24: Death

560 22 16
                                        

24: Death

Charlotte's POV

Nandito ako sa tapat ng operation room, umiiyak. Nakatitig lamang ako sa pintuan ng operation room na baka sakaling lumabas ang doktor at sasabihin niya sa akin na okay lang ang lahat. Okay na si Adrian at buhay siya.

Napaupo nalang ako sa silya na nasa tapat ng pintuan ng operation room. Nakayuko ako ngayon habang hawak-hawak ko yung panyo na ibinigay ng isang lalake na kamukha ni Adrian. Ipinunas ko yung mga luha ko gamit iyun. Ang basa na ng panyong iyun sa kakapahid ko ng mga luha ko.

Nakita ko sina Ate Lexsie at Tito Andu na nakaupo sa kabilang silya. Nandun din sila Arman, Patrick at Charles pati si Liam. Nakita kong umiiyak si Patrick at si Charles habang si Arman ay nagsesermon na hindi daw mawalan ng pag-asa. Mukha silang maingay pero para sa akin, para akong bingi. Hindi ko sila maiintindihan, wala akong naririnig.

Tumayo ako nang lumabas ang isang doktor galing sa operation room, tumingin ito sa amin habang nakayuko. "3:13 AM, April 15 20**. He's dead", sabi ng doktor.

Napatingin ako sa doktor na nakakunot ang noo. Nakita kong umiiyak ng lubusan si Ate Lexsie. Umiiyak na silang lahat. Tanggap na ba talaga nila na patay na siya?! Kasi ako, hindi!

"Hindi! Hindi siya patay! Hindi patay si Adrian!", napasigaw habang susuntukin ko sana ang doktor nang tinigilan ako nina Arman. "Hindi patay si Adrian!"

Itinulak ko sina Arman at Charles tsaka sumugod sa operation room. Hindi sana ako papasukin ng mga doktor at nars kaso wala silang magawa kasi itinulak ko sila. Nagbabaha na ang mukha ko sa luha.

"Adrian, gumising ka", nabiak na sabi ko sa kanya. Nakita ko yung mukha ni Adrian na may paso sa gilid na nakapikit ang mata. "Please sabihin mong natutulog ka lang", umiiyak kong sabi sa kanya.

Naghihintay ako na baka gumising siya tsaka may himala na mangyayari katulad sa mga nangyari sa mga pelikula at telenobela. Pero hindi siya umimik. Nakita kong namutla yung mukha niya. Hinawakan ko yung mga malamig na kamay niya. "P-Please don't let go"

Pero wala na. Wala ng laman ang katawang ito. Wala na siya. Wala na si Adrian. Iniwan na niya ako. Tinititigan ko yung mukha ng taong pinakamamahal ko. Patuloy lang sa pag-agos yung luha ko, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Adrian.

"A-Adrian", nauutal kong sabi. Feeling ko ilang sandali, matutumba na ako sa kahinaan na nararamdaman ng katawan. "Diba sabi mo hindi mo ako iiwan? Diba pingako mo yun sa akin? Diba? Akala ko bang.... sabay tayong gagadruate? Akala ko bang magpapakasal pa tayo at magkaroon ng sariling pamilya? Akala ko bang tatanda tayo magkasama?", umiiyak ako. Naiinis ako! Kayrami niyang pingako sa akin tsaka iiwan niya ako! Ang unfair naman niya!

"Adrian, please wag mo akong iiwan. Please don't let go. Wag mo akong iiwan. Magpapakabait na ako kung gusto mo, mag-aaral ako ng mabuti sa pagluluto para makatikim ka ng luto ko na masarap. Please wag mo akong iiwan. Wala nang mokong na mangungulit sa akin. Please...", pagpapakawa kong sabi habang nakatingin sa mga nakapikit na mata ni Adrian.

Hinila ako ni Liam palayo kay Adrian. Hinigpitan ko lalo ang paghawak sa kamay ni Adrian, "Ai! Wala na si Adrian! Please, tanggapin mo na!"

"H-Hindi. Hindi siya patay! Buhay pa si Adrian, Liam!", sigaw ko sa kanya. Hindi ko matatanggap na wala na si Adrian! Hindi ko kaya kung mawala siya! Nakita kong lumapit si ATe Lexsie sa akin. Niyakap niya ako ni Ate Lexsie na sobrang higpit.

"Hindi ko rin makapaniwala na wala ni si Adrian. Wala na yung kapatid ko. Pero Airene, ito ang katotohanan. Wala na siya. Kahit ang sakit para sa ating damdamin", pinahiran ni Ate Lexsie yung mga luha ko. Nakita kong umiiyak din siya.

"Hindi patay si Adrian! Buhay siya. Natutulog lang siya, diba? Diba?!", tumingin ako kay Adrian tsaka ngumiti ako, fakely. "Adrian, gumising ka na kasi. Hindi mo naman ako iiwan, diba?", napiyok ang boses ko na nagsasalita.

