Chapter 3
Laman ng balita ngayon si Nathan dahil sa pagkapanalo nito. Napanood ko kaninang umaga ang interview niya. Mas lalo siyang gumwapo. Habang pinapanood ko siya ay mas lalo ko siyang namiss.
Tinawagan ako ni Tessa na pinsan ni Nathan dahil may party daw na gaganapin sa Dionysus Lounge na pag-aari nila Nathan. Sikat din ito sa bansa at may iba't-ibang branch din ito sa Europa. Meron din sa Australia, New York, San Diego at Miami. May victory party daw ito na hinanda ng mga kaibigan nito. Hindi ko naman pwedeng palagpasin ito. Kahit binawalan ako ni Kuya ay hindi ako magpapapigil. Sorry, kuya Alexis dahil pabebe girl ako at walang makakapigil sakin.
Tinwagan ko sila Monique at Alisandro para samahan ako. Agad namang pumayag si Ali si Monique naman ay napilitan lang.
Kinagabihan, ay sinundo ako ni Ali para sa condo niya na lang kami mag ayos buti na lang wala si Kuya ngayon. Sana hindi ko siya makita mamaya kung nasa party man ito. Inayusan naman ako ni Ali simpleng ayos lang. Light make up. Nag suot ako ng yellow dress hanggang tuhod ko. Pagtapos namin mag ayos ag nagpunta na kami sa Dionysus Lounge at sinalubong naman kami ni Tessa.
"Finally! Tara sa loob habang busy ang ibang guests." Sabi ni Tessa at hinatak kami papunta sa isang VIP room.
"Thank you, Tessa. Kung hindi dahil sayo hindi kami makakapasok dito." Sabi ko. Nginitian naman ako nito. Maganda si Tessa mukha itong beauty queen. Dahil nasa lahi naman nila ito dahil ang mommy ni Nathan ay dating Miss Universe. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit sobrang gwapo ni Nathan dahil ang magulang nito ay napaka gwapo at napaka ganda talaga.
"Ano ka ba! Parang hindi naman kita magiging pinsan. Alam mo naman na botong-boto ako sayo." Nakangiting sabi ni Tessa. Namula naman ako.
"I'll go first basta tawagan niyo lang ako. May aasikasuhin lang ako sa labas. Mag enjoy kayo mga bruha!" Nakangiting sabi nito at iniwan na kami. Nakaupo kami sa sofa at may nag serve samin ng drinks and food. Nag eenjoy naman si Ali at Monique.
Dahil gusto ng sumayaw ng dalawa ay lumabas na kami. Hinahanap naman ng mata ko si Nathan at nakita kong pinapalibutan ito ng mga sexy at nag gagandahang model. Biglang kumirot ang puso ko. Nakita ko rin ang mga kaibigan niya. Mukhang nagkakasayahan dahil kita ko ang ngiti niya kahit sa malayo. Gusto kong hablutin ang buhok ng mga babaeng iyon. Pero naalala ko. Sino ba ako at anong karapatan ko?
Nagulat na lang ako ng hinatak ako ni Monique at dinala sa dance floor. Pina-shot ako ng isang babae na katabi ko habang nagsasayaw wala naman akong magawa kundi tanggapin na lang at inumin ito. Putcha ang pait talaga. Sumasakit ang ulo ko. Gusto kong umupo masyadong nakakabingi ang ingay. Nakita ko si Nathan ngayon na nakaupo sa may VIP couch kasama ang mga kaibigan nito. May nakakandong ditong babae na nakulay pulang dress na hanggang singit lang ata. Nag init ang sulok ng mata ko. Lumayo ako at nagpunta sa may bar counter. Nag order ako ng tequila. Unang shot, pangalawa, pangatlo hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilan. Ang alam ko lang ang sakit ng ulo ko at nasusuka na ako. Tumayo ako pero hindi ako makalakad nahihilo na ako. Sinubukan kong maglakad ng bigla akong natumba buti na lang may nakasalo sa akin.
"Miss, okay ka lang ba? You're wasted. Nasan ang mga kasama mo?"
Inaantok na ako. Hindi ko na kaya. Nasusuka na ako. Pinilit kong makawala sa lalaking hindi ko kilala. Tumakbo ako sa may parking para magpahinga na sana sa kotse ng bigla akong nadapa. Naramdam ko na lang na may nagtayo sa akin.
"Miss, saan ang kotse mo dadalhin na kita para magkapahinga ka na. Ano pangalan ng mga kaibigan mo at hahanapin ko para maiuwi ka na." Sumunod pala sa akin yung lalaki kanina. Hinarap ko siya ibubuka ko pa lang ang bibig ko ng maramdaman kong hinahalukay ang sikmura ko. Kaya ang ending ay nasukahan ko si kuyang stranger.

BINABASA MO ANG
When You Love Someone
General FictionIf you truly love someone, then the only thing you want for them is to be happy... even if it's not with you. Some scenes may not suitable for young readers, please be guided. Thank you.