25: Panyo

586 21 8
                                        

25: Panyo

Airene's POV

Tatlong linggo na ang lumipas at nandito ako sa bahay nakahiga pa sa kama ko. Hay naku, ang boring ng buhay ko ngayon. Tumingin ako sa maliit na picture frame na nasa gilid ng lamesa ko.


Ang nasa litrato na iyun ay ako at si Adrian na nakaakbay at kumakain ng lollipop. Napangiti nalang ako ng mapait. "Good morning mokong"


Naligo na ako at bumaba na at pumunta sa kusina. Nakita kong nandito sina Tito at Tita tsaka yung  pinakamabait na pinsan ko, si Princess. Tss. Please note the sarcasm.


Nung bumaba na ako, nakita kong nakatitig si Tito sa akin na parang may kasalan habang si Tita ay nakatingin sa akin na parang naawa. Ano bang meron sa mukha ko?


At nung tumingin ako kay Princess, nakatitig siya sa akin na may masamang balak, nakangiti pa nga ang bruha. Inirap ko siya.


Umupo ako sa tabi ni Princess. Tumingin ako kay Tito at tinanong kung ano ang problema. Bigla siyang pumikit tsaka tumingin sa akin with his cold eyes. Napalunok ako dun. Hind ko alam kung bakit ako kinakabahan.


"Pack your things, Airene. Your leaving this house today", malambing na sambit ni Tito Christer sa akin. Nakita kong ngumiti si Princess.


"Huh? What do you mean, Tito?", nauutal kong tanong. Hindi ko siya naiintindihan. Bakit ako aalis ng bahay?


"I said your leaving today!", mariin niyang sigaw sa akin.


"Christer! Calm down!", sigaw ni Tita kay Tito. Hindi ko sila naiintindihan. Bakit ako aalis ng bahay na bahay ko naman ito?


"Wag ka ngang umepal Mae! Aalis tong babaeng ito sa pamamahay ko!", tumingin si Tito sa akin na may masamang tingin. "This is not your house anymore, young lady. Aalis ka sa bahay na ito."


"Po? Ano po bang ibig sabihin nito, Tito? Bahay ko po to. Bakit niyo po ako paalisin?", painosenteng tanong ko sa kanya.


"Simula nung namatay yang mga gago mong mga magulang, amin na 'tong bahay na ito. As far as I remember, sabi ng papel na ibinilin ng mga magulang mo ay ang lahat na pagmamay-ari nila ay mapupunta sa amin. Aalagaan ka lang namin. Yun lang ang nakalagay dun.", tumingin si Tito sa akib na nakataas kilay. Bigla akong tumayo dahil naggalit ako sa mga sinabi niya.


"Hindi mga gago yung mga magulang ko!", napasigaw ako sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama.


"Yaya! Kunin mo lahat ng mga gamit ng babaeng ito sa kwarto niya, pakilagay nalang sa labas.", sigaw ni Tito sa mga katulong namin. Napatingin si manag Rose sa akin. Parang naluluha yung mga mata niya. Bumalik sa akin yung tingin ni Tito sa akin.


"Ito lang ang maiibilin ko sa iyo, Airene. Bibigyan ka namin ng 5000 pesos kada buwan para sa mga gastos mo at sa pag-aaral mo? Wag kang mag-alala, kami ang magpapaaral sayo hanggang makatapos ka. May nakahandang condo na sa iyo. Ako ang magbabayad sa isang buwan mo dun. Tsaka sa susunod na mga buwan?, ikaw na ang bahala dun", nakatingin siya sa akin habang nakataas yung mga kilay niya. Napalaki din yung mga mata ko sa sinabi niya.

Not An Ordinary NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon