NOLAN 'S POV
This is it. Graduation Day. Yung araw na pinakahihintay namin ni Declan. Masaya ako para sakanya. Dahil nakamit niya ang gusto niyang makuha. Girls, Friends, Popularity, at siyempre ang Titulo bilang Virginator ng School.
2 months ago, sinabi niya saakin ang lahat. Lahat ng kailangan kong malaman. Mula pagkabata niya, hanggang ngayong isa na siyang matapang na kaibigan ko.
When he was 9, nagkasakit siya ng kanser sa spine. Isipin mo yun? Siyam na taon ka palang nakaranas ka na 'non. Ayun. Nung mga panahong 'yon wala silang maipambayad sa ospital dahil naubos na yung pera nila sa ulit ulit na pagpapagamot kay declan. Kaya naisipan ng kuya ni Declan na pumunta ng ibang bansa para makapagtrabaho dahil mas maganda raw ang mga oportunidad doon pati narin ang kita. Ang ibang mga kapatid ni declan ay iniwan sa bahay ng lola nila para matutukan siya ng maagi ng mga magulang niya habang nagpapagaling. Nawala rin naman ang sakit ni declan nung mag-12 years old siya. Pero mula noon, hindi na siya pinalabas ng bahay. Takot ang mga magulang niyang bumalik ang sakit niya. Ang tanging kaibigan niya noon ay ang computer na libangan niya sa loob ng bahay nila. Ang dad niya nagtatrabaho na noon sa kompanya ng transportasyon kaya hindi na gaanong nakakauwi. Ang mama naman niya ay buong araw na nasa opisina kaya wala talaga siyang magawa noon sakanila kundi manalig sa Telebisyon o kompyuter.
Dahil narin sa mga nangyari noon, hindi siya nagkaron ng kaibigan sa school mula noong pumasok siya. Meron naman siyang mga nakakausap, pero hindi siya sanay makipag-usap sa ibang tao kaya minsan, sila ang lumalayo sakanya thinking na suplado siya.
Kaya nung mag-senior year siya, ganon nalang ang kasabikan niyang manalo sa Titulo bilang Virginator. Siguro, uhaw rin siya noon sa pansin. Mula nang magkakilala kami, madalas na kaming magkasama. Akala ko nga hindi kami magki-click e. Pero somehow nangyari naman lahat ng nangyari. Nalaman niya yung sikreto ko, pero hindi non natibag ang pagkakaibigan namin. Hanggang ngayon magbestfriend parin kaming dalawa. At walang makakapagpabago 'non.
Sinong mag-aakalang ang asawa ni Kuya Danton na si Ella ay yung ella na lumandi dati kay Declan? Pinakiusapan ako ni declan na wag itong sabihin sa kuya niya dahil raw ayaw niyang makasira ng relasyon.
Sinabi rin niya saakin na nung gabing nilibing si mama e nagconfess sakanya si Martina. Showbiz pala ang gaga. Hindi man lang sinabi saakin. Tinanggi daw yon ni declan dahil ayaw niyang masaktan si martina at ayaw rin niyang madistract sa game.
Ayon! Speaking of the game. Paano nga ba nanalo si Declan? Paano sila nagtie ni Carlo? Sinabi niya yan lahat saakin.
Nung pumunta sina declan at martina sa damèsdalè, may muntikan na raw mangyari sakanila, pero hindi natuloy kasi inatake ng sakit si Martina. Which led para malaman ni declan na may kanser daw sa baga si martina. Pinili niyang palayain si martina at pumunta sa ibang bansa para magpagamot kesa sa pansariling kasiyahan ni declan. Ang gago niya talaga. I mean sige. Siya na masakripisyo.
Nang makaalis kasi silang dalawa ng montreal, usap-usapan nang nagtanan sila kaya kusa nang sumuko si Carlo sa laro at sinabing ibibigay niya na ang titulo kay declan.
Seeing him on that stage getting his diploma, i feel proud. I am proud that i am his bestfriend. Masayang masaya ako para sakanya. Masaya ako na i get to see all he had been through bago niya makamit ito lahat. I guess sometimes, change is good.You have to stand up and fight for yourself hindi para sa ibang tao, pero para sa sarili mo. Success doesn't start from 'S'. It starts from 'U'. Okey. Ang korni ko.
★★★★★★★★★★
Sa ngayon, plano namin nina declan at patrick na magbakasyon sa beach house nina Patrick.
Nasaan na ba si Martina? Ang alam ko hanggang ngayon nagpapagaling parin siya sa ibang bansa. Nakakapagusap pa naman kami via Social networking pero iba parin talaga yung sa personal. Sana makauwi na siya ulit.
Si Emilia? Ayun. Ang sarap na siguro ng buhay non sa amerika. Balita ko chef na daw yon doon e.
Sina Reese? Ngayon nakakulong parin sila at baka matapos ang anim na taon makalabas ng kulungan sina ashton. Si Reese naman nahatulan ng panghabang-buhay na pagkakakulong dahil napanagutan niya na ang ginawa niyang pagpatay sa ilan sa mga miyembro ng gang.
Si Barbie? Balita ko bihira na siyang pumasok. Huli ko siyang nakita kasama yung apat na Lalaki sa Montreal High. Yung tinatawag nilang 'Bachelors'. Bagay naman sakanila. May mga itsura naman. Total graduated naman na kami. Sila nang bahala doon.
Everything turns out so good. Masaya na kaming lahat.
Pero hindi pa diyan natatapos ang mga pakulo ni Declan.
May isa siyang sikretong ikinagulat ko talaga.
Akalain mo? All this time? I thought he was literally fucking girls. Pero hopeless romantic parin pala talaga ang gago.
It turns out na sa lahat ng babaeng nagalaw niya sa montreal, ni isa doon hindi niya ginamitan ng sandata niya. I mean yeah, the girls got their pleasures pero yung magaling kong bestfriend? Never.
Akala ko ginalaw niya na lahat ng babae sa montreal high. Pero ang nangyari hindi ko inasahan. Sabi niya never niyang papasukin ang kanyang junior sa babaeng hindi niya mahal. Akalain mo? Nakapagpigil pala ang gago? Kung ako siguro yung straight, malamang sa alamang sampu sa kinseng nagalaw ko buntis na ngayon. Pero hindi. Hindi yon mangyayari dahil kay Patrick lang ako. Masaya na ako sakanya.
-------------
To top it all, ang Mr.Virginator ng Montreal High School ay isang malaking cheater at Virgin. Taliwas man sa totoo ang lahat ng tawag sakanya ngayon, i'm pretty sure bagay parin sakanya 'yon. Dahil pinaghirapan niyang makuha ang tronong iyon. Kahit na anong dumating sakanya, kinaya niya. Yan si Declan Andrew Potter. Ang magaling kong Bestfriend, ang Virginator ng Montreal High School. I guess his high school Journey is over. He graduated and yet he's still a Virgin. Male Virgin. Pero ready na siyang harapin lahat ng bagay ngayon knowing that we're always at his back, no matter what.
May forever. Hindi man sa love, pero sa friendship i assure you, meron.
BINABASA MO ANG
doing it wrong [completed]
Humormy name is declan andrew potter and i'd like to get your virginity. 2014-2015
![doing it wrong [completed]](https://img.wattpad.com/cover/47356599-64-k769237.jpg)