Airene's POV
Umalis na kaming dalawa ni Liam at lumakd na kami patungo sa kotse niya. Napaisip nalang ako sa narinig ko kanina. Magkapatid pala sina Jairou at Adrian. Jairou Andrew Reyes. Jayvee Adrian Yang (also once Reyes). Bakit ngayon ko pa 'to naisip?
Tse! Nakakabwuset! Nakakabwuset! Bakit ngayon ko pa 'to nalaman?
Kaya pala, parang identical yung mga features sa mga mukha nila, kaya pala nandon siya sa paglibing nila Adrian. Nyeeh!!!!!! Nakakainis! Naiinis na ako nang naiinis.
"Ai!"
Pero bakit niya ako binubwuset? At bakit hindi 'to nakwento ni Adrian?!
"AI!", napasigaw si Liam kaya nakabalik yung kaluluwa ko sa Earth. "Sorry, kung napasigaw ako. Okay kalang ba Ai? Kanina ka pa nakakatulala", paconcern na sabi ni Liam sa akin. Napailing na lamang ako.
"Okay lang ako. May iniisip lang", napakamot ako sa ulo ko.
"Si Jairou? Alam ko ang tungkol dun. Magkaibigan kami nung elementary. Tsaka, half brother niya si Jayvee kaya akala ko na alam mo ang tungkol dun?", nagsimula na siya sa pagdadrive. Nakatingin lamang siya sa daan.
Alam niya ang tungkol dun? Bat hindi ko alam? Gaano ba ako hindi updated sa kapaligiran ko? Well, hindi naman po ako chismosa.
"Pero hindi ko nga alam eh. Itabi na natin yang topic na yan! San tayo pupunta? Libre mo naman ako ngayon, diba?", na-eexcite kong tanong ni Liam. Nakita kong nakangiti siya pero nakatingin lamang sa daan.
"Secret", cheap niyang sabi. Nawala naman yung excitement ko. Pero libre niya 'to! Ilang weeks na ang lumipas na hindi ako kumakain sa fast food. Nagtitipid kasi ako eh. Pero ngayon! Yipee, libre ni Liam.
Ilang minuto na ang lumipas at pinark ni Liam ang kotse niya sa tapat ng mall. I felt a little down. Lumabas na kami sa kotse.
"Akala ko secret, pero sa mall lang pala?", tanong ko. Nakita ko siyang ngumiti nanaman. Uso na ba yong ngumiti ngayon. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako.
"Hindi sa mall yung pupuntahan natin. Diba sabi ko sayo, secret?", nakakalokang ani niya. So, hindi pala sa mall yung pupuntahan namin? Eh asan?
Hawak pa rin niya yung kamay ko. Binawi ko na yung paghawak sa kanya nung tumapat na kami sa isang cafe. Secret Garden Cafe. Hay naku, kaya pala secret yung sinabi niya. Eh sa Secret Cafe naman pala kami pupunta. Malapit lang siya sa mall, ang cute ng cafe. Lalo na yung design niya sa labas.
Sa labas ng cafe, may mini garden. Yung kusang garden na may fountain na pinilibutan ng mga magagandang rare na bulaklak na kulay yellow, Dahlia Flower. Ang ganda nun. Boto ako sa designer dito. Yung fountain din may pahugis na puso sa pinakatop na may nakasulat na 'Secret'. At sa palibot ng fountain, may mga stands. Yung tipong stands na may payong sa ibabaw at may mga color orange na mga lamesa na may pares na mga heart shape na mga upuan.
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Nerd
Ficção Adolescente(Once titled: Unordinary Nerd) Yung feeling na pinabayaan ka. Yung feeling na iniwanan ka. Yung feeling na hindi mo na gusto maranasan iyun muli. Siya ay isang nerd na hindi katulad sa iba. Sabi ng marami, nasa kanya na ang lahat. Fame, talents, loo...
