31: Trip to the Beach

543 28 1
                                        

31: Trip to the Beach


Airene's POV


"Rin! Tara na sa van!", sigaw ni Ate Sasha kaya tumakbo na ako patungo sa van na sasakyan namin. Pupunta  kami sa dagat ngayon at excited na excited na ako. Simula nung nawala na ang mga magulang ko, hindi na ako gaanong nakakapagpasyal.


Inalagay ko yung bag ko sa likuran ng van at pumasok na sa loob. Ang pagbukas ko nahulog ang aking panga sa gulat. Bakit siya nandito?


"Ate Sasha? Bakit nandito si Jairou?!", naiirita kong tanong sa kanila. Bakit siya nandito? Hindi naman siya nagtatrabaho sa cafe ni Ate Sasha diba? At isa pa, ayokong makita yang pagmumukha niya.


"Ah? Si Jairou? Ininvite ko nalang siya bilang pasasalamat sa pagluto ng mga ibang dishes natin kahapon. Bakit? Ayaw mo bang makasama yang boyfriend mo?", walang malisyang tanong ni Ate Sasha. Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.


"Ate Sasha! Hindi ko po siya boyfriend!", sigaw ko sa kanya at pumasok na ako sa van. Graaah! Nakakainis!


"Okay. Sabi mo eh", natatawang sabi ni Ate Sasha habang nilalagay niya yung mga bagahe namin sa likuran ng van. Tch. Umupo na ako sa pinakaunang row na mga upuan ng van habang yung si Jairou nasa pinakalikuran. Ayokong makatabi siya noh. Nakakainis kasi yang pagmumukha niya.


Tumingin nalang ako sa bintana na nasa kiliran ko. Bigla kong kinuha ko yung glasses ko at pinahiran ito. Tinititigan ko nalang 'tong eyeglasses na ibinigay ni Adrian sa akin noon. Hay naku, miss ko na siya. Napangiti nalang ako ng mapait nang naalala ko yung mga bagay tungkol sa kanya.


"Yo Kaichou!"


"AHHHH!", bigla kong nahagis yung eyeglasses ko. Nagpanic ako at sinalo ito. Tumingin naman ako sa taong tumabi sa akin ng masama.


"Jairou! Dun ka na sa likod! Bwuset ka. Paano na kung mahulog ito at mabasag!", sabay tulak sa kanya palayo pero hindi man siya umisog.


"Edi papalitan ko", simpleng sagot niya habang sinuot ko pabalik yung glasses ko.


"Hindi mo 'to mapapalitan! I-Importante to sa akin.", mahinang sambit ko habang nakayuko. Nabalik yung kaluluwa ko nung narealize ko na katabi ko pala itong si Jairou. Tinulak ko siya palayo.


"Wag kang tumabi sa akin. Dun ka na sa likod!", mas tinulak ko siya ng malakas pero hindi pa rin siya umisog. Napakunot nalang yung noo ko. "Bat hindi ko dun sa kabila umupo?! Ayokong makatabi ka!"


"Wala ka nang choice Rin. Dito ako pinaupo ni Ate Sasha", sabi niya tsaka umiwas ng tingin. Bwuset pala 'tong si Jairou na 'to. Bigla akong tumayo.


"Edi ako nalang ang aalis", sabi ko sa kanya at bigla na niya akong hinila at napaupo ako pabalik.


"Jairou! Ano ba?!"


"Puno na ang van. Hindi ka na makakalipat. Dito ka sa tabi ko. Dito!", nakasimangot nalang ako nung nakita ko na wala talagang bakante at nakaupo na ang lahat. Bakit siya pa yung makakatabi ko.

Not An Ordinary NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon