35: Try
Airene's Point of View
Buo na ang desisyon ko. I will give it a try. Masaktan ako ulit o hindi, I will give it a try. Again. Pero paano kung sobrang selfish na ako sa mga desisyon ko? At sa huli, maraming tao akong masaktan?
Oh lord, please help me how to choose the right decisions.
Napabugtong hininga na lamang ako habang nakatingin ako sa ceiling sa kwartong kinahihigaan ko. Ang lalim pa rin ng mga iniisip ko.
"Bakit hindi ka makapaghintay? Bakit Charlotte?"
Bigla kong naalala yung sinabi ni Adrian sa akin sa aking panaginip. Bakit hindi pa rin niya ako ipaubaya? Diba wala na siya? Wala namang pag-asa diba? Wala na siya diba?
And why bakit palagi akong naghohold on? Na alam ko naman talaga na wala na talaga akong pag-asa na makita siya muli. Kasi wala na siya. Wala na siya sa mundong ito.
Aish. This is making me crazy.
Haayy, I hope you're here Adrian. I hope you're here. I madly miss you.
Napatayo na lang ako bigla. Argh, Airene. Dapat hindi ka dapat mag-emote dyan ng emote eh. Nasobraan ka na sa pagka OA mo!
Oo alam ko. Dapat ko na 'tong tinigilan. Dapat lang talaga. Napailing-iling ako at lumabas sa kwartong kinatatayuan ko.
Nabigla ako nung nakita ko si Jairou na nasa labas ng kwarto ko. Nakatitig lamang siya sa akin wearing that sad look. I looked away, ayokong makita siya ng ganito. Please lang, nahihirapan ako.
"Airene"
I took a deep breath, "Anong kailangan mo Jairou?"
"Airene", at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nabigla ako dahil sa ginawa niya. Napahawak na lamang ako sa shirt niya.
"J-Jairou, bitaw."
"Please. Give me a chance Airene. Please.", he said in a very sad and sincere tone. Napapikit ako sa aking mga mata. Hindi ko alam ano ang sasabihin ko.
"But Jairou... ayokong masaktan ka.", nahihirapan kong pagsambit ng mga salita na yun. Bigla niyang hinihiwalay yung pagyakap sa akin at hinawakan yung mga balikat ko. "I mean, w-we just met. Hindi mo pa ako gaanong kilala. Hindi rin kita kilala."
Tinititigan niya yung mga mata ko at ngumiti. "Kung yun lang pala ang problema, pwede naman nating kilalanin natin ang isa't isa eh. We can date many times as you want para makilala natin ang isa't isa. It's simple. I can wait you know. Handa akong maghintay."
Lalong nagdry yung lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Ano bang gagawin ko? Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanyang mga mata.

BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Nerd
Teen Fiction(Once titled: Unordinary Nerd) Yung feeling na pinabayaan ka. Yung feeling na iniwanan ka. Yung feeling na hindi mo na gusto maranasan iyun muli. Siya ay isang nerd na hindi katulad sa iba. Sabi ng marami, nasa kanya na ang lahat. Fame, talents, loo...