30: She's Cute?
Jairou's POV
"RIN!!", napasigaw ako nung bigla siyang bumagsak na nakapikit mata. Without noticing, I already catched her in my arms. Nung hinawakan ko yung katawan niya, shet ang init niya!
What a stupid girl
Binuhat ko nalang siya papunta sa may parking lot. Shet, anong gagawin ko? Hindi naman ata pwedeng sumakay ang tao sa motorbike na tulog, diba?
Pinaupo ko siya sa may upuan sa kilid. Okay, what to do? Napatitig nalang ako sa mukha niyang parang ang inosente, yung glasses niya na nasa ilong niya at ang mga mata niyang nakapikit. Eh? Maganda pala tong babaeng ito kung titigan.
Dinial ko si Patrick, yung kaibigan ko. Magpakuha nalang kami sa kanya.
"Hello bro? Anong problema?"
"Pat, puntahan mo ako sa may parking lot sa bar na palagi nating pinupuntahan. Gusto ko sanang magpahatid sayo papunta sa condo ko"
"Hah? Diba may motor bike ka?"
"Eh may kasama ako eh. Nacollapse siya kanina. Ang taas ng lagnat niya bro", nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
"Ohh.. sige na nga eh. Hindi naman kita matanggihan", sabi niya tsaka binaba ko na yung tawag.
Magkaibigan kami nila Patrick, Charles, Arman tsaka yung kapatid ko na si Jayvee simula nung mga bata pa kami. Kaming apat yung palaging nagsasama. Kaso bigla akong umalis sa Maynila for some important matters. Wag nalang kayong magtanong. Bawal eh.
At nung nalaman ko na nawala na pala yung half-brother ko, agad akong bumalik dito sa Maynila. Hindi nga ako nakapaniwala eh. Na wala na pala yung kapatid ko. Sobrang close kami ni Jayvee noon. Best friend na kapatid ko nga siya. Kung may problema siya, ako ang palaging tatakbuhan niya.
Pero nung nalaman ko na hindi ko talaga kaano-ano yung mga taong kinupkop ako, sobra akong nasaktan dun. Anak ako sa asawa ng kapatid nila Tito sa labas. Kaya hindi nila ako kaano-ano. Inampon kami ni Jayvee sa tiyuhin niya.
Ganito kasi yun, sabi ni Tito, yung ina ko daw nabuntis sa isang lalake. At ako ang laman nun. Kaso nung nalaman ng lalake na nabuntis yung ina ko, iniwan yung ina ko ng lalakeng nakabuntis sa kanya. Pero, merong boyfriend yung ina ko sa mga puntong iyun. At siya yung ama ni Jayvee. Siya yung sumagot sa lahat ng gastusin.
Pagkatapos kong naanak, nabuntis nanaman yung ina ko sa boyfriend niya este asawa niya. At ang bunga dun ay si Jayvee. Nung nag three years old na ako habang si Jayvee ay dalawang taon pa lang, namatay daw yung mga magulang ko. Kaya kinupkop kaming dalawa ni Jayvee sa kapatid ng ama niya.
At nung nalaman ko ang lahat ng ito nung 14 years old pa ako, nasaktan ko. Sobra, hindi ko pala sila kaano-ano. At dahil sa fact na iyun, nainlove ako sa pinsan ni Jayvee na hindi ko kaano-ano, si Ate Lexsie. Natuwa ako dahil hindi kami magkaano ni Ate Lexsie, simpleng magkaibigan lang kami. Hindi kami magkaparehas ng dugo. Kaya natuwa ako dahil may chance ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Nerd
Teen Fiction(Once titled: Unordinary Nerd) Yung feeling na pinabayaan ka. Yung feeling na iniwanan ka. Yung feeling na hindi mo na gusto maranasan iyun muli. Siya ay isang nerd na hindi katulad sa iba. Sabi ng marami, nasa kanya na ang lahat. Fame, talents, loo...