"Adrian..... Adrian", ilang sambit ng pangalan niya ang nagawa ko. Pero hindi parin siya umimik. Wala na. Wala na talaga siya. Hindi ko na kaya. "Adrian, please gumising ka----", tsaka natumba ako. Then everything went black.

****

Idinilat ko yung mga mata ko at nakita kong nasa kwarto pala ako. Namatay si Adrian. Umiling ako, hindi! Panaginip lang ang lahat!

May nakita akong black dress na nakasalabit malapit sa pintuan ng kwarto ko. Kinuha ko ito at may nakita akong sticky note, "Suotin mo 'to"

Isinuot ko naman iyun at pumunta ako sa labas. May nakita akong mga tao na nakaitim din. Meron bang lamay? Dali-dali akong bumaba nang nakita ko yung mga kamag-anak ko na umiiyak. Nang nakita ko kung sino ang patay, napaluha ako.

Rest in Peace

Ma. Chandy Chua

Ayan Marcos Chua

Oo nga pala, hindi panaginip ang lahat. Totoo ang lahat. Namatay na sila Mama at Papa. Tsaka siya. Yung taong pinakamamahal ko, wala na siya.

Iniwan lamang nila ako! Iniwan! Wala talagang magtataggal dito sa mundo! Lahat sila PAASA! Nangako sila na hindi nila ako iiwan, kaso ano ang ginawa nila? Iniwan lamang nila ako!

Sunday na. Ililibing na sila. Nandito lamang ako sa kwarto ko nagmumok. Umiiyak pa rin. Namamaga na yung mga mata ko sa kakaiiyak. Hindi ko talaga matanggap na namatay na si Adrian.

Wala na talaga siya. Iniwan na niya ako. Bakit ganito kahirap ang buhay? Bakit iniwan niya ako? Bakit iniwan nila akong mag-isa? Hindi ba nila ako naiintindihan?

Hind ko na alam ano ang nangyari, basta ang alam ko lang ang nandito na kami sa cementery. Umiiyak yung mga tao at ang iba naman inicomfort yung iba. Hindi ko na alam ano ang gagawin. Kung iiyak ba naman ako o hindi.

Nakatingin lamang ako sa lapida nila Mama at Papa. May hawak akong payong, umuulan kasi eh.

"Ma, Pa. Sana maging masaya kayo sa heaven. Iniwan niyo na akong mag-isa dito. Hindi ko na alam ano ang gagawin, Ma, Pa. Bantayan niyo po ako ah diyan sa langit. Mahal na mahal ko po kayo", sambit ko habang hinaplos ko yung kamay ko sa mga lapida nila. Umiiyak nanaman ako.

Pinahiran ko yung mga luha ko tsaka pumunta sa libingan ni Adrian.

Jayvee Adrian Yang

"Hi Mokong", lumuhod ako sa tapat ng lapida niya. Pilit akong ngumiti kahit naluluha na ako. Tinititigan ko yung pangalan niyang inukit sa kanyang lapida.

" Alam mo ba? Nakakainis ka. Ikaw pa nga tong nangako ikaw pa 'tong nang-iwan. Kung nandito ka ngayon, hindi ako mangangalawang isip na suntukin ka.", I said in a calm tone. Pilit akong tumawa. "Alam mo, ang drama ko ngayon. Di ko na alam ano ang gagawin. Miss na ng kita eh"

Biglang tumulo yung mga luha ko. Pinahiran ko ito. "Wag kang mag-alala. Hindi ko naman ata kayang magsuicide para sumunod sayo. Pasalamat ka matalino ako, iniisip ko. Matutuwa ka ba kung susunod ako sayo? Wag kang mag-alala Adrian ha? Tutuparin ko yung mga pangarap natin para sayo. Yung maging animator? Diba? Tandaan mo pa?", hindi pumigil ang aking mga mata sa pagluha. Nakakainis na nga eh.

"Mokong, mahal na mahal na mahal na mahal kita.", bigla akong tumawa. "Kung nandito ka ngayon, alam kong babatukan mo ako ngayon dahil OA ko na"

Tumulo yung mga luha ko at pilit ko itong pinahiran. Ang sakit na nga 'tong mga mata ko. Biglang may taong nagbigay sa akon ng panyo. Inabutan niya ako.

Tiningnan ko yung mukha niya. May kahawig siya kay Adrian. Kapareho silang mga mata tsaka yung ilong at bibig niya. May pinag-ibahan lang sila ni Adrian. Meron siyang mole sa kanya malapit sa kilay.

Kinuha ko yung panyo, "Salamat", yun lang ang nasambit ko sa kanya. Pinahiran ko yung mga luha ko tsaka tumayo na ako. Biglang tumalikod ang lalake tsaka umalis. Tinititigan ko yung likuran niya.

Nung ibabalik ko na sana yung panyo niya, may nakita akong pangalan sa kanyang panyo, Jairou

Napatitig nalang ako sa panyo at nang binalik ko yung pansin sa lalake. Bigla itong nawala. Tumingin ako pabalik sa lapida ni Adrian. "Paalam, Adrian. Mahal na mahal kita"

Not An Ordinary NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon