Thirteen

758 24 5
                                    

Chapter 13

"Alexa, I'm sorry..." seryosong sagot ni Nathan. Gusto ko mapapadyak. Ibig sabihin may nangyari na sa amin? Naisuko ko na? Oh my gosh! Anong kagagahan ba ang pumasok sa isip ko.

"Sorry for what? Hwag kang mag sorry, parehas naman natin ginusto yun diba?" Matapang na sabi ko para di mapahiya. Kahit gusto ko na umiyak.

"No... Alexa, di mo ko naiintindihan."

"Anong hindi kita naiintidihan?"

"Sorry Alexa, sad to say... walang nangyari satin dahil lasing na lasing ka at sinukahan mo ko.  Kaya wag kang mag alala." Di na napigilan tumuwa ni Nathan. Bigla ako namula kung ano ano pa mga sinabi ko. Kahiya!

Binato ko ng unan si Nathan dahil tawa pa rin ito ng tawa na parang gusto ipahiwatig na gusto ko may mangyari kaso bokya ako. What the hell?!

"Good! Buti naman at hindi mo pinagsamantalahan ang kalasingan ko. Hmp." Nakairap na sabi ko para di mahalata na napahiya ako. Kainis.

"Okay, okay. Here, drink this para sa hangover mo. Kumain ka muna at mamaya ihahatid na kita sa bahay niyo." Sabi ni Nathan

"Thank you. Can you get out? I'm gonna make ligo. Kasi I think I'm so baho na." Sabi ko. Tumawa naman ito bigla ako nilapitan nito.

"Why so conyo naman baby girl? You're so bango pa rin kaya." Sabi nito at tumawa. Ginaya pa ang pagsasalita ko. Binato ko sya ulit ng unan at lumabas na ito ng kwarto.

Nang matapos na ako kumain, maligo at mag ayos ay hinatid ako ni Nathan.

Nagulat ako ng makita ko na nakaabang si Kuya Alexis sa labas. Mukhang inaasahan na nito ang pagdating ko.

Pagbukas pa lang ng pinto ay sinugod nito si Nathan at kwinelyuhan.

"Wait pare..." chill na sabi ni Nathan

"Wag mo ko mapare-pare! Ungas ka! Saan mo dinala ang kapatid ko ha?!" Galit na sabi ni kuya. Pumagitna namn ako para awatin sila

"Chill ka lang bro. Wala ako ginawa kay Alexa para ko na rin syang kapatid. Nalasing siya kagabi kasama ang mga kaibigan nya at buti na lang nakita ko may umaaligid na ungas e." Sabi ni Nathan. Kahit nainis ako sa part na kapatid.

Tinignan ako ni kuya parang tinatanong kung totoo ba ang sinasabi nito. Tumango naman ako

"Totoo yun kuya. Niligtas nya pa nga ako sa nang bastos sa akin." Sabi ko

Napasapo naman ng noo si kuya at niyakap ako.

"What the fuck?! Di ba sabi ko sayo wag ka magpupunta sa mga ganoong klase ng lugar? Princess naman! Pinag alala mo ako. Pinag alala mo kami ni Dad! Masyado kang makulit. Makinig ka naman sa akin. Ayoko na mapahamak ka. Okay?"

Tumango naman ako.

"Salamat bro. Buti na lang ikaw nakakita kay Alexa. Pero ayoko pa rin na umaaligid ka sa kapatid ko. Ayaw kita maging brother-in-law. Kilala kita Nathan." Seryoso na sabi ni Kuya

"Chill ka lang, pre. Hindi ko rin type ang kapatid mo." Tumawa naman ito. Tinignan ko ito ng masama.

"Mabuti naman. Sige salamat ulit. Mamaya nga pala punta tayo kala Charles. Pasok na kami sa bahay."

"Okay bro." At umalis na si Nathan.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay sinermunan agad ako ni kuya.

"Balita ko natanggap ka raw sa hospital sa Seattle? Why don't you go there? Grab that opportunity, Alexa." Seryosong sabi ni kuya

"Pero kuya, Mas gusto ko rito..."

"Pag isipan mo mabuti, Alexa. That's the best for you. Go to your room na." At umalis na rin si kuya

Habang nasa kwarto ako tahimik ako pakiramdam ko may alam si Kuya pero hindi lang neto sinasabi.

