~EXAMINATION CLASS~
TIANA's POV
Habang naglalakad kami papunta sa dorm ay di mawala sa isip ko yung nangyari sa locker. Ano na kayang gagawin ko? Baka ubusin na nya yung dugo ko pag nag kita ulit kami. Or baka i torture nya ko at nagiisip sya kung anong torture yung gagawin sakin kaya agad syang umalis I mean bigla. Aishhhh, erase erase, erase. Ang isang tiana may asis ay hindi natatakot.
Okay focus nalang muna tayo sa Examination class. So sabi nga ni Sanah kanina habang naglalakad kami ay, e expirementuhan daw kami para malaman yung mga kaya naming gawin at para daw I train. Pero para sakanya cool yun pero para sakin NO.
As in NO kasi pagi expirementuhan kami, eh hindi naman kami hayop or kung ano man yun. Kaya di iyon cool.Di ko namalayang nakarating na kami sa dorm kaya binuksan ni shana yung pinto at pumasok na kami.
Pag pasok namin dun ay agad nyang binato yung bag sa sahig tas humiga sa kama.
Ng pipikit na sya ay bigla syang tumingin sakin."Matulog ka na." Sabi nya kaya tumungo ako at inilagay yung bag ko sa study table at humiga na.
Tinignan ko si sanah kung tulog na sya. At nang ma sense kong hindi pa ay napag isipan kong magtanong.
"Ahm, ano bang mangyayari kung hindi ka nagpahinga bago mag start yung examination class?" Tanong ko.
"Maaring maubos yung energy mo or mahimatay ka." Sagot nya habang naka pikit padin. Mahimatay? Bat naman kaya?
"Bat naman mahihimatay?" Nagtataka kong tanong sakanya.
Kumunot yung noo nya at humarap sakin ng mukhang naiirita."Wag ka na ngang magtanong muna, mag pahinga ka na lang." Sabi nya sabay taklob ng kumot at humiga patalikod sakin.
Okay, hindi na ako magtatanong, matutulog na ko.
+++++++
Ringgggggg!!!!!~
Agad akong napabangon dahil sa tunog na yun. Mukhang simula ng examination class. Tumingin ako sa paligid at nakita kong wala na si sanah. Mukhang nagising na sya kanina pa. Agad akong tumayo at pumunta sa cr para mag hilamos at mag toothbrush. Habang nag tu toothbrush ako ay nakita ko si sanah na papasok sa cr.
"Paki dalian mo nalang tiana, baka ma late tayo." Sabi nya sabay alis sa cr. Kaya dinalian ko nalang.
Pag katapos ko mag toothbrush at maghilamos ay lumabas na ko at kinuha yung bag ko at sabay na kaming lumabas ni sanah sa dorm. Sinusundan ko lang sya since di ko alam yung daan at saan yung examination class na yun. Pero hindi parin mawala sa isip ko yung pagiging masungit nya sakin kanina. Ano kayang problema nya? Ganun ba kahalaga para sakanya yung examination class na yun?
Madami ring students na naglalakad papunta dun sa examination class na yun.
Tumigil si sanah ng nasa fourth floor na kami at pag kita ko sa mga rooms ay malalaki yung door nila compare sa mga class room namin at yung unang room ay may Kulay white na double door at yung second naman ay may Kulay brown yung pinto tas yung pangatlo ay black yung door and yung pang apat naman ay red yung pinto and lastly yung pang lima ay gold yung pinto.
"Ahm, san tayo dyan?" Tanong ko kay sanah. Tumingin naman sya sakin.
"Dun ka sa white door, kasi hindi mo pa alam yung power mo at ako naman sa Brown na pinto kasi beginner palang ako at yung nandun sa black na door ay yung mga kaya ng icontrol yung powers nila and yung red eh na master na nila at yung gold, dun naman yung limang powerful dito sa academy." Sabi nya. So andun sa gold sila zachary. Pero ako lang mag isa sa room, wala akong kilala dun maa out of place lang ako dun. Tumungo nalang ako sakanya.
"Wag ka mag alala madami ka namang makakasama dun na mababait, so hindi ka ma la out of place."sabi nya sabay smile. Ngumiti nalang din ako.
"Sige una na ko." Sabi nya sabay lakad papunta dun sa Brown na door. Nang makapasok na sya dun ay pumasok nalang ako dun sa white at binuksan yung pinto.
Kagaya ng ibang room dito sa academy ay malaki rin ito at mukhang mas malaki pa to, at may mga upuan na nakahilera sa gilid at may pinto sa may pinaka dulo, kulay white rin sya. Pag pasok ko ay madami rin palang students na nandito. Umupo ako sa pinakadulo katabi yung babaeng Brown yung buhok at black yung mata. Mukhang mabait naman sya. Nginitian nya ako kaya ngumiti nalang din ako sa kanya.
"Anong pangalan mo?" Tanong nya with a smile.
"Ahm, tiana, ikaw?" Tanong ko habang nakangiti rin.
"Trisha nga pala." Sabi nya sabay abot ng kamay nya sakin para maki pag shake hands kaya inabot ko yun at nakipag shake hands.
"So, ikaw pala yung bago dito." Tumutungo nyang sabi, kaya tumungo nalang din ako.
"Ahm, btw trisha ano bang ginagawa nila sa loob?" Tanong ko. Nakaka curious kasi eh.
"Pipili ka muna dun kung san magaling yung sense mo, like vision, for example nakakakita ka sa mala yuan or mahilig ka gumawa ng activities na involved yung vision, katulad ng pag drawing, painting, etc." Sabi nya. Napa tungo naman ako dun. Mukhang alam ko na kung saan ako dun.
Magsasalita pa sana ako pero biglang bumukas yung pinto at lumabas yung isang babae na halos di na makatayo at hilong hilo na kaya may umaalalay sakanyang dalawang lalaking naka black na t- shirt at pants.
Bigla namang may lumabas na babaeng naka white na uniform ng mga scientists at may mask sya at may hawak rin syang notebook and ballpen. Baka sya na yung nag eexperiment.
"Next." Sabi nya, kaya may tumayong lalaking naka salamin at pinagpapawisan sya at mukhang takot na takot. What's wrong with them?
Tumingin ako kay trisha at parang wala lang sakanya yung nakita nya."Bakit ganun yung nangyari sa babae?" Tanong ko.
"Maaring naubos yung energy nya sa ginawang pag eexperiment sa kanya." Sabi nya.
Tumingin naman ako sa paligid at nakita kong lahat sila ay nakatingin sakin.
"Masanay ka na, ganyan talaga yung nangyayari dito natural na yun." Sabi ng isang lalaki na naka upo, malaking tao sya at black yung buhok nya at silver yung mata. Pamilyar sya ah? Parang nakita ko na sya.
&&&&&&&&&&&&&
VOTES AND COMMENTS GUYS!!!!!
I VOTE NYO NAMAN PO KUNG NAGUSTUHAN NYO!! :)
PARAMDAM KAYO GUYS!! WAG SNOBBER!~Swift

BINABASA MO ANG
Light Shadow Academy
FantasyLIGHT SHADOW ACADEMY~~ When Tiana's parents died because of a unpredictable accident, she was forced to transfer to a unfamiliar school, named light shadow academy. At first she thought that it was a ordinary school with ordinary people, but she's...