33: Beach {2}
Airene's POV
"Ate Sasha, sorry po!", sigaw ko sabay yuko. Pinayuko ko din si Jairou habang hawak yung ulo niya. Nakabiak si Jairou ng salamin eh.
"Okay lang yun Rin, basta okay ka na", mahinang sabi ni Ate Sasha kaya napayuko na lang ako. Kung hindi lang ako mahina at nalabanan ko yung rapist na yun, hindi ko sana kailangan yung tulong ni Haiden.
"Sorry Ate Sasha, I broke the glass without thinking nung nakita ko na si Rin na nakahiga na pinatungan ng bastos na lalakeng yun", paumanhin ni Jairou. Napasigh nalang si Ate Sasha tsaka may binulong siya kay Haiden.
"Sige na. Ako na ang bahala dito. Punta na kayo sa villa, matulog na kayo", tinulak kami ni Ate Sasha palabas ng cafe.
Yung mangrape sana sa akin ay napunta na sa kulungan. Ang sabi ng mga pulis ay nakadroga daw yung lalakeng yun. And I find it really weird, ang lakas niya. Hindi ko nga yun natalo eh.
Lumakad na kaming dalawa ni Haiden sa gilid ng dagat. Napasigh nalang ako nung naalala ko yung nangyari kanina.
"Are you okay?", biglang tanong ni Haiden sa akin. Lumingon ako sa kanya at nakita ko agad yung sincere niyang mukha. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango.
"I'm fine. Tsaka, salamat kanina. K-Kung wala ka dun, h-hindi ko na alam ano ang gagawin ko", mahina kong sabi sa kanya at nauutal.
"Akalain mo yung PERFECT kuno na Student Council President ay marunong palang matakot at umiyak", natatawa niyang sabi. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Like what the?
"Tse! Tao din ako noh!", sigaw ko tsaka tumakbo na paloob ng villa. Matulog na nga.
----
"Aireeeeeeeeeneeeeeeeeeee!", may narinig akon sigaw sa labas kaya napatakbo naman ako dun.
"Anong meron?... Ah Tyler, anong kailangan mo at napasigaw ka?", tanong ko nung nakita ko si Tyler sa labas ng villa. Kaaga-aga, nagsisigaw sa labas. Inaantok pa kaya ako.
"Airene please be my partner! Please be my partner in the Beach Party", sigaw niya habang hawak yung dalawang kamay ko
"Ano? Eh bakit? Tsaka Beach Party? Ano bang meron?", naguguluhan kong tanong sa kanya. Napahinga siya ng maluwag at ready na mag-explain.
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Nerd
Ficção Adolescente(Once titled: Unordinary Nerd) Yung feeling na pinabayaan ka. Yung feeling na iniwanan ka. Yung feeling na hindi mo na gusto maranasan iyun muli. Siya ay isang nerd na hindi katulad sa iba. Sabi ng marami, nasa kanya na ang lahat. Fame, talents, loo...
