang." Sabi ni Spencer at kinindatan pa ako. Tumawa na lang ako.

Pinasyal niya pa ako sa ibang lugar sa hacienda nila namitas pa kami ng mangga at santol. Mabait si Spencer at masayang kasama mahilig din itong mag jokes kaya naman nakakatuwa siyang kasama. Pagtapos ay bumalik na kami sa mansyon at gising na nga sila. Naka agaw pansin sakin ang titig ni Nathan na akala mo ay may ginawa akong masama. Umiling lang ito. Pagkatapos namin kumain ay nagpunta ako sa kwarto para magpahinga. Balak kong maligo sa may batis mamaya.

Nang kinahapunan balak ko ng maligo sa batis nung makita ko si Spencer na nagmamadali mukhang may lakad ata ito.

"Sorry, Alexa hindi kita masasamahan sa batis dahil kailangan kong magpunta sa bayan nagka problema kasi sa pabrika. Kailangan ko magpunta doon."

"Ano ka ba! Okay lang yun. Sige na umalis ka na emergency yata yun. Ingat ka!" Paalam ko

"Sorry talaga, babawi ako. Alright. Bye. See you."

Pagkaalis nito ay naglakad ako papunta sa may batis dahil malapit lang naman ito sa may hacienda may ilang grupo rin na naliligo rito. Dahil may ilog sa kabila. Ang gandang lugar dito. Malinis. Nakarinig ako ng usapan ng mga kababaihan dito.

"Mars! Nakita mo ba yung lalaking naliligo sa may ilog? Shit mars! Ang gagwapo nila."

"Tumpak mars! Ang gwapo nung dalawang lalaki at ang hot pa. Yung abs ang sarap! Wooo!" Nagpaypay pa ang babae gamit ang kamay nito

Sino naman kaya ang pinag uusapan nila? Naglakad pa ako at ng matanaw ko na ang ilog. Sinilip ko kung sino ang sinasabing gwapo. At hindi nga sila nagkakamali dahil may gwapo nga... Si kuya Alexis at Nathan naliligo sila. Kay Nathan lang naka focus ang mga mata ko. Grabe! Ang hot niya! Yung abs niya ilan kaya? Binibilang ko. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito....

"Alexa Claudia! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ni Kuya. Pakabuo naman ni kuya sa pangalan ko.

"Ay walo! I mean. Wala!" Sabi ko. Nahihiyang sagot ko.

"Akala ko ba maliligo ka sa may batis bakit umabot ka dito?" Tanong ni kuya

"Nagtingin-tingin lang ako. Magseselfie sana ako. Hehe."

When You Love SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon