29: Was Blackmailed AGAIN!

514 24 2
                                        

29: Was Blackmailed AGAIN


Airene's POV


Pumasok ako ng maaga para tapusin yung paperworks ko para sa SC. Naiinis na kung naiinis, kailangan ko yun tapusin ngayong araw na 'to para makasama ako sa outing ng mga staffs ng cafe next Sunday.


Habang lumalakad ako sa halls, nakita ko si Cassie na naglalakad din at nakajogging pants siya. Nung nakita niya ako, nagwave siya sa akin.


"Airene!!!", sigaw niya kaya tumigil ako sa paglalakad. Hinihintay ko siya.


"Uy, bat ang aga mo ata ngayon ah?", tanong ko sa kanya habang nakapamewang. Hindi kasi 'to maaga pumapasok eh. Nagpout naman yung bestfriend ko.


"Alam mo naman ata yun, diba? Ako na kasi yung captain ng mga cheerleader squad at---"


"Responsibilidad mo ang maging maaga para sa inyong practice.", itinapos ko yung pagsasalita niya habang pinopoint ko yung finger ko sa itaas. Tiningnan naman niya ako ng masama.


"Alam mo naman eh! Bat ka pa kasi nagtatanong?"


"Wala lang. Miss na kasi kitang asarin eh", walang ganang sagot ko habang half closed yung mga mata ko. Bigla niya akong niyakap. "C-Cass"


"Ikaw kasi eh. Inaatupag mo na kasi yung work mo eh. Hindi mo na ako pinapansin", pumigil siya sapagyayakap tsaka tumingin sa mga mata ko. "Alam kong may problema ka. ANo yun?"


E-Eh? Halata na ba?


"Wala naman akong problema eh", umiwas ako ng tingin. Oo, may problema ako. Yung saamin ni Jairou, yung para sa festival next month at yung pera ko. Hindi kasi kakasya eh para sa next project ko. Mag-overtime nalang ako. Sasali nanaman ako sa gig nila Raine.


"Tungkol ba 'to sa pera?", simpleng tanong niya. Yumuko ako. Out of money na ako ngayon. Meron akong pera pero para sa pagkain nalang yun. Nabayaran ko naman yung sa renta tsaka yung para sa electricity at tubig. Pero.. Wala na akong pera para sa next project namin.


"Gusto mong pahiramin kita?"



"Hindi na. May gig naman ako mamaya kasama yung mga pinsan ko", tinututukan niya ako sa mata. At hindi ako mapakali. O-kay? Anong iniisip niya?


"Bukod pa dun, may ibang problema ka diba?"


"H-Hah? W-Wala noh!", umiwas ako ng tingin. Kahit anong gawin ko, malalaman din niya at malalaman ano ang iniisip ko.


"Spill it Airene"


Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa amin ni Jairou. Bwuset talaga yong unggoy na yun! Kahit anong sulok ng parte ng katawan niya, walang maganda sa kanya. Puro siya ng kapestihan.

Not An Ordinary NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon