Chapter 5
Nagyaya si Ali na mag mall kami. Pumunta kami sa Etude House para mamili raw ng make up dahil bukas na ang graduation. Si Ali ang namili ng mga make up at lipstick na gagamitin namin. Pagtapos namin mamili ay kumain na kami nagugutom na kami dahil pa kanina pa kami palakad-lakad at paikot-ikot. Sabay-sabay kaming napa buntong-hininga.
"Mga beks, ang lalim nun ah." Natatawang sabi ni Ali
"Nalulungkot lang ako. Kasi gagraduate na tayo. Magkakahiwalay na tayo." Sabi ni Niq
"Ano ka ba Niq may skype naman at diba two months ka lang naman sa Singapore? At malapit lang naman yan kering-keri mo ang plane ticket." Natatawang sabi ko.
"Oo nga naman beks! Babalik ka naman din ang drama mo talaga. Ako nga dapat ang magdrama dahil pag naka graduate na tayo kailangan ko na mag jowa. Okay lang sana kung lalaki eh kaso girlalu! Wit ko bet ang kalahi ko!" Nagdadramang sabi ni Ali
Nagtawanan naman kami. Tinignan kami ng masama ni Ali. Nag peace sign lang kami.
"Grabe kayong mga babae kayo! Pinagtatawanan niyo ang kawawaan ko? Ang bad niyo! Huhuhu."
"Kasi naman beks, magpaka lalaki ka na sayang ang genes!" Sabi ni Niq
"Wit! Sa ganda kong to? No no no! Fafa rin ang type ko." Sabi ni Ali
"Magtigil ka Alisandro! Abangan mo na lang ang babaeng irereto sayo nila tita. Bwahaha. " natatawang sabi ko. Hinampas naman kami ni Ali. Nagtawanan naman kami.
"Ikaw Alexa, ano plano mo? Sabi ni tito balak niyang sa L.A ka na lang daw magtrabaho. Tutal nandoon naman daw ang ibang tito at tita mo." Tanong ni ni Niq
"Hmm. Ayoko ng bumalik sa L.A kasi nalulungkot ako roon. Masaya naman kaso iba pa rin talaga sa Pinas. Siguro kapag free ay dadalaw na lang ako. Pero ang priority ko dito sa Pilipinas makapag trabaho. Pagtapos natin mag board exam pahinga muna ko siguro sa bahay or magpunta tayo sa Palawan!" Masayang sabi ko
"Ay gusto ko yan!" Sang ayon ni Ali
"Me too!" Sabi ni Niq. Inabot kami ng gabi kakagala at kaka-ikot.
Hinatid kami ni Ali sa kanya-kanyang bahay namin. Pagdating ko sa bahay ay si manang lang ang naabutan ko ang sabi nito ay umalis si kuya at si Dad naman ay out of town.
Habang nagse-search ako ay nakita ko sa newsfeed ko ang isang picture sa isang site.
"Nathan Vergara spotted with a Victoria Secret model in Club 97 in Hong Kong"
Sobrang dikit nila sa isa't-isa. Nakahawak si Nathan sa bewang ng sexy na babae na modelo ng Victoria Secret.
Sinarado ko ang laptop ko. Naiiyak na naman ako. Ang sakit sa puso kapag nakikita ko siyang may kasamang iba. Kahit alam kong ginagamit niya lang ang mga ito na pampalipas oras. Diba nga kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaka move on. Pero umaasa pa rin ako na hindi ako mapapabilang sakanila dahil mamahalin niya rin ako. Pinunasan ko ang luha ko. Kailangan kong maging fresh bukas dahil graduation na namin.
---
Kinabukasan, dumating si Daddy at sinabihan ako na dito na lang kami sa bahay mag ayos nila Ali at Niq. Si Ali ang nag aayos samin kaya naman bonggang ang ganda namin. Hehe.
"Bakla! Mag heels ka heto bagay sayo!" Pilit sakin ni Ali. Habang hawak ang kulay red stiletto.
"Ay bakla! Hindi ko kaya ng ganyang kataas baka matapilok ako." Sabi ko. Ang taas kasi ng takong hindi ko kayang ilakad ang ganyan.

BINABASA MO ANG
When You Love Someone
General FictionIf you truly love someone, then the only thing you want for them is to be happy... even if it's not with you. Some scenes may not suitable for young readers, please be guided. Thank you.