Chapter 8
Pagkagising ko ang sakit ng ulo. Bumangon ako at pagtingin ko sa salamin namumugto ang mata ko. Naligo ako agad at nagbihis kailangan kong mag unwind para naman hindi ako malungkot sa bahay.
Nagpaalam ako kay manang na aalis ako. Tinext ko na rin si Papa at Kuya Alexis para hindi nila ako hanapin. Sumakay na ako sa Porsche Boxster ko at pinaandar na ito.
Nag punta ako sa Bataan dahil may resthouse naman kami dito hindi ko na inintindi ang tutuluyan ko. Sa Morong, Bataan ako nagpunta dahil malapit lang sa dagat katapat lang ito ng bahay namin. Sinalubong ako nila Nana Lucia at Tata Mario sila kasi ang caretaker sa bahay namin dito.
"Dalaga ka na! Mas lalo kang gumanda iha, kamukhang-kamukha mo si Ma'am Annie." Napangiti naman ako. Namiss ko tuloy si Mama marami ngang nagsasabi na kamukha ko siya. Simula sa may pagkakulot kong buhok sa ilalim sa kutis, ilong at labi. Mata lang yata ang nakuha ko kay Papa. Magka-mata kami ni kuya Alexis. Ilang beses kong gustong puntahan si Mama kaso hinaharangan ako ni Papa at Kuya. Kaya sa huli ay tumigil na lang ako.
Sinaway naman ni Tata Mario si Nana Lucia.
"Ano ka ba Lucia! Nako iha pasensya ka na sa asawa ko tumatanda na kasi."
"Okay lang ho. Tsaka namiss ko na rin si Mama." Ngiting sabi ko.
"Ako rin iha, mabait si Ma'am Annie sayang nagkahiwalay sila ni Sir Emmanuel." Dagdag ni Nana Sela. Tipid na ngumiti ako.
"Nasaan na ba ang mga gamit mo? Ipapadala ko na kay Joy. Tukoy nito sa anak nila.
"Nasa sasakyan po. Patulong na lang po ako sa iba kong gamit. Dumaan din po kasi ako sa supermarket bago nagpunta dito." Sabi ko
"O sige." Sabi ni Nana Lucia. Tinulungan nila akong dalhin ang mga pinamili ko at si Joy naman sinamahan ako sa kwarto ko.
"Salamat Joy. Pakisabi din kala Nana Lucia at Tata Mario, salamat." Nakangiting sabi ko
"Walang anuman yun. Sige tawagan mo na lang kami kung may kailangan ka pa. Nasa kabilang bahay lang naman kami." Ngiting sabi ni Joy at umalis na rin ito.
Inayos ko ang gamit ko at inilagay sa closet ang mga damit ko. Pagtapos ay nagpahinga muna ako ng sandali dahil pagod din ako sa byahe.
Nang okay na ako ay bumaba ako at nakahanda na ang pagkain. Late na rin ako nag lunch. Pagkatapos kong kumain ay napagpasyahan kong mag gala muna dito tutal ay alas-kwatro pa lang naman ng hapon.
Nagpunta ako sa dalampasigan umupo ako sa may buhangin. Dinarama ko ang paghampas ng alon sa paa ko. Basa na rin ang shorts ko. Ang sarap ng simuy ng hangin. Presko sa pakiramdam kahit papaano ay nakakagaan ng nararamdaman. Nang magdilim na ay bumalik na ako sa bahay. Nakaluto na si Nana Lucia. Nakipag kwentuhan muna ako kay Joy. Sabay-sabay na kami nag hapunan. Pagtapos kumain ay tinulungan kong magligpit at mag hugas si Joy.
Dinadalaw na din ako ng antok kaya nagpaalam na ako na mauuna ako sa taas para magpahinga.
Naligo muna ako at nagbihis ng pantulog. Nag usap pa kami sa skype ni Niq dahil bukas daw ang balik niya sa Singapore. Matagal din kami nag kwentuhan hanggang sa sinabi kong matutulog na ako. Ang himbing ng tulog ko parang ngayon lang ulit ako nakatulog ng maayos.
Kinabukasan, ay maaga akong nagising para magpunta sa dagat dahil mababaw pa lang ang tubig. Dala ko ang camera ko at kumuha ako ng pictures sa mga starfish at shells. Nag selfie rin ako pinost ko sa instagram. Habang naglalakad ako ay natapilok ako sa may bato. Nilapitan ako ng tatlong babae.
"Miss, okay ka lang?" Sabi nung naka braces. Tumango naman ako.
"Miss tara doon sa may dalampasigan baka may sugat yung paa mo." Sabi nung mahaba yung buhok. Inalalayan naman nila ako sa may dalampasigan. Ti

BINABASA MO ANG
When You Love Someone
Ficción GeneralIf you truly love someone, then the only thing you want for them is to be happy... even if it's not with you. Some scenes may not suitable for young readers, please be guided. Thank you.