Chapter 10
Lumipas ang mga araw at linggo. Dalawang buwan nang ganito ang set up namin ni Nathan. Habang kasama ko siya ay mas lalo ko siyang nakikilala. May childish side rin pala siya hindi puro hot and cold.
Kahit naman alam ko na ginagamit niya lang ako ay okay lang sa akin. Ganito ba ako katanga? Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Ibibigay mo ang lahat kahit sakit ang dulot sa iyo. Makita ko lang siya na masaya ay masaya na rin ako.
Sa loob nang dalawang buwan na kasama ko siya ay masasabi ko naman na masaya siya. Ang sarap marinig nang tawa niya. Ang sarap sa pakiramdam na may napasaya kang tao.
Pupuntahan ko siya mamaya sa condo niya dahil mamayang gabi ang uwi niya galing Thailand dahil may car race ito. Pero lagi niya naman akong tinatawagan at nag skype kami kaya kahit papaano ay parang kasama ko na rin siya. Pero kahapon ay hindi siya tumawag kaya nag aalala ako. Tinawagan ko ang phone niya pero naka off naman ito. Hindi ko naman pwedeng itanong kay kuya dahil baka makahalata ito.
Hapon pa lang ay nakaluto na ako para sa pagpunta ko sa condo ni Nathan hihintayin ko siya sa lobby. Saktong alas kwatro ay naroon na ako. Isang oras na ako nandito ay wala pa rin si Nathan. Nakipagkwentuhan muna ako sa katabi ko kahit hindi ko siya kilala para hindi ako mainip.
Tinignan ko ang relo ko, 7:34pm na. Pero wala pa rin siya. 4pm ang dating niya bakit wala pa rin siya? Umalis na ang kausap ko pero wala pa ring Nathan na dumadating. Nagpunta ako sa may tapat ng room niya. Dito ko na lang siya hihintayin sa labas. Wala naman kasi akong susi ng condo nya para makapasok ako.
Palakad-lakad ako dahil nangangawit na ang binti ko. Tumingin ako sa relo ko, 10:55pm na. Nasan na ba si Nathan? Ano na ang nangyari sakanya? Nag aalala na ako. Umupo ako sa sahig sa tapat ng pinto niya. 11:30pm na ay wala pa rin siya. Sumasakit na ang paa ko pag akyat at baba para matanong kung may dumating na ba na Nathan Vergara. Pero wala pa rin. Sumasakit ang puso ko. Nasan na ba kasi siya?
Nakadukmo ako hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng may tumapik sa akin. Si manong guard pala.
"Miss bawal pong matulog dyan. Baka hindi po uuwi yung hinihintay niyo."
"Ay sorry po. Anong oras na po ba?"
"2:15am na po. Gusto niyo po ba itawag ko na kayo ng taxi?"
"Ay nako wag na po. Ako na lang po magpapasundo po ako sa kaibigan ko. Maraming salamat po." Sabi ko at umalis na si manong guard.
Tumayo ako. Sumasakit ang katawan ko lalo na ang puso ko. Nag punta muna ako sa cr para maghilamos. Habang nakaharap ako sa salamin ay biglang tumulo ang luha ko. Pinunasan ko naman ito agad. Kaya sa susunod Alexa bago ka pumunta ay magsabi ka muna para hindi ka maghintay sa wala at hindi ka magmukhang tanga kakahintay. Naghilamos ako at inayos ang buhok ko. Uuwi na lang ako mukhang hindi naman na siya darating.
Pagbalik ko sa tapat ng room niya ay inayos ko lang ang mga dala ko. Sayang baka mapanis pa ng tuluyan. Patayo na sana ako nang biglang makita ko siyang padating. Dala pa nito ang travelling bag niya. Mukhang madilim ang itsura niya. Napansin ko rin na medyo lukot ang polo nito. Nang makita ako ni Nathan na nandito ay nagbago ang itsura nito. Pilit itong ngumiti. Kaya pilit din akong ngumiti kahit nasasaktan ako.
Nang malapitan ko siya ay doon ko napansin na may sugat ito sa may labi at pasa sa kaliwang pisngi. Nakipag away na naman ba ito?
Nilapitan ko sita at hinawakan ang pisngi niya pababa sa labi niya. Tinanggal naman nito ang kamay ko.
"What are you doing here? Anong oras na ha Alexa? Baka hinahanap ka na sa inyo." Malamig na sabi ni Nathan
"Uhm. Kasi hinintay kita."

BINABASA MO ANG
When You Love Someone
General FictionIf you truly love someone, then the only thing you want for them is to be happy... even if it's not with you. Some scenes may not suitable for young readers, please be guided. Thank you.