14: Di Ko Matiis!

981 32 4
                                        

14: Di Ko Matiis!





Airene's POV





Hay alam niyo ba, iniiwasan ako ng mokong na yun. Tagalalapit ako sa kanya, tatakbo. As in na sobrang bilis. Tagatitigan ko siya, namumula. Tagasasalita ako sa kanya, sisigaw siya ng "WAG MO AKONG KAUSAPIN! ASDFGHJKL NA AKO SAYO!", tsaka tatakbo nanaman siya. Hay naku. Iniiwasan niya ako.







Then I think I feel lonely... lonely without him.







Tss! Anu ba 'tong sinasabi ko?! Grr.. ialis niyo sa kukuti niyo yang sinabi ko kanina. 







Simula na ng training camp namin, palagi niya akong iniiwasan. Para sa hindi alam, nagtetraining camp kami ngayon kasama ko yung mga gago galing sa Student Council. Nakakainis nga eh! Ang gulo nila at may kasama din kaming hindi taga-KSU. Kasama namin yung mga Student Councils ng University of the Philippines (UP), Lopez All Girl's University (LAGU), at yung rival ng university namin... Las Antonio University (LAU). Nakakaasar yung mga yun! Lalo na ng President nila! Minamaliit nila kami eh!





"Nakakainis talaga yun! Palagi niya akong iniiwasan! Tss!", reklamo ko.





"Hay naku, Aichot. Hindi ko alam anong gagawin sayo.Parang... unti-unting nahuhulog ka na sa kanya.", sabi ni Ian sa akin na nakaduko.



"Hindi! Hindi na hindi yan mangyayari! At tsaka hindi pwede!", umiling-iling kong sabi. Hindi na hindi ako mahuhulog sa mokong na yun! Ayoko sa pag-ibig! Sakit ang dulot nun! Tsaka hindi pwede!





"Eh.. Why are you acting like one?", mahina na sabi ni Ian sa akin.





"Ha? Bakit mo yun na sabi? Alam mo na Ian na---"





"Tumigil ka na nga Aichot! Ang manhid mo! Hindi mo talaga alam? Eh bakit ka nagseselos sa kanila ni Diana? At bakit ka naiinis pa hindi ka pinansin? AT namimiss mo pa siya? Hay naku Aichot! Alam mo ba, sumuko na ako sayo. Pero kailangan mong ilaya ang sarili mo sa pagiging Anti-romantic love na yan!", sabi ni Ian sa akin. Sige na nga, sia na ang may maraming nasabi. Parang siyang babae. Siya na.





"Hindi ko.. hindi ko Kaya! Ayoko! Ayoko!--", hinawakan ni Ian ang balikat ko at tiningnan ako istraight sa mata.





"Airene! Wag mo ngang lokohin ang sarili mo!", sigaw niya sa akin. It's been a long time since he called me Airene. "Ang tanga mo! Ayokong masaktan ka pero ayoko din na lokohin mo lang ang sarili mo!"







"Hah? Ano bang--"





"Your in love with him! Hindi mo lang matanggap ang katotohanan!---", sigaw ni Ian sa akin. "--- sana pwedeng ba ako nalang?", napaiyak si Ian. Eh?





Hindi ako in love kay Adrian! Hindi!  Hindi na hindi! Tsaka, ayokong mainlove sa kanya. Palayain ko ang sarili ko ang pagiging ANTI-ROMANTIC LOVE ko? Paano na kung masaktan ako? Paano na? Hindi ko alam anong gagawin ko. Sabi na nga ba eh, nagpapagulo lang ang pag-ibig sa buhay natin!





Umiiyak pa 'tong si Ian. Nasaktan ko siya. Hindi, nasaktan siya dahil sa pag-ibig.



"Aichot, susuko na ako sayo. Susuko ako hindi para sa sarili ko, kundi para sayo. Para maging malaya ka na sa sarili mo at mahalin yung taong yun. Okay lang, hahanap pa ako ng mas better sayo. Nababakla na ako eh.", sabay punas niya ng luha at ngumiti. Ningitian niya lamang ako? Ang tapang niya.

Kahit nasasaktan siya, nagawa pa rin niyang ngumiti.. Ngumiti para sa akin. Sana ganyan din ako.



Hindi dapat ako mainlove sa mokong na yun. Ayoko kasing masaktan. Kasi lahat ng ginagawa niya ay para sa bet at hindi para sa akin.



Not An Ordinary NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon