10: Im'ma Nurse
Patuloy po ninyo!
-
Jayvee's Point of View
Argghhh. Ang sakit ng ulo ko. May lagnat ata ako ngayon. Si Charlote kasi eh! Nagpahabol pa sa ulan. Teka, umabsent kaya yun? May lagnat kaya siya? Okay lang ba siya.
"Teach me how to kiss"
Haha. Yung sinabi niya ang epic. Hindi pala siya nakaget over sa sinabi kong hindi siya marunong humalik. Grabe naman siya. Selosa naman siya ah.
Teka, bakit ko siya iniisip? Hmmmm.. Wala lang yun. At bakit ako nag-alala sa kanya? Bahala na.
Kinuha ko yung cellphone ko at dinial si Charles.
"Hello Charles?"
[Oh, Jayvee.. Napatawag ka? Asan ka na? Magsisimula na ang homeroom]
"May lagnat ako at nagpadala na din ako ng excuse letter. Pwede bang humingi ng favor?"
[Ha, ano?]
"Pwede bang pakibantayan si Charlote este si Airene? Baka kasi may mangyari sa kanya"
.
Tumawa si Charles. [Haha. Grabe ka naman ka overprotective. Kita ko siya dito, nagbabasa lang at walang pake sa mga tao dito. Hindi man siya umimik] tumawa pa rin siya. Napangiti naman ako sa sinabi ni Charles. Ahh.. Hindi pala siya maiingay kung wala ako.
"Oh siya siya, ikaw na ang bahala sa kanya- *achoo*. Basta ikaw na ang bahala ah. Bye", sabi ko na hinawakan ko yung ilong ko. Ang pula ng ilong ko ata.
At binababa na niya. Hay naku naman. Sa totoo lang... Parang matatalo ako sa bet namin. Parang nahuhulog na kasi ako sa kanya. Ang problema lang paano ko to palapasin ittong bet namin. Ang tanga ko kasi eh. Humiga na lang ako sa kama at natulog.
After 7 hours......
*Kringgg
*Kringg
*Kring
*Kring
*Kring
Bumangon ako dahil sa cellphone kong hindi man marunong umintindi na natutulog ako at ang sakit sakit ng ulo ko. Tiningnan ko ang cellphone ko ng masama. Nakakainis. Ang ganda kaya ng panaginip ko.
Charles calling.......
"Hello Charles, may prob----"
[ JAYVEEE! SI AIRENE!] sumigaw ang tanga. Ang sakit naman ng tenga ko. Ano ba ang guso niya? Teka..
"Si Charlotte? Anong nangyari sa kanya?"
[Nakita ko siya na pumasok sa sasakyan ni Ivan! Yung palaging kasama niya sa Journalism Club]
"Ha? Asan sila pupunta?", nagpapanic ako. Baka may date sila? Bakit parang apektado ako? W-Wala akong pake dun. Pero bakit parang gusto ko siyang puntahan?
[Sinusundan ko sila.... Teka..----]
"Wag ka nang magmaangmaangan! Pupuntahan kita."
Ibinababa ko yung cellphone ko at tumakbo at kinuha ko yung susi ko at lumabas.
"Adrian! Teka! Asan ka pupunta? Diba may lagnat ka?", sigaw ni Ate sa akin. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa labasa at pinandar yung kotse ko. Feeling ko parang nawala yung lagnat ko. Pinatakbo ko yung kotse ko na sobrang bilis
Nakita ko si Charles na nakasandal dun sa may kotse. Parang naprapraning din siya at biglang ngumiti. Tumingin ako sa paligid.
"Grabe.. Ang bilis mo a. 2 mins pa lang ang lumipas nandito ka na",tumawa siya. Hindi ko siya pinansin.
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Nerd
Teen Fiction(Once titled: Unordinary Nerd) Yung feeling na pinabayaan ka. Yung feeling na iniwanan ka. Yung feeling na hindi mo na gusto maranasan iyun muli. Siya ay isang nerd na hindi katulad sa iba. Sabi ng marami, nasa kanya na ang lahat. Fame, talents, loo...