Naputol ang pag iisip ko ng mag ring ang phone ko.

"Hello, mahal na prinsesa." Pilyong sabi sa kabilang linya

"Who's this?" Kunyari ay di ko siya kilala

"Ouch. Nakalimutan mo na agad ang gwapong tulad ko?" Nagtatampo na sagot nito. Bigla naman ako tumawa

"Loko ka talaga, Spencer. Bakit ka napatawag?"

"I just wanna invite you tomorrow sa hacienda. Kung okay lang sa iyo. Miss kana ni Sugar at Sweet." Tukoy nito sa mga kabayo.

"Oh sure! Magdala ako ng sasakyan ko."

"No, Sunduin na lang kita. Hassle pa pag nagdala ka. Be my guess."

"Okay. So see you tomorrow?

"Yup, see you!" At natapos na ang tawag.

***

1pm na ng makarating kami sa hacienda. Napaka presko talaga dito. Makakalimutan mo ang problema.

Dinala naman ng kasamabahay ang gamit ko sa guess room. Kumain muna kami dahil pinaghanda kami dito.

"Saan mo gusto mo pumasyal?" Tanong sakin ni Spencer

"Hmm... saan ba maganda?"

"Sa flower plantation. Napakaganda roon. Let's go? Si Sugar ang service natin ngayon." At kinindatan pa ako. Hinampas ko lang ito

Niyakap ko naman si Sugar ng makita ko ito at ang anak nito na si Sweet.

Inalalayan ako sumakay ni Spencer sa kabayo. Hindi naman ako marunong mangabayo kaya si Spencer na ang nagpatakbo noong una ay natatakot pa ako pero nung tumagal ay nasanay naman ako.

Pagdating naman sa flower plantation ay namangha ako sa ganda. Breathtaking... napakaganda.

"Ang ganda dito! Wow!" Sabi ko

"I told you... pero mas maganda ka pa rin." Sabi ni Spencer

"Bolero ka talaga! Alam ko naman na maganda talaga ako." Sabay tawa ko

"Sana lagi ka nakangiti at tumatawa hindi bagay sayo ang malungkot."

Napangiti naman ako at nag iwas ng tingin.

Bigla lumapit si Spencer at hinawi ang buhok ko. Inipit nito sa tenga ko ang isang bulaklak. Nginitian lang ako nito.

"Bagay ba?" Nakangiting sabi ko

"Hind. Ang panget mo." Tudyo nito

"Kapal mo talaga! Kanina sabi mo ang ganda ko. Ngayon panget? Ikaw chararat ka!"

"Umuusok na naman ang ilong mo, hindi ka naman mabiro." Tawa nito

Nagtawanan kami habang nagkukwentuhan. Ang ganda dito. Nag picture ako at nagpost sa instagram.

Malapit na magdilim nung sinabi ko na umuwi na kami masyado kami nilabang dito.

Pagdating sa hacienda ay madilim na nga. Lubog na ang araw.

Nagulat ako ng may biglang nagsalita pagdating namin.

"Nandito na pala kayo." Malamig na sabi ni Nathan

"Ohh. Nandito ka pala Nate, kala ko nasa Cebu ka ngayon." Sabi ni Spencer

"No... I need to go here, I need to check something."

Kinabahan naman ako. Naputol ang pag uusap nila ng sinabi na kumain na.

Tahimik kami kumakain pakiramdam ko ang sama ng tingin sakin ni Nathan. Binilisan ko ang pagkain at nagpaalam na magpapahinga na ako.

Nagmadali ako pumunta sa kwarto at nilock ko ang pinto. Kinabahan ako. Naligo na ako at nagpalit ng pantulog. Matutulog na ko para matapos na ang araw na ito sana naman ay makatulog ako agad.

Kakahiga ko pa lang sa kama nung bumukas ang pinto.

Pagtingin ko nandito si Nathan. Hindi ko mabasa ang iniisip nito.

"Uhm... why are you here? Mag sleep na ko."

"Let's talk." Malamig na sabi ni Nathan at kinabahan naman ako.

to be continued...

Note:
Sorry sa super late at short update. Bawi na lang ako. Thank you!

When You Love SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon