27: Sino ka ba talaga?

518 21 1
                                    

Airene's POV



"Charlotte!", nagkangiting sambit ni Adrian. Tumakbo siya patungo sa akin at niyakap ako.


Teka, totoo ba 'to? Bat siya nandito? D-Diba wala na siya?


Nakaramdam ako ng saya sa dibdib nung nalaman ko na niyakap niya ako ng mahigpit. Halos umiiyak na ako dahil sa saya at lungkot. Nandito na siya.


"A-Adrian", mahina kong sambit habang umaagos yung mga luha ko. Bumitaw siya sa pagyakap sa akin at pinunasan yung luha ko. Napangiti nalang ako sa kanya. "H-Hindi mo na ako iiwan diba?"


"C-Charlotte, oo. Hindi kita iiwan. Pero, sorry Charlotte. Hindi naman kita iiwan eh. Nandyan ako sa puso mo, palagi. Pero kailangan kong umalis", malungkot niyang sambit habang biglang nagfafade away yung katawan niya. Halos sumirit na yung luha ko nung alam ko na parang mawawala siya.


"H-Hindi! ADRIAN! ADRIAN!!!!!!", sumigaw ako. Gusto ko pa siyang kausapin, gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin. Nag-aakmang yumakap ako kaso wala. Yung mukha niya nandun parin, nakangiti sa akin. Kaso hindi ko siya mahawakan.


"Charlotte, smile. Be happy for me, ah?", at nawala na yung mukha niya.


"ADRIAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!"


RING... RING... RING... RING...


Binuka ko yung mga mata ko. Sumulyap ako sa paligid at ang alam ko ay nasa condo ako. Napakapa ako sa mukha ko at nalaman ko na basa na iyun. Dumilat ako sa may orasan at 5:00 AM na.


Panaginip lang pala ang lahat. Pinunasan ko nalang yung mga luha ko.


Charlotte, smile. Be happy for me, ah?


Dinig na dinig ko pa din yung boses niya na sinabi niya iyun. Paano ako makasmile kung wala siya. At paano ako sasaya kung namatay siya? Isn't unfair? Sasaya ako habang siya, wala na dito sa mundong ito?


Adrian, pinahihirapan mo ako.


Dahil sa lungkot, parang wala na akong gana para pumasok pa. Ang hina ng katawan ko. Hindi ko na alam ano ang gagawin eh. Pinahihirapan mo ako Adrian eh. Palagi ka nalang pumapasok sa mga panaginip ko. Hindi ko alam kung bangungot ba yun.


Please, wag mo na pang uulitin na lang na uulitin na ipagmumukha mo sa akin na wala ka na.


Airene! Kailangan mong pumasok, may mga reports ka pa sa SSC! At may trabaho ka pa mamaya!


Sinampal ko yung sarili ko upang magising ako sa kalungutan na 'to. Hindi dapat ako magpapatalo sa mokong na yun! Hindi ko dapat siraan yung kinakabukasan ko dahil lang sa mokong na 'yun!


Dapat gawin ko siyang proud para sa akin. Yun naman yung gusto niya diba?


Not An Ordinary NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon