¤¤Jayvee's Point of View¤¤
Bakit pa kasi ako kasali sa mga kalokohan ng mga taong mga taga SSG Club? At nakakainis din 'tong si Diana. Ang flirt niya.
Bukod sa pagiging flirt, maganda at sexy din siya. Ang sexy niya sa black two piece na suot niya. HOT! Sobrang hot. Ano kaya ang itsura ni Charlotte pag nakatwo piece?
Alis mo yang iniisip mo Jayvee. Kasama ko itong si Diana at si Arman. Magpinsan daw sila. Para namang hindi. Matino na tao itong si Arman. Lalo na kay Katherina, siya yung girlfriend niya. Kaso itong si Diana, kung may magwapong lalake, dun din siya na padpad.
Speaking of Arman, naiinis din ako sa kanya. Hindi kasi niya sinabi sa akin sa kalokohang 'to eh. Gusto daw niya surprisa. Surprisa? Daig pa ang kalabaw na nasurprisa sa ginawa nila!
"Jayvee~ Maganda ba ako sa suot ko?~", sabi ni Diana with matching seductive voice. Ngumiti lang ako.
"Oo naman. Ang sexy mo at hot!", sabi ko sa kanya at napangisi siya sa sinabi ko. Fake lang naman yung ngiti ko. Naiinis ako sa kaniya, sa totoo lang. Tss.
Biglang tumayo si Arman at tumingin sa akin ng masama. "Kung makita kayo ng girlpren mo Jayvee, magkakagulo na ata ang mundo. Tse, aalis na ako. Pati na nga ampalaya, lalanggamin na eh sa tamis niyong dalawa", umalis na siya sa harapan namin.
Uyyy! Teka lang, Arman! Ayokong maiwan mag-isa kasama tong malandi na to!, gusto ko sana yun isigaw eh. Hindi ko man lang magsabi.
"Rule no. 2, Do not cheat to each other", biglang napapaalala ako sa sinabi ni Charlotte. Patay ako neto!
"Sweet na tayo sabi ni Arman? Haha. Naman eh", bigla niyang hinawakan yung braso ko. Parang inididiin niya yung ano niya sa braso ko eh. Peste, namumula ako sa ginagawa niya.
Wag kayong magagalit, lalake naman ako. At kung ako nasa kalagayan ko, ano naman ang gagawin mo? Bigla ko hinablot yung braso ko.
"Wag ka na kasing mahihiya. Hawakan mo na lang kaya kung gusto mo", sabay ngiti. Ngiting may masamang binabalak. Tss. Nakakainis talaga tong babaeng to!
Nabigla ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko at nilagay niya sa ano niya. Tss. Kalma lang Jayvee! Kalma lang!
Kinuha ko yung kamay ko pabalik sa akin. Ngumisi nanaman to! Tse! Umalis ka nga ang landi mo! Tiningnan ko lang siya ng masama.
"Aalis muna ako, sweetie. Kukuha ako ng juice", sabay takbo niya patungo sa may table.
Sweetie ba talaga? Tss. Grr. Naiinis talaga ako eh.
Biglang nagsigawan yung mga tao at napalingon ako sinisigawan nila. Isang dyosa na naka two piece na may suot na eye glasses. Teka.. Wag mong sabihin na..
Charlotte? Si Charlotte yun diba? Bakit ba ang sexy niya. Bagay na bagay sa kanya yung red na two piece. Maputi naman siya eh. Basta. Ang Hot niya! Baka matunaw ako neto eh. Wetwew! Pinaguguluhan na ata siya ng nga lalaki. Nakapalibot sa kanya yung mga lalaki sa kanya. Tse! Pagmakalapit ako diyan!
"Uyy Jayvee, sino ba talaga ang girlpren mo?", biglang sumukpot si Kashi sa kiliran ko. Kasama niya si Ichigo.
"Malamang si Charlotte", sabi ko sa kanilang dalawa. Tumingin sila sa isa't isa.
"Eh para namang hindi eh. Akala ko yung Diana ang syota mo, pre!", sabay hampas ni Kashi sa akin sa likuran. Ano bang problema nila? Nakikialam ba sila? Tss.
"Pero kung ako kay Airene, magagalit talaga ako sayo. Ang flirt mo din, noh? Kala ko matino ka. Pwes di pala. Player ka ba?", sabay tingin ng masama si Ichigo sa akin.
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Nerd
Teen Fiction(Once titled: Unordinary Nerd) Yung feeling na pinabayaan ka. Yung feeling na iniwanan ka. Yung feeling na hindi mo na gusto maranasan iyun muli. Siya ay isang nerd na hindi katulad sa iba. Sabi ng marami, nasa kanya na ang lahat. Fame, talents, loo...
