34: Dumbass Jairou
Airene's Point of View
Nakakainis na siya ah! Nakakainis na siya! So ganun pala, kahit kaninong babae, pwede niyang halikan. Pwes, he's a douche bag! Grabe ah, so hinalikan pala niya ako kanina para lang sa wala. Akala ko pa.. Err, never mind.
Tumakbo ako patungo kay Tyler. Alam kong nasaktan siya sa ginawa ni Jairou bullshit. Nasaktan siya dahil hinalikan ni Jairou si Michi sa harapan namin. Ang kapal talaga ng mukha ng Jairou na yun. Nakakainis na siya eh!
Pumunta si Jairou sa labas ng party house at nandito kami sa tapat ng dagat. Feel na feel ko yung malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko. Napikit mata nalang ako.
"Tyler?", sambit ko sa pangalan niya. "I can talk to Jairou if you want", sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Hindi lumingon si Tyler habang pinupunas niya yung luha niya sa mukha niya.
"Alam ko naman na gusto ka niyang pagselosin eh. Pero bakit pa kasi si Michi pa eh?", naiiyak na sabi ni Tyler na nakatalikod lang sa akin.
At anong ibig sabihin dun sa pagselosin? Ako? Pagselosin ni Jairou? Imposible naman yung mangyayari eh.
"Gusto ko siyang suntokin pero wala naman akong karapatan eh. Wala akong karapatan. Hindi ko pa nga nasabi kay Michi yung mga nararamdaman ko sa kanya. But bullshit! Bwuset! Nakakainis na siya", umiiyak pa rin si Tyler.
Alam kong masakit na nakita mo yung mahal mo na may kahalikan na iba eh. Alam ko kung gaano yun kasakit. At alam ko kung gaano masaktan kung mawala na yung mahal mo ng tuluyan.
"Pero Airene! Gusto ko lang naman na sabihin kay Michi na Mahal ko siya eh! Mahal na mahal ko siya! MICHI MAHAL KITA! NARINIG MO BA! NASAKTAN AKOOO! SANA AKIN KA NALANG!", parang tangang sigaw ni Tyler sa tapat ng dagat.
"T-Tyler?", merong boses ng babae akong narinig. Napatulala na lamang ako nang nakita ko yung babaeng iyun. S-Si Michi. "Tyler? Mahal mo ako?", nabibiak na boses na sabi ni Michi.
Lumingon naman si Tyler sa kanya. Napangiti naman ako nung tumakbo si Michi patungo kay Tyler. Bigla niya itong niyakap. Naiiwang nakatulala si Tyler habang niyayakap siya ni Michi.
"Rin, let's go", may humila nanaman sa akin. At alam ko kung sinong tao yun. Si Jairou yun eh. Si Jairou. Napakunot nalang yung noo ko at binawi ko yung kamay ko nung nakalayo na kami kina Tyler.
"Alam mo ang tanga-tanga mo. Hindi ka ba nag-iisip?", naiinis kong tanong sa kanya. Napatingin ako sa kanya ng matalim at bigla siyang nag-sigh.
"I just want to help Michi, that's all. She asked me to kiss her when Tyler's in front of us. Gusto niyang makita kung mahal ba siya talaga ni Tyler.", sabi niya sa akin habang nakatutok sa aking mga mata. "I only kissed her in the side of her lips", dagdag niya.
Hindi ko siya mabasa. Anong pinapakita niya? Hindi ko na siya magets tsaka nakakainis na din 'to isipin. Napabugtong hininga na lamang ako sa sinabi niya. Kaya pala. May gusto din pala yung si Michi kay Tyler. Hay naku, mga torpe.
![](https://img.wattpad.com/cover/50809987-288-k22402.jpg)
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Nerd
Novela Juvenil(Once titled: Unordinary Nerd) Yung feeling na pinabayaan ka. Yung feeling na iniwanan ka. Yung feeling na hindi mo na gusto maranasan iyun muli. Siya ay isang nerd na hindi katulad sa iba. Sabi ng marami, nasa kanya na ang lahat. Fame, talents, loo...