22: Akala ko...

728 27 8
                                    

Airene's POV


Four months na ang lumipas at birthday ko na! Yehey! Bukas na yung birthday ko. Yey mag nineteen na ako. yieeee..



Tsaka April 12 na ngayon, kakatapos lang ng first semester. Kami ni Adrian? Ito parin, kami pa rin. Eh gusto ko kami na panghabang buhay. Sina mama at papa naman, nandun sa Amerika may ginagawa sa mga kompanya nila. Eh ako? Wala. nandito lang sa bahay kasama si Cass na nanunuod ng Spongebob. Walang magawa eh. Wala namang klase.


At tanong niyo, san si Adrian? Eh malay ko. Hindi ko alam. Tinanong ko siya kanina nung tumawag ako sa kanya. Kaso hindi niya gustong sasabihin sa akin. May surprisa daw siya sa akin. Hay, ano nanaman pakulo ang gusto niya?


"Uy Airene, may tao sa labas", sambit ni Cass sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Tumango nalang ako at tumayo papunta sa pintuan. Pagbukas ko, nakita ko si Liam.


"Uy Ai, advance Happy Birthday. Ibibigay ko sana 'tong regalo ko sayo. Bukas ko sana 'to ibibigay kaso may lakad kami ng pamilya namin eh. Kaya nagyon ko lang ibibigay. Ang flight ko kasi para Japan ay ngayong 4:00 PM eh", sabi ni Liam habang lumakad siya patungo palapit sa akin. Kinuha ko naman yung regalo niya.


(A/n: Sa mga nalilito. Si Liam at Cheym ay iisa. Iniba ko ang pangalan ni Cheym. Naging Liam na.)


Ngumiti ako sa kanya. "Pasok ka muna Liam", sabi ko sa kanya. Umiiling siya sa akin.


"Hindi na Ai. Magpeprepare pa kasi ako. Sige Salamat! Tawagan mo nalang ako kung may ginawang kagaguhan ng pinsan ko,ha?", pumasok siya sa kanyang kotse. Saka nagwave nalang ako sa kanya.


Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko si Cass nakapout. Tinataasan ko siya ng kilay.


"Mabuti ka pa may nagbigay sayo ng regalo na gwapo", bitatukan ko naman siya. Nakakainis 'tong babaeng 'to ah!


"Hoy inday! Wag ka ngang ganyan. May boyfriend ka na!", sabi ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin tsaka nagpout nanaman. Ano kaya 'tong nakain 'tong babaeng 'to. Gusto ba niyang batukan siya?!


"Hmph! Bwuset kasi yung si Nheil eh! Puro lang business yung inaatupag! Akala ko namang bakasyon ngayon at makasama ko siya palagi kaso, ang inaatupag niya ang yung kompanya niya."


"Hay naku mo naman Cass. Ang OA mo. Alam mo naman para yun sa kinabukasan niyo, diba? Fiance mo naman siya eh. Kaya wag kanang mag-alala", sabi ko sa kanya sabay pat sa ulo niya.


"Eh. Maraming chicks dun sa opisina niya eh. Lalo na yung secretary niyang si Katrina, yung korean girl. Asus! Napakalandi! Ipinakita pa niya yung cleavage niya kay Nheil!", nang-iirita niyang sabi. Tumawa naman ako sa kanya. Napakaselosa talaga 'tong Cassie na 'to.


"Haha. Napakaselosa mo!"


"Selosa na kung selosa! Tss!--", naputol  yung phone niya nang biglang nagring yung phone niya. Kukunin ko sana pero kinuha niya kaagad at tumingin sa akin ng masama.

Not An Ordinary NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon